[6]

882 37 0
                                    


"Bakit hindi mo naikwento sa'kin na may kaibigan ka pala sa EHU?" tanong ko habang sinasabayan ang paglalakad niya pauwi ng bahay.

Kahit na hindi ko siya pinayagan kanina na umalis, he still choose what he wants to do. 'Yon ay ang umalis at puntahan etong tinutukoy niyang kaibigan.

Kaya mali ang inaakala nilang kinocontrol ko si Enzo sa lahat ng bagay, because he have his way to live his life. He follow his own rules.

Tumindig ang balahibo ko dahil sa hampas ng simoy ng hangin. Malapit na pala ang pasko kaya siguro iba na ang ginaw na mararamdaman tuwing gabi at madaling araw.

Yinakap ko ang aking sarili para maibsan ang ginaw na nararamdaman.

Lumingon si Enzo sa'kin. Pansin niya siguro na hindi na ako nakakasabay sa paglalakad niya.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. I felt my toe curled beneath, sa sobrang ginaw na nararamdaman.

Hinubad niya ang suot niyang jacket at walang pasabing ipinatong 'yon sa aking balikat.
"Bakit kasi hindi ka nag dala ng jacket." sabi niya sabay ayos nung jacket.

"Sino ba kasi ang nag pupumulit na umalis kanina?"

"Hindi naman kita sinabihan na sumama." suplado niyang sagot.

"Aba syempre bestfriend kita! Kung may mangyari sa'yong masama edi ako ang unang unang tatanongin nina tito Dave kung anong nangyari sa'yo. Ano ang maisasagot ko 'don eh hindi ko nga alam kung sino ang kikitain mo kanina eh."

"Tsk!"

Ewan ko ba kung bakit ko naging kaibigan 'tong si Enzo, eh ang suplado naman pag dating sa'kin. Tsaka idagdag mo pa na parati siyang nakabantay sa lahat ng galaw ko. Mas nag mumukha siyang tatay ko kesa kay daddy sa sobrang strikto niya.

Pero sa tuwing nakikita ko siya kasama ng iba pa niyang kaklase, nakangiti naman siya.

Sa akin lang talaga siya suplado at parating nakasimangot.

"Enzo sagutin mo nga ako. Bakit mo hindi naikwento sa'kin na may kaibigan ka pala sa EHU" ulit ko, mas lalo kong binilisan ang pag lalakad ko. Yakap yakap ang sarili habang nakatingin sa'kanya.

"Hindi ako katulad mo Krystal. I have my friends around, atsaka hindi ko nasabi kasi hindi ka naman nag tatanong."

Bigla niya akong hinawakan at hinila ang braso ko nung kamuntikan na akong mabangga sa poste. Sa kakatitig sa kanya hindi ko na napansin ang dinadaanan ko.

Matalim niya akong tiningnan, at akmang sesermonan niya na naman ako nang bigla akong ngumiti ng kay lapad at nag peace sign sa kanya.

Ilang saglit pa niya akong tinitigan, naninimbang kung itutuloy pa ba niya ang pag sesermon o wag nalang.

"Tsssk" supladong sagot niya sabay iling.

"Matagal na kayong mag kakilala ni kuya Alex?" you can hear excitement in my voice.

Bigla siyang huminto kaya napahinto na'rin ako sa pag lalakad.
"Ba't mo natanong? Don't tell me may gusto ka sa kanya?" He seriously asked and shoot his one brow up.

"Aha! Ako may gusto sa kanya?" sabay turo pa sa sarili "oh please stop making me laugh Enzo."

"I'm not joking Krystal." with his monotone "i'm just asking you. Ba't ganyan ka makareact? Defensive?"

Bahagyang namilog ang mata ko. Ako may gusto kay Alex? Eh nag tatanong lang 'rin naman ako kung matagal na sila magkakailala ah? Masama na ba mag tanong?

Atsaka base sa narinig ko kanina, senior siya ni Enzo. Malapit na siyang grumaduate sa pagiging doctor. Matalino, kaya siya parati ang hinihingan ng tulong ni Enzo tungkol sa paper works niya. Kaya 'yon din siguro ang rason kung bakit nag kalapit sila sa isa't isa.

Can This Be Love (Under Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon