Chapter 3Gusto ko na...
Sherlock's POV
"Ginawa mo 'yun?!" Hindi makapaniwala na bulalas ni Gec.
Ang tinutukoy niya ay ang nangyari kanina. Bagot na tinanguhan 'ko siya, at inabot ang rubics kay Reigne na nakikipag-daldalan kay Raki.
Binatukan ako ni Nanah ng hindi ako umimik. "Siraulo ka! Dumugo daw 'yung noo ng babae uh!" Pasinghal niyang sabi at naupo ulit sa tabi ni Raki.
Napatingin sa'min sila Reigne, at Raki. Hinimas 'ko ang batok 'ko. "Aray naman!" Bumuga ako ng hininga.
"Hindi 'ko kasalanan. Exag yung lalaki. Sa sobrang lakas ng pagkaka-hatak niya doon sa babae, ayun. Sapul 'yung ulo sa sasakyan." Pangisi-ngisi 'kong sabi ng maalala ang galit na mukha ng lalaki.
Malakas na napahalakhak si Nanah, at Gec. Napangisi ako lalo.
"Kasalanan mo, Sherlock pero ang shunga ng galaw nung lalaki! Hahahaha!" Malakas na halakhak ni Gec, at nakipag-apir pa kay Nanah. Mas lumakas ang tawanan nila.
Naiiling nalang si Reigne sa kanila. "Di ba sumemplang ka din?" Malumanay na tanong niya sa'kin na sinagot 'ko lang ng tango. Napatingin sa'kin sila Gec, at mas lumakas ang tawanan. Nakisama na sa pag-tawa si Raki.
"Shunga ka din pala, e! Sumemplang ka?! Hahahahaha!" Pang-aasar ni Nanah. Halos gumulong na sila sa sahig sa kakatawa. Napanguso ako.
Kinamot 'ko ang batok 'ko. Magsasalita sana ako ng ma-unang magsalita si Gec.
"Now and forever presents.." Tinaas niya ang kamay niya, at nilagay sa ilalim ng baba 'ko. "..Buhos ng lampa."
"Hahahahahaha!" Mas umingay ang apartment namin.
(-_-)
siraulo 'tong mga 'to ah.
Sanay na ang mga kapitbahay namin sa kaingayan naming lima lalo na pag magkakasama kami. Palagi silang ganyan, humahanap ng mapapagkatuwaan.
Naiiling nalang ako, at nag-punta sa kusina. Kumuha ako ng tubig, at inisang lagok. Matapos ay bumalik na ako sa sala.
Natigil na sila sa tawanan, pero ngiting-ngiti pa rin. Pabagsak na naupo ako sa tapat nila. Buti naman tapos na sila. Nginusuan 'ko sila.
"Okay na kayo?" Tanong 'ko. Tumango naman sila sa'kin, at mahinang nag-hagikgikan.
Naiiling nalang ako, at binuksan ang chitcherya. Nag-salin ako ng gin sa baso, at inisang lagok. Napangiwi ako ng bahagya ng mag-init ang lalamunan 'ko. Sarap! Nag-salin ulit ako.
"Hoy, hinay-hinay ka sa pag-inom. Sasali ka sa Pitch Club di ba?" Biglang pag-iiba ng topic ni Nanah. Kumuha din siya ng chitcherya, at nag-salin ng gin sa baso.
Kumunot ang noo 'ko sa kanya. Ha? "Saan mo nalaman 'yun?" Nakangiwi 'kong tanong sa kanya.
Ininom niya muna ang gin bago ako sinagot. Bahagyang lukot ang ilong niya. Ang panget. Ngumisi ako, at yumuko.
"Ando'n si Sheriff. Member siya doon." Sabi niya na ikinahinto 'ko. Ando'n siya?
Tiningnan siya ni Gec, kunot ang noo. "Paano mo nalaman 'yan?" Nagtataka na tanong ni Gec sa kanya.
"Sasali kasi dapat ako, kaya lang nakita 'ko 'yung pangalan niya sa list kaya umatras ako. Naisip ko tuloy na baka alam na ni Naruto, pero mukhang hindi pa pala." Mahaba niyang litanya.
BINABASA MO ANG
Beautiful Life
Action"Never beg someone to choose you." -Sherlock Hide ------------------------------------------------------ BEAUTIFUL LIFE Sherlock Hide Cadmus Leonel Arzobal Inspired by Naruto, and He's Into Her /Categories: Action, -Romance, -Comedy, -Mystery, -Thr...