Three

63 5 5
                                    

(Ritchzel's POV)

"Ritch, tara na?". Tanong saakin ni Joash. Nasa garden kami ngayon at malapit ng mag 7:30.

"Okay.". Hinila niya yung kamay ko pagkatapos niyang tumayo.

Hinatid niya ako sa classroom at excited na excited na akong pumasok dahil hindi ko alam.

Baka naman dahil kay Stephen? Landi mo talaga, Ritchzel! --- KONSENSYA KO.

Aba, kapiling talaga netong konsensya ko. Makikihati pa sa role ko sa storyang to!

Pero bakit nga ba gusto ko na agad pumasok? Aba'y malay ko! Tanong mo sa angry birds.

"Goodmorning, Mayora!". Bungad saakin ni Arki, napa-smile tuloy ako ng wala sa oras.

"Goodmorning rin.". Sabay smile. Umupo na ako sa tabi niya at nag kwentuhan.

"Mayora, may I ask you something?". Out of the blue na tanong ni Arki.

"Sure, ano yun?".

Napakamot siya sa batok niya,"Why are they calling you 'Mayora'?".

Napatawa ako ng kaunti tapos sinagot ko siya,"Tagalog kasi 'yun ng Mayor na babae.". Sabay smile. Imported talaga itong lalaking ito.

Napa-nod nalang siya at natahimik kaming dalawa bigla. Tinitigan niya ako at tinitigan ko siya.

OH EM GANDOS! ANG GWAPO GWAPO NG SEATMATE KO!

Umiwas ako ng tingin para sana mabawasan ang awkwardness sa atmosphere. Pero akala ko lang pala 'yun. Mas naging awkward pa dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Uhh..", Sabay naming sabi tapos nag smile siya. Nag smile rin ako. Ewan ko bakit pero natawa nalang ako bigla.

Tumawa rin siya.

Nagtatawanan lang kami ng walang dahilan.

***

(His POV)

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil sa nakikita ko ngayon.

Bakit ang bilis maging komportable ni Ritch dun sa seatmate niya?

Oo, nakikita ko lahat ngayon. Mula sa kwentuhan, tanungan, TITIGAN at tawanan nila.

Nakasilip kasi ako sa bintana nila - Na katabi lamang ng mga upuan nila.

Aba, hindi pwede 'yan.

Akin lang si Ritch. A-K-I-N.

---

(Ritch's POV)

Recess na at inaantay ko nalang na lumabas si Alexis ng room. Ang tagal naman niyang hanapin 'yung wallet niya!

2 minutes later, finally! Lumabas rin ang bruha! Yayayain ko na sana siya kaso napansin kong nakasunod sila Reen sa likod niya. Akala ko bang ako kasabay niya?

Lumabas sila ng tumatawa, at para akong tanga do'n na nakatayo habang pinapanuod sila.

"Alex!", sigaw ko at naligon naman siya.

Lumapit siya saakin tapos binulungan ako, "Hindi muna ako sasabay ngayon, Ritch, hanap ka na muna ng iba. Mang lilibre daw si Reen eh!", Bulong niya at parang kiti-kiti sa likot at tuwa.

Inirapan ko siya at pumasok sa classroom ng di man lang siya niligon. Kainis kaya.

Pagkapasok ko, nadatnan ko si Arki na nakaduko sa desk niya. Hindi siya bababa para mag recess?

Lumapit ako sakaniya at kinalbit-kalbit siya. Pagkataas na pagkataas niya ng ulo niya, nakasmile siya agad. Problema neto?

"Why are you smiling?", Tanong ko sakaniya habang naka crossed arms with matching taas ng kaliwang kilay. Arte na ba? HAHAHA.

Napatingin siya saakin at nag smile ulit. Gosh, why is he so GWAPOWZZZ?!

"It's because of my dream.", Sabi niya at tumayo, "I heard your talk with Alex awhile ago. Kain tayo?", He said smiling again.

BAKIT BA SIYA LAGING NAKA SMILE?!

Binaba ko lahat ng nakataas saakin kanina at nagsmile pabalik, "Sure."

Dumaan kami sa canteen at kitang-kita ko 'yung mga taong nakatingin saamin ni Arki. At feeling ko, patay na ako sa sobrang dami ng nag d-death stare saakin.

"Don't mind them.", Bulong ni Arki. Napansin rin niya?

Nag-nod ako for response. Bumili kami ng sari-sariling food then hinila niya ako. Tapos bigla kaming tumakbo.

Sinundan ko lang siya kung saan niya ako dinala pero papunta kami sa. . .

Stairs?

Bakit naman ako dadalhin ni Arki dito? Eh papanik lang naman ito ng third floor at fourth. Katuloy? Wala.

Pagdating namin ng 4th floor, may in-open siyang maliit na pinto. Pumasok kami doon at nagulat ako dahil sa isa pang stairs papanik.

"What is. . . this?", Sabi ko sakaniya ng nagtataka.

He glanced at me and smiled, "Our secret rooftop.", he then winked at me.

Feeling ko mahihimatay ako sa sobrang kilig! Shems, ang gwapo niya talaga!

Pagpasok pa namin sa isang pinto, ayun na nga. Ang rooftop na ngayon ko lang na-discover. Jusme, simula Elementary dito na ako nag-aaral hanggang ngayong mag g-graduate ako ng High school, ngayon ko lang nalaman ito.

Sa likod ng pinasukan namin ay may mga telang mukhang pinang-sapin sa lapag at silong din siya na gawa sa tela.

Umupo kami do'n at naglabas siya ng dalawang lunchbox na hindi ko alam kung saan galing.

"Para saan 'yan?", tanong ko sakaniya habang nilalahad niya yung isang lunchbox.

"Uh, a lunchbox?", tanong niya na parang namimilosopo. Nagdikit ng wala sa oras 'yung kilay ko at binawi naman agad niya. "Just kidding, yeah, it's a lunchbox... Aaaaand, it's for you.", bawi niya ng nakangiti. Bakit ang gwapo gwapo gwapo gwapo gwapo niya?!

Napangiti nalang ako at kinuha 'yung lunchbox. Sabay kaming kumain at hanggang matapos eh, walang imikan.

Umupo lang kami doon at napansin kong parang ang bagal ng oras. What's happening?

Tinignan ko siya at tinignan niya ako pabalik.

Nabasag yung katahimikan dahil nagsalita siya.

"Pwede ko bang kunin number mo?"

5 Seconds of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon