Chapter 4

29 0 0
                                        


The Swimming.

450 lang budget ko. Sakto na to. Sasama naman si Mark e. Hahahaha.

Naglakad na ako papunta sa kanto kung saan dun napagusapang magkita kita. Naglilibot yung mata ko at wala akong nakitang Mark!

Shane, Si Mark? Di sya sasama?

(Ang kaibigan ko. Si Shane. Bestfriend ko sya)

Susunod nalang daw sya.

Ay.... Sure na sasama sya ah! Si Mark lang kasi sinusundan ko dito. Chachansingan ko kasi. Hahahaha joke lang. Ang sama ko.

Shane: ang landi mo talagang babae ka! Kumpleto na tayo! Tagal mo kasi! Tara na sakay na tayo.

Sa jeep...

Bayad po. Bayad po. Bayad po. Oo, madami talaga. Pano ba naman nasa likod ako ng driver! Putek! Nagkasideline pa ako. Pero ok lang. Aliw aliw din. Malapit lang naman yung resort e.

Ako: anong oras susunod si Mark?

Shane: mga alas dyis daw.

Daddy Ben: Sure yan ah! Sya magdadala ng tubig e! Wala tayong tubig!

Ako: OO SURE YAN. WAG KA NANG SUMABAT JAN!!!

Shane: ang init ng dugo mo kay daddy ben.

Ako: ang yabang kasi. Hmp!

Shane: tss. Di ka parin makamove on sa sinabi nya dati? Sus naman! Matagal na yun ah.

Ako: kahit na! Duh! Mayabang is always mayabang!

Shane: Bahala ka XD

Sa resort...

Yey!

(May biglang tumalon, Si shane!)

Hoy! Nababasa mo ako Shane ah!

Bakit? Maliligo ka rin naman ah! Waaaa! (Binabasa nya ako)

Ay ganun ah! Humanda ka lulunudin kita mamaya! Kawawa ka sken.

Kung kaya mo! Baka ikaw lunudin ko dyan! Ang liit liit mo e. Hahaha. -shane.

Nang asar ang matangkad! Hoy mas matangkad ka lang sakin ng konti. Small but terrible ako no!

Ewan. Halika na! Malamig yung tubig. -shane.

Ge lang. Maya na. Kakain muna ako bago maligo.

Hoy! Wag mong uubusin yan ah. Kakain pa kami. -shane.

While eating...

Si Mark dumating..

Sorry guys. Late ako. Mukang ang saya niyo ah! Uy. Fae! Anong oras na? -mark.

A-a-ako? Hmm. Wait lang ah? Na-na-nine. Hehe.

Ah. Sige thanks. Tara na! -mark.

Hmm. Sige lang! Kumakain pa ako e.

Maya maya ay tumalon narin ako sa pool. Ang saya dahil nandun si mark. At parang close na close kami.

Mataya taya tayo! Walang aahon ah! Ang umahon di kakain. -shane.

Hoy! Di ako kasali jan ah. Mahirap tumakbo sa tubig. Hahaha

Ang taba mo kasi! Sali ka na. -shane.

Oo sige na! Basta paunahan sa hagdan ang mahuli sya taya.

(Para kaming bata nung mga oras na yun. Tawanan dito. Tawanan don. Sigaw jan. Sigaw dito. At ako ang nataya! Di na kelangang magtaka. Dahil ako puntirya nila)

Ang sasama nyo! TAYA!

(Nasa tabi ko kasi si Mark. Biglang natulala kaya nataya ko)

Madaya. Di ko alam e! Ulit -Mark

Wala. Taya ka na.

Hinabol nya ako para ibalik sakin yung pagkataya. Pero di namin napansin kumakain na pala silang lahat at tanging kaming dalawa lang ni Mark ang naiwan sa pool.

Ang sweet ng dalawa o! Di pa ba kayo kakain? Hahaha. -shane.

Aba! E kung si Mark naman ang kasama ko. Di na kami kakain! Dito nalang kami. diba Mar------

Nagulat ako dahil ako nalang pala nasa pool. Si mark umahon na. Takte! Di manlang ako niyaya netong lalaki na to! Ahon kung ahon! -_-

Ang itim ko na..

Anong maitim ka jan. Ang ganda ganda mo nga e. Ako nga negro na. -emerson

Achuchu! Tinkyu. kainan na!

(Nasa likod ko si Mark at parang may kumakanta sa isip ko.. "magkalayong agwat gagawin ang lahat mapasayo lang ang pagibig na alay sayo" chos! Hahahaha)

Tumayo ako para kumuha ng tubig. Pero nagulat ako nung binigyan ako ng juice ni Mark.

Juice oh . (Sabay ngiti)

Ay thanks. Baka madumi to ah. Trip nyo ako lagi e!

Hindi. Ako lang nagbigay nyan. ☺

Asdfghjkl! Tumalon na ulit sya. At ako naman. Nandun lang. Na-stock na. Kasi maraming food! Gosh! Ako uubos neto. Hahaha. Humingi si Jinky ng karne sakin binigyan ko naman. Maya maya ay nakita kong humingi si Mark kay Jinky at sinubuan ni Jinky si Mark. Nasa tubig kasi Mark at si Jinky nasa taas. Inggit na inggit ako kasi naka ilang subo na si Mark ng pagkain kay Jinky. At hindi pa yon! Naka sakay si Jinky sa balikat ni Mark! Leshe! Ako jan e! Ako jan! -_-

Pumunta lang ako sa hagdan. At tanging paa ko lang ang naka sawsaw sa tubig. Naka tingin sakin si Mark. At lumapit.

Bakit parang hindi ka masaya ngayon? -mark.

Ikaw kasi! (Sinabi ko ng pabulong)

Anong ako?

Ha? Ay! Kausap mo pala ako. Haha. Kausap ko kasi sarili ko. (Palusot)

Ah. Slide tayo.

Sige ikaw nalang. Takot ako jan baka malunod ako.

Hindi yan. Aalalayan naman kita e. Basta ako mauuna.

(Todo ngiti ako at umoo naman. Umakyat KAMING DALAWA. Oo. kaming dalawa lang. Nyahahaha)

Ready ka na? Ako mauuna ah. Aalalayan kita pag nadulas ka. -mark.

Sige.

Nagslide na sya at ako naman nanginginig sa takot at nanginginig sa kilig.

(Tss. Keri na to. Weeeee. Pag tingin ko sa baba. Nakatingin sya. At tila nag slowmo ang lahat. Sya lang ang nakikita ko sa paningin ko. Feeling ko nasa altar sya. At ikakasal na kami. Kaso bigla akong nahulog sa tubig at sinalo nya ❤)

Kaya mo naman pala e! Isa pa?

Sige. Sige. isa pa!

Ay wait. Tara na daw. 5 na. Time na.

Argh! Di pa nga ako nagenjoy e! Di pa ako nagbabanlaw.

Habang naglalakad pauwi. Sa bahay namin sila dumiretso para kumain.

Syempre. Kinikilig ako kasi kasama syang uuwi sa bahay nmin. Nagluto ako ng mangkanor. Este knorr soup. Hahaha. Habang kumakain kami...

Mark! Sayang no? Naunahan ka ni Luis e. Ikaw kasi kukupad kupad ka pa. -daddy ben. (Shet! Ano daddy ben? Mukang nagustuhan ko yung sinabi mo ah?)

Hoy! Wala na kami ni Luis no! (Sabay bulong ng.. "kaya pwede na kami ni Mark")

Wala na pala sila e! May chance kana Mark! -daddy ben.

Ngumiti lang si Mark at ako naman kilig na kilig na kumakain kaya napaso ako sa mainit na sabaw. Wala ding makakapantay sa initim ko. Woo! Nagmuka akong sunog na hotdog. Hahaha.

Until we meet again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon