CHAPTER 2

14 1 0
                                    


Chapter 2

Tayong dalawa lang

Sherlock's POV

Sinundan ng tingin nila Gec si president ng makalayo na kami sa kanya. Halos mabali na ang leeg nila.

"Kinausap 'ka talaga niya?" Hindi makapaniwala na tanong ni Nanah habang nakatanaw pa rin sa papalayong bulto ni president.

Tumango ako, at nginisihan sila. Gusto 'kong pagtawanan ang mukha nila. Parang hindi makapaniwala na talagang kinausap ako ng prinsipe ng paaralan nila.

"Wow." Nilapitan ako ni Gec. "Anong ginawa mo at napansin 'ka no'n?" Namamangha niyang tanong, at inakbayan ako. Tumabi din sa amin si Nanah na nakatitig sa akin.

Marami ang nakatitig sa'min, at nagbubulungan. Lalo na sa akin.

"Bakit kasama niya ang mga 'yan?"

"Basura kasama ang mga basura. Tsh."

"Oh my gosh, new member ba 'yan ng Loser's club? Bagay ha."

"Iww, ang babaho nila."

Naiiling nalang ako, at ngumuso para pigilan ang paghalakhak 'ko sa kaartehan nila. Tiningnan 'ko sila isa-isa, at naiiling nalang. Childish. Bumuntong hininga ako.

"Hoy. Tinatanong kita!" Pag-sigaw ni Gec sa mukha 'ko.

Bahagya akong umilag, at tiningnan siya. "Secret." Sabi 'ko at pilyang ngumisi.

Napanguso siya, at nag-iwas na ng tingin. Natahimik na kami hanggang sa makarating kami sa cafeteria. Katulad ng inaasahan, kung nasaan ang pagkain, nandoon ang mga tao.

"Siksikan." Bulong 'ko, at nagsimula ng lumakad papasok. Pinagtinginan nanaman ako, pero hindi na ako nag-abala pa na tingnan sila pabalik.

Kahit saan ako lumingon ay may mga tao. May ilan na nag-sasayawan, may nagkakantahan, may nag-tatawanan, may nag-dadaldalan, at kung ano-ano pa. May kanya-kanya silang grupo nila. Napasipol ako sa pagkamangha.

"Ganito lagi dito, Sherlock. Masasanay 'ka din gaya namin." Sabi naman ni Raki, at sinamaan ng tingin ang babae na nakabangga sa kanya. Narinig 'ko pa siyang minura 'to kaya mabilis na umilag ang nakabangga niya.

Naiiling nalang ako. "Pati ba sa pagtitig nila?" Tanong 'ko habang lumilinga sa paligid. Para kaming artista 'kung pagtinginan nila. Hindi 'ko tuloy maiwasan na mapangiti nanaman ng malawak, at mapang-asar na kinawayan sila.

"Uy, siraulo." Saway ni Nanah sa'kin, at hinampas ang kamay 'ko. Natawa ako sa ginawa niya.

"Oo. Ganyan talaga sila. Pagtitinginan 'ka pag pangit, at mukha 'kang pipitsugin." Sabi ni Gec, at nginuso ang pila. "Tara, pila na."

Napatango-tango nalang ako, at hindi na sumagot. Wala pala halos pinagkaiba 'to sa mga dati namin na pinasukan. Palaging kami ang napapag-initan. Naiiling nalang ako. Anong meron sa'min at kami ang lagi nilang nakikita?

Mabilis ang pag-usad ng pila dahil na rin siguro sa dami ng umaasikaso sa mga estudyante. Mabuti naman, gutom na ako.

Nang makarating na kami sa unahan ng pila, agad na nag-salita si Gec. "Ate, mocha cake-"

Naputol ang sinasabi niya ng may sumingit sa harapan namin. "Carbonara without mushrooms, and chocolate shake." Nilingon niya kami, at nginisihan.

Napaatras kami dahil sa bigla niyang pag-singit. Nilapitan 'ko naman siya.

"Nauna kami sa pila." Nakangiti 'kong sabi sa kanya. Tiningnan naman niya ako, at nginisihan nanaman.

Beautiful LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon