Chapter 14

13 3 0
                                    

Chapter 14
Stuck in the moment

Ian P.O.V

Aray! Ang sakit ng ulo at likod ko sa pag shake nitong elevator ah. Teka! Asan ba si Jennelyn? Ang dilim kasi eh.. di yata sya nag iingay?

“Jheng…. Jheng…” wait… ano tong nasa paanan ko? Agad kong nilabas ang cellphone ko galing bulsa at inilawan ng ito.

“P*tang *na! Jheng!.... Jheng!...”

Nang hindi ko sya magising eh. tumayo ako at pinidot  yung emergency button ng elevator…at nag salita sa speaker.

“Tulong po! Na stranded po kami dito sa elevator!”

“Anong pong pangalan nyo Sir?”

“Ian Breed po… yung kasama ko po kasi walang malay nauntog po ata nung yumanig dito sa elevator kanina.” –medyo nagpapanic na ko.

Narinig ko naman nag salita na yung tao sa kabilang linya kaso hindi ako ang kanakausap niya.

“Sir Jaycee baka po sila yung hinahanap nyo?”  -nung marinig ko naman yung pangalan ni Jaycee agad  agad ko syang tinawag.

“Jaycee pare, tulong! Si Jenelyn kasi wlang malay ngayon… please…”

Maya-maya nag salita na si Jaycee, lumapit pa siguro sya sa mic.

“Pre, kalma ka lang ah. Medyo sumablay yung pinaka line na nag papataas baba sa elevator eh. Buti nga di napigtal eh… We’re going to help you… ilalabas namin kayo ni Jennelyn. Ok?”

Kahit litong-lito ako sa sinasabi nya… napa OO nalang ako.

Hay! Jennelynbakit ba pag aamin ako sayo eh laging ganito… may abirya lagi! Bakit ba hindi pwedeng maging tayo nalang ha?! Kainis naman oh.

Naramdaman ko naman na medyo gumalaw si Jennelyn.

“Ui. Jheng? Gising ka na ba? Ok ka na ba?” –biglang nag kailaw sa loob ng elevator kaya nakita ko sya na nakahawak sa ulo.

“Masakit ba? Don’t worry papunta na sila Jaycee… tutulungan nila tayo makalabas dito”

“hmmmm… ang sakit!” –habang naka hawak sa ulo niya. Nag-aalala na ko. Masyado niya atang naiuntog ang ulo niya. Nasan na ba si Jaycee!

“Saan? Saan?”

“Easy… nawalan lang ako ng malay dahil sa lakas ng pag -alog natin kanina pero so far… medyo ok naman na ko.” –sabay ngiti niya. Medyo naka hinga ako pero hndi pa rin nawawala ang pagaalala ko.

“Are you sure? Akala ko talaga….Hayyyyyyyy….” –at huminga ako ng malalim.

“Akala mo talaga napuruhan ako?”

“Akala ko mawawala ka na sakin… yung pakiramdam ko nung nalunod ka dati? Ganung ganun naramdaman ko kanina… takot na mawala yung taong sobrang mahalaga sakin.” –hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko.

“Ian….” At tinignan nya ko.

“Di na ko aasa sa salitang ‘next time’ kaya… Jennelyn Balagtas…”  huminga muna ako ng malalim tska nag salita.  “dati akala ko, normal lang yung turing ko sayo kasi mag-kaibigan tayo. Hinayaan ko lang ang sarili ko na mapalapit sayo. Hanggang sa di ko namalayan na unti-onting lumalalim na pala nararamdaman ko sayo. Andyan na yung nag -seselos ako pag may iba kang kakulitan..”

My Dream Guy is that you?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon