Rocco's POV
I'm having a late dinner with my Mama, Elise and four of my female cousins including Kate. I asked Kate why didn't she brought Mike, her husband so I can also have my company. Anim silang babae dito at mag-isa lang akong lalaki! This isn't right. Sinabi lang sakin ni Kate na gusto nila akong masolong magpipinsan. Their 'only guy'.
"How's your day at Betelgeuse? I hope hindi masyadong mabibigat ang trabahong iniwan sayo ni Anton. Yang Papa mo talaga," tanong ni Mama.
"Well, I'm all good. I can handle the hotel properly Mama."
Nginuya ko ng maayos ang pagkain na luto ni Mama. Her foods always tastes delicious. My Mama is a good cook.
"Behave ka naman ba kuya sa mga empleyado dun? Balita ko may sinesante ka na kaagad."
Napatigil sina Mama maging ang mga pinsan ko sa sinabi ng kapatid ko. Elise, at her young age, 14 got a lot of information inside the hotel. Sobrang close sila ni Papa at malamang ay nakaabot kay Papa ang pagsesante ko sa front desk receptionist at siya ang nagsabi kay Elise. Elise might be a great handler of a company in the future.
"Sigurado akong babae ang sinesante ni Rocco. He's sick with girls."
Panimula ni Ate Jade. Ang pinakamatanda sa mga pinsan ko. Nagsimula ang tawanan sa sinabi niya.
"But our baby Rocco surely had a lot of foreign girlfriends while in New York," sabi naman ni Ate Ellen.I smirk, feeling proud of myself. Having this gorgeous face and well shaped body, girls are drooling for me.
"And obviously, wala paring madala dalang babae dito sa mansion. I told you. He's sick with girls."
Ibinalik ni Ate Jade ang sinabi niya kanina at tumawa na naman sila. Yeah. I'm becoming sick with girls because of them. Nakakasawa.
Nabubuhay ang tawanan sa isang lugar tuwing mag kakasama kami.
Ito! Ito ang ayaw ko sa mga pinsan ko. They are making fun of me ever since! Sari saring kwento na kaagad ang nahalwat nila mula sa aming pagkabata at halos lahat doon ay tungkol sa akin na siyang pinagtatawanan nila.Natigil lamang ang tawanan nila nang awatin na sila ni Mama. Nang natapos ang hapunan ay dumiretso na kami sa sala at doon naman nagtipon tipon. Nasa baby troller ang anak ni Kate at tuwang tuwa sina Mama at ang mga pinsan ko dito.
"She's adorable. Mana sayo."
Mahinang sabi ko kay Kate. Hindi ako mahilig sa mga bata kahit pa anak ni Kate ang pag uusapan natin. But I'm saying the truth. The child is adorable. Napakaganda talaga ng lahi namin. Ang swerte ni Mike dahil napikot niya ang pinsan ko at nagkaroon siya ng anak na ganito.
"Thanks Kuya Rocco. Ay wait!"
Kaagad na tumungo si Kate sa anak niya at binuhat iyon. Pinanood siya ng mga pinsan namin kung anong gagawin niya.
"Carry Baby Cassie for a while, Kuya Rocco."
"Carry what?!"
Hindi pa ito sumasagot ay ibinigay na sa akin ni Kate ang anak niya. Everyone beams and clap saying that it's a miracle for me to hold a baby.
Kaagad na kumuha si Mama ng cellphone at panay na ang pagkuha nito ng litrato saamin. Pinilit kong ngumiti kahit parang hirap na ang bata sa pag pasan ko sa kanya.
"Bagay sayo Rocco. Hahaha. Bati kayo ni Baby Cassie."
"You two are adorable."
Tuwang tuwa silang lahat sa natutuklasan nila. I managed to smile at the camera dahil masaya ang mga halakhakan nila. Kahit pa nakakasawa ang makasama ang mga babae kong pinsan at kapatid, masaya na ako sa ideya na sa pagiging normal na lalaki ko ay napapasaya ko na sila.
"Burp"
Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang hawak si Baby Cassie. Maging sila ay ganun din pero kaagad itong napalitan ng tawanan. Panay parin ang pagkuha ni Mama ng litrato samin.
"Kate! Yung anak mo sumuka sa damit ko!" Malakas na sigaw ko kay Kate pero tinawanan lang ako nito.
"Yuck Cassie! Ang baho," pagrereklamo ko.
"Hindi yan suka, Kuya Rocco. Lumungad si baby kasi naipit masyado ang tiyan niya sa pagbuhat mo. Hahaha."
"So kasalanan ko pa?"
Walang tigil sa pagtawa ang mga kasama ko. Fuck! I hate babies!
Kinuha ni Kate ang anak niya sa akin at pinunasan ito pero hindi man lang ako inintindi. Hello? Sinukahan ako ng anak mo Kate. Gusto kong sabihin to sa kanya pero busy na ito sa paglilinis sa anak niya.
"Fuck that smell." kumuha ako ng wet wipes sa gamit ng bata at pinunasan ang damit ko. Hindi matanggal ang amoy sa damit ko at kahit sa kamay ko ay humawa na din ito.
"I hate babies!"
Hindi ko kaagad napansin na nakalapit na pala saakin si Mama at hindi na ito kumukuha ng litrato.
"You'll hate it for now son. But soon, when you have your own baka hindi mo na ito ipahiram samin."
Leilah's POV
I'm late for almost an hour. Sana naman ay hindi maaga si Sir Rocco na pumasok ngayon. Tinext ko si Mam Riza na late ako ng gising pero hindi ito nagreply. Kung magalit man si Sir Rocco dahil late ako ay dahil din iyon sa kanya! Dahil sa kanya ay hindi agad ako nakauwi kagabi at kinailangan ko pang magpuyat para matapos ang journal ko at iba pang school requirements na kailangang ihabol sa deadline. Nagmadali na ako sa pagpunta sa opisina at nakasalubong ko si Mam Riza.
"Good morning, Ma'am Riza. Sorry I'm late."
"Good morning din, Leilah."
"Nandyan na po ba si Sir Rocco?" nag a-alalang tanong ko.
"Oo. Ang aga nga niya eh."
Kinabahan ako sa sinabi ni Ma'am Riza.
"Ito nga pala ang schedule ni Sir Rocco for the whole week. Paki remind nalang sa kanya. Maaari pa yang madagdagan kung may humingi man ng appointments."Inilahad niya sa akin ang planner at nakita na mukhang busy nga si Sir Rocco ngayong week. It's Tuesday so may meeting siya with Mr. Vargaz for the signing of the contract.
"And oh by the way Leilah, Sir Rocco is waiting for his coffee."
Oo nga pala. Kailangan ko nang pumasok sa opisina. Pero bago yun ay pinagtimpla ko muna si Sir Rocco ng kape. Nag part time job ako minsan sa isang coffee shop na di kalayuan sa school namin at dun ako natutong magtimpla ng kape. Sa bahay kasi ay puro 3 in 1 ang kape na nandun.
I knock the door three times bago pumasok. Naabutan ko siyang nagbabasa ng magazine.
"Good morning, Sir Rocco. Here's your coffee."
Inilapag ko iyon sa lamesa niya at hindi niya ako inaangatan ng paningin. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa kanya. Wala syang konsiderasyon knowing na mga interns pa lang kami dito at hindi empleyado na pwede niyang ipitin sa sitwasyon.
Maswerte siya dahil hindi ko nilagyan ng maraming kape ang iniinom niya.
"You have a lunch meeting with Mr. Vargaz for the signing of the contract," deretsong sabi ko.
"What time?" tanong nya.
Napairap ako sa hangin. Immature na nga wala pang common sense?
"Lunch nga diba? Hindi naman pwedeng ngayon o mamayang hapon. So malamang 12 o'clock."
Nag angat na siya ng tingin sa akin at nakaawang ang bibig nito. Saka ko lamang naisip ang nasabi ko. Shit!
"Too early for sarcasms, Ms. Romero."
BINABASA MO ANG
So Close Yet So Far (Republish)
General FictionWill you still love someone after finding out the truth about them? Si Leilah Romero ay isang intern sa sikat na hotel at dito magsisimulang magbago ang mundo na binuo niya para sa sarili niya. Makakayanan kaya niyang lagpasan ang mga pagsubok na d...