Rubik's cube love story

89 3 0
                                    

RUBIK'S CUBE LOVE STORY


"Tara laro tayo! Rubik's cube!" sigaw na naman ng kaklase kong si Gab na para bang naka-assign na sya lagi ang sisigaw at magsasabing maglalaro sila ng Rubik's cube. Wala eh. Kabarkada nya kasi yung King of Rubik's cube dito sa St. Francis Academy na at the same time, running for Salutatorian. Malapit na kasi ang graduation namin kaya andito na lang kami sa school for practice.

Hello, I'm Irish Castillo by the way. Fourth year high school at kaklase ni Gab. I'm running for Valedictorian naman.

Sya si Kent Alvarado. Ang King of Rubik's Cube dito sa aming school. Kaya sya ang panlaban namin. Fastest record nya? 35 seconds. Kaya naman ang daming girls ang naghahabol sa kanya. dagdag mo pa ang pagiging matangkad, matalino, sporty at pogi nya.

Maniwala kayo at sa hindi, isa ako sa mga babaeng iyon.  Pero hindi naman ako katulad ng mga babaeng yon sisigaw na lang agad once na makita si Kent ng:

"OMG! Anjan na sya!"

"Tumingin sya sa akin at nagkatitigan kami for a split second! Waaahh! Kill me now"

"Nakasalubong ko sya sa hallway kanina!"

"Ang galing nya talagang mag-basketball"

"Mahalin mo ako Kent please!"

Hay nakakadiri. Pwede  namang gayahin nila ang ginagawa ko. Silent suitor. Pasimpleng sulyap. Pasimpleng landi. 

"Uuuyyyy!" kalabit sakin ng seatmate ko and at the same time bestfriend ko since elementary. Si Kristin.

"Bakit tulala ka jan? Ikaw ha? Pasulyap sulyap ka kay Kent." sabi nya sa akin. Oo nga pala. Sya lang ang may alam na may gusto ako kay Kent.

"Bakit ba. Sumusulyap lang naman eh." Nakatingin pa rin ako kay Ken habang nagsasalita.

"Bakit ba kasi, hindi na lang umamin. Hello Irish? Malapit na tayong gumraduate pero di ka pa umaamin. may torpe palang babae." sambit nya ulit sa akin.

"Ikaw kaya yung nasa kalagayan ko?" tanong ko naman sa kanya.

"Kung ako sayo, umamin ka na. Wala namang mawawala. Kung hindi ka nya gusto, eh di maging mutual ka sa kanya. Ayawan mo din sya." Pagpapaliwanag nya sa akin.

"Hindi yun ganun kadali. Nasasabi mo lang yan kasi mahal ka rin ng mahal mo." eto naman kasing si Kristin eh. Nakakainggit. Mahal sya ng mahal nya. :(

"Hay ikaw ang bahala Irish. Pupunta lang ako ng canteen." sabi nya kaya nagthumbs-up na lang ako para okay.

"OH SINONG GUSTONG LUMABAN KAY KENT? 5  NA ANG NATALO NYA!" sigaw ulit ni Gab. Yung mga kaklase ko kasi nakapalibot na dun sa row ni Kent na tila ba ako na lang yung hindi nandun. 

"Ako!" sigaw naman ni Charee. Yung muse namin na maganda pero walang utak. Best enemy ko at the same time kalaban ko kay Kent.

"Weh Charee? Marunong ka ba?" sabi naman ni Jerry. Yung isang kabarkada nila.

"Ah eh.. OO NAMAN!" naghesitate pa naman kasi eh. Halatang hindi marunong. Paganda lang ang alam. Pumunta na sya dun sa may row ni Ken na abot-langit ang ngiti. Makakalandi lang eh.

At dahil alam ko na kung sinong mananalo, sinaksak ko na lang sa tenga ko ang earphones ko dahil medyo tinamaan ako ng antok. Umub-ob na lang ko sa upuan ko.  Mamaya pa naman ang practice namin.

Mga 30 minutes siguro akong naka-idlip at ayun naglalaro pa rin sila. Hay ang sarap mag-unat!

Pagmulat ko ng mga mata ko, nakatingin lahat sa akin ang mga kaklase ko. Hala? Bakit? Tinanggal ko ang earphones ko.

Iba't- ibang istratehiya sa Pag-ibig (one shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon