Two

79 5 2
                                    

(Ritchzel's POV)

"Hoy, Jade, gising na! Kanina pa kita ginigising diyan, parang wala kang naririnig ah!", Galit na sigaw ni hindi-ko-alam-kung-sino sa labas ng kuwarto ko. Kanina pa 'yan ah.

Nagpa inat-inat ako at binuksan ko ang mga mata 'to. Umaga na pala, ang taas na ng sikat ng araw. Napalingon ako sa alarm clock na basa tabi ng kama ko. 6:30 AM palang naman ah, ano bang problema nung nasa labas? Ang aga agang mang gising eh, mamaya pang 7:30 klase ko.

Shunga lang teh?

"RITCHZEL JADE!". Sigaw ulit nung taong. . . Wait, kilala ko na pala kung sino 'yun. Si Kuya ko lang pala. Aish! Kahit kaylan talaga, early bird siya!

"Oo nakatayo na oh! Maliligo na nga oh!". At ginawa ko nga 'yung sinabi ko. Pagkatapos kong maligo, padabog akong bumaba ng hagdan at nakita kong napalingon si kuya kung nasaan ako.

"Oh bakit ang busangot mo diyan?". Tanong niya.

"Eh malamang! Sino ba naman ang hindi mabubwisit ang aga aga mo akong ginising! Sipain kita jan e.". Banta ko sakaniya. Seryoso ako dahil badtrip talaga ako.

"Ode wow.". Sagot niya ng nakangisi. Aish!

Hindi ko nalang siya sinagot dahit alam kong mag-aaway lang kami kapag ginawa ko 'yun. Mabilis akong kumain at kaagad kong ti-next si Joash. Oops, hindi ko siya boyfriend. Boy bestfriend ko siya. Hehe.

'To: Joash Clemente

Joashie! Sunduin mo na ako! Asap. Hehe, thankyou! :3'

SENT!

Alam ni Kuya ko na may bestfriend akong lalaki at kilala nya si Joash. Matagal na kaming mag kaibigan ni Joash. Kilala rin nila mommy si Joash dahil childhood bestfriend ko siya at hanggang ngayon naman.

Ilang sandali pa ay nag vibrate agad ang cellphone ko.

*bzzt - bzzt*

'From: Joash Clemente

Already here.'

Agad agaran akong lumabas ng bahay at nakita. ko na andoon na nga siya. Nakasakay siya sa hot car nya na walang bubong -- HAHA. At naka-shades siya.

Gosh! Ang gwapo gwapo nya! Kung hindi ko lang siya bestfriend matagal ko ng gusto 'to! Pero, bawal e. Hindi ko alam. Parang awkward kasi parang. . . Ayy! Ewan ko!

Sumakay ako agad sa kotse nya at nagsabing, "Let's go!".

Pagkatungtong na pagkatungtong ng kotse ni Joash sa school, lahat ay nakatingin saamin. Lagi namang ganyan e, kaya sanay na kami.

"Hatid na kita?". Tanong niya saakin pagkababa namin.

"Hindi muna siguro ako pupunta sa room. Ang aga pa e, oh!". Pinakita ko sakaniya yung oras para maniwala siya.

"Okay! Tara sa garden tayo.".

***

Naupo lang kami doon sa damuhan at nag kwentuhan. Habang nag uusap kami ay hindi ko mapigilang tumitig sakaniya. Ang gwapo nga kasi niya! Tapos akala mo ay babae sa sobrang arte! Ang arte kaya sa sarili niyan!

Si Joash Clemente ay ang aking Guy Bestfriend simula nung iniluwal ako -- HAHAHA.

"Sige lang Ritchzel, titig pa! Baka mamaya niyan eh, matunaw na ako.". Natatawang sabi ni Joash.

"Ay, sorry.". Mahina 'kong sabi sakaniya. Nangisi naman siya. Problema nito?

Nailing siya ng konti. "Crush mo na naman ako niyan eh!".

5 Seconds of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon