Tula#1

24 1 0
                                    

Kung ang iyong luha ay katumbas ng iyong kaligtasan
Kung ang iyong luha ay katumbas sa paglayo mo sa kapahamakan
Kung ang iyong luha lamang ang tanging paraan
Nang sa ganoon ay ika'y patuloy na masilayan at mahawakan
Malugod kitang paluluhain kahit sa aki'y dala din ay kasakitan

Dahil sa isang butil na pagpatak ng iyong luha ay isang libong pagtarak sa akin ng espada
Sa dalawang butil na pagpatak ng iyong luha ay dalawang libong punyal sa aking puso ang nadarama
Ngunit kahit sa ilang kahirapan at kasakitan din sa akin
Kung para sa iyong patuloy na pagtira dito sa mundo ikaw pari'y aking paluluhain

Kaya't pasensya dahil mas pinili ko ang iyong kaligtasan kaysa sa iyong nararamdaman
Pasensya kung mas pinili kitang mabuhay kaysa sa 'di masaktan
Sana ako'y iyong maintindihan, sapagkat ito lamang ang paraan
Sapagkat hindi ko makakaya na sa piling ko'y ika'y lilisan

Poems And PoetryWhere stories live. Discover now