One

124 3 0
                                    

(Ritchzel Jade's POV)

"Uy, Ritch, Fourth year na tayo. Two months nalang summer na then, college na. Anong balak mo?". Biglang tanong sakin ni Alexis habang busy'ng busy ako sa pakikinig sa Math prof namin which is also our class adviser habang nag d'discuss sya.

"Shhhh! Alex naman eh, kita mong nag d'discuss si Sir ta's dadaldalan mo ako.". Sabi ko ng hindi nakatingin sakanya. Aba, mahirap na at baka makita ako ni Sir. Ma special mention pa ako ng wala sa oras.

"Ihhh, ano ka ba! Puro ka aral! Mamaya na 'yan.". 'Di parin sya tumigil sa pangungulit sakin. Yinuyugyog parin nya yung kaliwang braso ko.

"Alexis Felise Roldan naman eh! Wag kang maingay at baka---",

"Is there a problem over there Ms. Ritchzel Jade Espinosa?", Biglang sabi ni sir. Hala, paktay na ako ne'to.

"H-huh? Eh sir, eh.. I can explain , um uhh", Utal utal kong sabi. Hindi ka ba naman mauutal jan samantalang napaka sungit niyang Sir na 'yan?

" Sir!" Bigla tayo ni Alex. What does she think she's doing?! "Ano kasi. Ano ano ano ano!!!!! Sir may pinag uusapan lang po kamiiiii ~". Alam kong kinakabahan si Alex ngayon. Randam ko. Ganiyan siya pag hindi alam ang sasabihin at pag kinakabahan e.

"Get out, both of you Ms. Espinosa and Ms. Roldan. Wait for me outside.". Eto na nga ba sinasabi ko e.

Nakatayo na ako sa kinauupan ko eh biglang nagsalita si Alexis, "Sir, please no don't huhuhu *kunwaring iyak*. Sir kasi naman eh ano eh--",

"I said get out. Wait for me outside.", Mahinahon pero nakapikit na sabi ni Sir at mukhang bagpipigil ng pasensya. Wala nang nagawa si Alexis at nauna pang lumabas ng classroom saakin.

Kahit kaylan talaga itong babaeng 'to? PAHAMAK! Hmp. Pero mahal na mahal ko 'yan kahit na ganyan sya.

Umupo sa lapag ng corridor at ako'y dumuko nalang. Awkward kasi kung mag o'open ako ng topic tapos agad rin namang natatapos diba?

After maybe, 10 minutes of silence, nagsalita si Alexis habang ako nakaduko lang.

"Umm, Ritch, uhh...", Hinayaan ko lang na magsalita sya.

"Ritch, tulog ka ba?", Yinugyog nya ako sa pagkakaduko. Pero hindi ko pa rin inaangat 'yung ulo ko.

"Hay, basta Ritch, sorry talaga ah. Hindi ko naman kasi alam na aabot palasa ganun. I mean, dinaldalan lang kita ng saglit tapos mapapalabas tayo agad? Asaan ang hustisya?!", Napatawa ako sa isip ko pero 'di ako nagpapahalatang gising. Ano ba 'tong si Alexis, hugotlord!

Inangat ko 'yung ulo ko tapos nag strech strech kunwari para hindi halatang gising ako. Alam nyo na. Hehe.

"Ano uli 'yun? May mga sinasabi ka ba, Alex?", Tanong ko KUNO sakanya.

"Ah, wala naman masyado. Nagpapasorry lang ako about dun sa kanina. He he he.", Umamin si Alex? Weh? Hahaha!

"Ahh, okay lang yun. Pasalamat ka besprends tayo.", Nagtinginan kami at tumawa. Nagyakapan pa kami doon na parang mga ewan. Haynako.

"Okay, girls, tama na 'yan.", Biglang sabi ng who-knows-who sa bandang upper left ko. Pagkatingala ko, si Sir pala. Tumayo kami agad ni Alexis dahil mas lalo lang kaming pagalitan.

5 Seconds of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon