Say NO to Bullying!

71 2 7
                                    

Off topic po muna tayo sa pag-ibig. Tungkol po ito sa bullying. Wala lang, gusto ko lang bigyan ng pansin kasi isa 'to sa isyung kinakaharap ng maraming kabataan sa panahon ngayon kaya sana magustuhan nyo.

-Nicszxcz

-------------------------------

"HAHAHA! Ang panget panget mo!"

"Lumayo ka nga sa amin Yanna! Ang pangit pangit mo! Nakakatakot ka!"

"Hindi ka nababagay dito sa school na 'to! Para sa sosyal lang 'to"

"Bawal dito ang mga panget at walang class. Eww"

Ayan na naman sila. Nakakabingi na rin kasi yang mga yan. Araw- araw na nambubully. Di ba sila napapagod sa pangungutya?

"Wala na ngang ama, pangit at malandi pa yung ina." kutya na naman ni Jessie na syang ikinakulo ng dugo. Hindi na ako makakapayag na pati pamilya ko ay pagsasabihan nila ng ganun. Bumalik ako sa kinatatayuan nya at binigyan sya ng isang malaking sampal. She deserved that.

"Sa susunod na magsasabi ka ng pangungutya mo, yung tungkol na lang sa akin. Wala kang karapatan na pagsabihan ang mga magulang ko ng ganyan. Sa susunod na ulitin mo yan, baka sabihin ko sa buong school na anak ka lang sa labas ng nanay mo na narape lang sya at ikaw ang bunga nun." pagkasabi ko nun ay binigyan ko sya ng isang napakatamis na ngiti sabay alis sa harap nya at pumasok ng classroom.

Iniwan ko sya dun na mangiyak-ngiyak at sobrang pula ng mukha. Talo eh.

Btw, ako si Yanna Garte. Grade 9 student sa Sta. Ana National High School. Top 1 sa klase pero binubully dito sa school. Lahat na yata ng pangungutya naranasan at nasabi na nila sa akin. Di ko magawa-gawang ipagtanggol ang sarili ko dahil natatakot ako. Wala akong kaibigan na tutulog at magtatanggol sa akin.  Elementary pa lang, naranasan ko nang mabully kaya siguro sanay na ako.

Lumipas ang isang araw sa pag-upo at pag-participate sa klase. Tumayo na ako sa upuan ko at inayos ang gamit ko. Pagsakbit ko ng bag ay nakita ko si Jessie na nakatingin sa akin. Mukhang mapapa-trouble ako nito.

Lumabas ako kaagad ng classroom para makaiwas agad ako sa kanya. Walking distant lang yung bahay namin dito. At buti na lang nakauwi at ng ligtas at buhay.

"Hayy nako nanjan na naman ang pangit at magaling kong kapatid" sarkastikong sabi ng kapatid kong si Cherry.

"Mano po Ma." nagmano ako kay Mama na lasing na naman.

"Hoy Yanna! Maglaba ka na at hugasan mo yung kinainan tapos magluto ka pagkatapos. Pag hindi mo yan ginawa, hindi kaa makakakain." sambit na naman ng masipag at magaling kong kapatid. Inaapi na nga ako sa school namin pati ba naman dito sa bahay? edi wow.

Ginawa ko naman ang pinapagawa nya. Hinugasan ko muna ang mga kinainan nila kaninang tanghali tapos naglaba na din ako ng mga damit namin at uniform ko.

"Anobayan! Ang tagal mo namang magluto! Gutom na ako!" kasalukuyan akong nandito sa kusina habang nagluluto ng hapunan namin ni Ate. Tulog na kasi si Mama dahil sa kalasingan.

"Oh eto na! eto na!" nagsandok ako ng kanin at inilapag sa lamesa pati na rin ang ulam namin. 

Natapos ang aming paghahapunan ng walang nagsasalita.

"Hugasan mo na yan. Tapos na ako." tumayo na si ate sa kinauupuan nya at nagpunta sa sala para manood ng palabas sa telebisyon.

"Pagkatapos mong magligpit at maghugas, pwede ka nang matulog." sambit pa nya habang nagliligpit ako ng kinainan namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Iba't- ibang istratehiya sa Pag-ibig (one shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon