Nang dahil sa S.O.S

101 4 1
                                    

First one shot! Pagbigyan! Epekto lang ng kasabawan hahaha.Medyo relate ako dito kasi experience ko 'to pero syempre may dagdag na istorya yung ending. Haha enjoy :)

***********

"Ang daya! Wala namang turuan!"

Nakakabad-trip naman yang si Edward nagpapaturo palibhasa walang maitira dito sa nilalaro naming SOS.

"Hindi naman ako madaya! Baka ikaw Hannah?" Aba matinde. Sinabihan nya pa talaga ako ng madaya eh sya na nga yung may kalampi.

"Okay, class I will record your scores in the test. 60 ang number of items. Ready?" sabi ng teacher habang kami naglalaro pa rin.

"Yes Ma'am." sagot namin para hindi naman halatang naglalaro kami.

Ako kasi yung top 1 and etong kalaban ang top 2 kaya pinagbibigyan kami ng teacher. And kaclose ko  na yung teacher namin sa Computer dahil ako lagi ang pinagchecheck ng tests at kung anu-ano pa.

"It's your turn!' sabi sa akin ni Edward.

Ito kasing si Edward ang palaging kong kalaban dito sa larong 'to kahit high school na kami. 

"Yes yes! mukhag talo ka na bleee" tuwang-tuwa kong sabi sa kanya dahil limang sunod-sunod na tira ang sinulat ko sa papel kaya 5 points! HAHA!

"Fck! Bakit hindi ko nakita?"

"Nakakabulag kasi ang kadayaan! Blee" pasaring ko naman kay Ed.

"Aba! Bakit maingay?" patay. mukhang naririnig kami ng teacher namin. Psh.

"Ma'am eto pong si Hannah at Edward naglalaro ng SOS!" napakasumbongero naman nitong katabi ko.

"Oh? huwag kayong maingay. Itutuloy ko na ang pag-rerecord!" sabi naman ni Ma'am. Phew. Muntik na kami dun ah.

"Okay, Garcia, Edward?" hindi 60 ang score mo please.

"58 Ma'am!" sigaw nya kay Ma'am. YEAH! Hindi sya 60 hahahaha.

Siguro 15 minutes na ang nakalipas hindi pa rin kami tapos. Kasi naman isang buong typewriting yung papel na ginamit namin.

"Reyes, Hannah?" tanong ni Ma'am na ang ibig sabihin tinatanong nya ang score ko.

"60 Ma'am!" sigaw ko with matching parinig kay Ed.

"Ha? Paanong nangyari--?"

"Magaling sadya si crush pati sa SOS!" sabi naman nung pandak na katabi ko. Eww.

"Oh Hannah ano bang ginagawa nyo jan?" tanong ng teacher sa amin. Natatawa na lang ako kasi hindi ko alam kung anong issasagot ko.

"Naglalaro po sila ng SOS ni Edward!" sabi ulit ng katabi ko.

"YIIIIIIIIIIEEEEEEE!!!" sabay sabay na sigaw ng mga kaklase ko. Hala? Anyare? Ed at Ako? Naaahhh. Srsly?

"Bakit? sila bang dalawa?" pati ba naman si Ma'am. Ugghh.

"No Ma'am!" sigaw ko kay Ma'am kasi naman AAGGGHHH!

Nagpatuloy naman ulit kami ni Ed ng paglalaro pero pagtingi ko dun sa papel. May sulat na lahat ng box.

"NAPAKADAYA MO TALAGA! I HATE YOU! I HATE YOU" nakakapanlumo naman talaga. Sabihan nyo na akong napakababaw na tao pero kahit laro lang 'to syempre naghirap din naman ako para makarami ng points. 

"Ako ang panalo! Bleee" andaya nya talaga. AGGGHHH.

"Oh sinong nanalo jan?" pag-uusisa pa ng teacher namin.

"Ako Ma'am. Madaya si Edward!" sagot ko naman kay Ma'am.

"Masama ang magdaya Edward.....Oh! Time na pala. Class dismissed." tumayo na si Ma'am at umalis na sa room namin.

"Bukas ulit Edward. May punishment na pag natalo ah!" sabi ko  kay Ed. 

"Sure!"

*next day*

Vacant time.

"Hannah! Tara na maglaro!" ang hilig talagang sumigaw ni crush.

Ooops! The fuck did I say?

Oo na. Crush ko naman talaga sya since First year and hanggang ngayng 4th year.

"Sigee laro na tayo!" pumunta na sya dito sa upuan ko para makapaglaro kami.

"Yiiee maglalro ulit sila" sabi nung mga babae sa front row.

"Yung punishment dapat sasabihin yung crush kapag natalo." sabi nung iba ko pang kaklase.

"Sige. Deal. Let's start!" whhaaaaatt. bakit ka naman agad pumayag Edward? 

"Agghh. Deal" napilitan naman akong sumagot.

Nagsimula yung game at nag-puntahan na yung mga kaklase namin para manood.

*after 10 minutes*

"Panalo ako!"

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAGGGGGGGGGGGHHHHHHH!

Bakit ka nagpatalo Hannah? Dahil ba crush mo yang nakalaban mo? DI ka naman ganyan dati ah? 

"Pano ba yan Hannah? Talo ka. Sinong crush mo?" napatingin naman yung mga kaklase ko kasi ako yung tipong puro aral at ako rin ang Class President. Pero hindi ako nerd. Madaldal din ako at friendly.

Pinagpapawisan na ako at nalilito. Sasabihin ko ba talaga?

"Ikaw." bigla na lang lumabas sa bibig ko. WHAT THE HECK DID I SAY?

"Yieeee!"

"Waaahhh! Bagay kayo ni Ed!"

"Sabi na pre sa'yo!"

"Anong sabi mo Hannah?" tanong naman ni Ed sa akin.

Wala na di ko na mababawi. Paninindigan ko na 'to. Ang tanga kasi ng bibig ko.

"Oo na. Ikaw yung crush ko." di pa rin ako makatingin sa kanya.

"Pre, sabihin mo na!"

Ha? anong sasabihin?

"Ahm, Hannah. ikaw rin yung gusto ko."

Ahh. Wait? Whaaaaat? Crush nya ako?

"Crush...mo rin...a..ako?" utal kong tanong sa kanya.

"Yes. You're my crush Hannah." sinabi nya yun at nilapitan nya ako at niyakap nang mahigpit na mahigpit.

Napuno ng sigawan ang room namin.

Napangiti na lang ako. Kahit natalo ako sa SOS, nanalo naman ako sa nalaman ko na crush ako ng crush ko.

*END*

-----------------

Vote.Share.Comment.

Thank you :)

Iba't- ibang istratehiya sa Pag-ibig (one shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon