AKALA ko nanaginip lang ako sa mga kaganapan. Isang linggo na ang nakalipas mula ng maglaban laban kami hindi ko pa na-absorb sa utak ko na ako ang kauna unahang Ms. Campus ng School na 'to.
"Haist, inaantok pa rin ako." Sabi ko habang nilalabanan ang antok ko. Nagre-review ako ngayon para sa exam namin bukas. Alas onse na ng gabi pero heto ako nakadapa sa mga libro at notes ko habang nagre-review na may kasama pa na kape.
"Consistent talaga. Baka ikaw na perfect ganda. Ginalingan masyado." Sabi nito sa akin kaya naman binato ko siya ng papel na nilukot ko. Sumaktong tumama sa mukha niya 'to.
"I'm stating the real," sabi niya pa kaya naman tinarayan ko siya.
"Jusme, matulog ka na nga. Nadi-distract ako sa'yo." Sabi ko pa rito habang inuunat ang katawan ko.
Naloloka na ako dahil nanakit na yung likod ko sa pag upo ko rito.
"May sagot na ba sa tanong ko?" Sabi nito habang nakaupo sa may sofa.
Paulit ulit niya ako tinatanong about sa sagot ko sa tanong, it just gano'n ang pumasok sa isip ko. Tbh, wala naman sense yung sagot ko. Pero nung marinig ko yung sagot ng ilan lamang naman yung sagot ko sa sagot nila hindi sa pagmamayabang. Nangungulit siya kasi wala pa akong tamang sinasagot sa tanong niya.
"Kapag ready na ako sagutin yan, sasabihin ko kung bakit. Matulog ka na at maaga pa tayo bukas papasok. Goodnight, sana magkaroon ka ng bagong crush." Sabi ko rito kaya naman tinarayan niya ako.
Humiga na 'to sa higaan niya saka pumikit kaya naman nagpatuloy ako sa ginawa ko.
Nagligpit na ako dahil nararamdaman ko na inaatok na ako dinalaw na ako nito kaya naman inayos ko ang higain ka. Narinig ko ang pag-ring ng cellphone ko kaya naman kinuha ko 'to at tiningnan ang caller.
Si Kyle.
"Hello luv,"
12:30 na ng gabi. Hindi pa rin tulog ang isang 'to.
Baka katulad ko nagre-review rin siya.
"Buti gising ka pa. May naghahanap kasi sa'yo e. Yung mama ni Anjanette. Nandito na siya sa Pinas luv. Hindi ko alam anong mayroon sa inyo pero bukas pupuntahan ka niya sa school ayos lang daw ba?"
Sandali akong natahimik.
"Uy luv," sabi nito kaya naman nabalik ako sa realidad.
"Sige lang luv, walang problema. Sa susunod na araw na makasama kita sasabihin ko sa'yo yung connection namin. Sa ngayon, matulog na tayo kasi masyado ng late."
Sabi ko para iwasan na niya ang pagtatanong.
"Sige, bakit gising ka pa pala?"
"Nag-review ako. Puro kasi Major yung mga nauna eh. Ikaw ba?"
"Nag-review na ako e. Naalimpungatan ako kasi nga tumawag si Tita Anjelie, mama ni Anjanette kasi yun nga. Hindi ko alam paano niya nalaman na close tayo."
"Ahh okay, sige na luv. Inaantok na talaga ko."
"I'll send you a flying kiss mwaps. Labyuuu more. Ingat sa pagpasok, wag muna rin ako sunduin. Dumeretsyo ka na sa School."
BINABASA MO ANG
𝗙𝗜𝗥𝗦𝗧 𝗧𝗜𝗠𝗘 ✔️
Teen FictionNote: This is already the edited version. Arizona Bartolome isang probinsyana girl na napadpad sa lungsod ng Maynila at pinalad makapasok sa isang sikat at kilalang paaralan na Milled Stone Academy paano at bakit nangyari 'yon syempre isa siyang sc...