[8]

810 36 3
                                    

"Attention! I know that our exam week just ended last week" umpisa ng professor namin "But we can't just stop and have a rest. We must move on and proceed to our next lesson.. For today, I need all of you to find a partner. We will be having a presentation. I'll give you the opportunity to choose your partner."

Project na naman!! Hindi ba napapagod ang mga professors na ito mag bigay ng activities? Maliban sa mga estudyante, siguradong doble doble ang tatrabauhin nila dito.

Dagdag pagod pa! Tsk!

Humikab ako at sinandal ang ulo sa desk. Late na kasi ako nakatulog kagabi kakatext kay kuya Alex.

"I'll give you five minutes. After five minutes, kukunin ko na ang mga papel na may sulat ng mga pangalan niyo." Habol pa ng aming guro.

Maliban sa wala akong gana sa presentation na ito, sigurado ako na walang may gustong makapartner ako.

Kaya maaga pa lang, itatanong ko na sa professor namin kung ano ang ibang ipapagawa niya sa'kin kapalit ng activity na 'to.

Iidlip muna ako ngayon.

But before I arrived at my dreamland, I felt someone is poking my shoulder.

Akala ko guniguni ko lang 'yon kaya hindi ko pinansin. Ngunit patagal ng patagal, palakas ng palakas naman pagtapik niya sa balikat ko.

Inis akong bumangon at tiningnan kung sino man ang tumapik sa'kin.

"May partner ka na ba?" she shyly said.

My face became blank as I looked at my nerd classmate. Holding a flamingo pink pen on her hand.

"Wala."

"Gusto mo bang partner tayo?" I saw her eyes flickered behind her thick glasses.

Natagalan pa bago ko siya sinagot. Tinitimbang kung nasa tama ba siyang katinuan para tanongin niya ako tungkol dito.

Siya ang nag iisang tanging kaklase ko ang may lakas loob na tanongin ako tungkol dito.

Kadalasan kapag by pair or group works, mag isa kong ginagawa ang projects. Walang may gustong isama ako dahil takot sila sa'kin.

Takot na baka kung ano ang gawin ko sa kanila.

"K" maikling tugon ko sa nerd.

Katulad ko, wala 'rin atang may gustong makipag pair sa kanya na kaklase namin.

Maliban sa nerd siya, new student pa siya at kung minsan naririnig daw siya ng ibang estudyante na nag sasalita na mag isa, na para bang may kinakausap.

May nakikita ata 'tong hindi nakikita ng mga normal na tao.

Siya ang nag aya sa'kin kaya siya na mismo ang kusang nag sulat ng mga pangalan namin sa isang 1/4 na papel bago ipinasa sa harapan.

I rolled my eyes when I caught some of my classmates murmuring. I'm sure na si nerd ang pinag uusapan at pinag tatawanan nila.

Some boys even throw a small piece of paper at her as she walks.

I clenched my fist and look at the boy who did it.

Can This Be Love (Under Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon