HINDI na ako natutuwa, tila gusto ko na lang mag back out at maging audience at suportahan na lang ang ibang candidates.
"Kumalma ka kaya ganda, halatang kinakabahan ka eh. Chill." Sabi sa akin ni Georgina habang nakahawak sa kamay ko.
"Nawawalan ako ng tiwala sa sarili ko, hindi pa lang ako nag uumpisa naba-badtrip na ako sa sarili ko. Back out na lang kaya ako ganda." Sabi ko rito kaya naman natawa siya.
"Inhale, exhale. Laban lang. Mag uumpisa na nasa may harapan lang ako wag ka kabahan ganda, laban lang." Sabi nito sabay kurot sa magkabilang kung pisnge.
Nakipagbeso ito at nagpaalam na aalis kaya naman pinapila na kami.
Due to some problem nung rehearsal at may parating nahuhuli ako kaya ako ang naging number one, nung una ayaw ko talaga eh. Pero wala e bawal ako magreklamo e.
"Ito na ang pinakahinihintay ng lahat. Ilang minuto na lang po ay masasaksihan niyo ang mga naggagandahan at nagguguwapuhan na candidates. Get ready, isigaw niyo na ang mga pambato niyo." Sabi ng host kaya naman huminga ako ng malalim.
Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko.
"Wag ka kabahan kasama mo ako sa laban mo," sabi ni Kyle, hindi ko alam paano na lang bigla siya sumulpot sa harapan ko.
"Thank you luv," sabi ko pa rito.
Kinurot niya ako sa ilong sabay lakad paalis. Bumuntong hininga ako bago ako tawagin ng host.
Nararamdaman ko yung kaba at panginginig ko habang naglalakad ako papunta sa stage, pagkarating ko sa mismong stage nakita ko kung gaano kadami ang mga tao na nandito nakita ko si Georgina katabi ang Family ni Kyle na sumisigaw.
"Goodmorning everyone, My name is Arizona Bartolome, 18 years old proudly representing College of Nursing." Sabi ko pa rito. Narinig ko ang sigawan ng crowd kaya nawala na ang kaba na nararamdaman ko. Nakita ko na kinawayan ako ni Georgina kaya naman kinawayan ko siya pabalik.
Nakatayo ako habang hinihintay ang pagtatapos ng introduction. 15 boys and 15 girls kami na candidate, nakasuot kami ng white t-shirt na plain habang naka-tuck in ang black pants namin ganoon din ang mga boys.
Nararamdaman ko ang pangangalay ko pero hindi ko na lang pinansin pa dahil alam ko na may intermission pa kami na gagawin.
Hindi ako nagpahalata na nanakit ang paa ko. Sa taas ba naman ng heels na 'to hindi ka kaya makaramdam ng ngalay after all ay hindi naman ako sanay sa paglalakad ng heels at the same time hindi ka naman nagsusuot ng ganito tapos ilalakad mo pa sa maraming tao.
Pahiya kapag natapilok ka sa harap nila, malaking kahihiyan.
"This is the 30 candidates, choose your Mr. And Ms. Campus 2020." Sabi ng host kaya naman umingay ang crowd.
Nag umpisa na ang beat para sa pag uumpisa ng formation, naglakad na kami para pumunta sa assign formation namin. Nakangiti ako para hindi nila maramdaman ang kabado na nararamdaman ko.
3 minutes of intermission ang nangyari wala rin ganoon karami na transition ang mahalaga lahat kami nakikita ng judge dahil malawak naman ang stage at the same time onti lang din kami na candidate.
"Magkakaroon na muna tayo ng mini question sa mga candidates ng sa ganoon mas malaman natin ang kanilang saloobin. Let's start on candidate number 1." Sabi nito sabay lakad palapit sa akin. Mag isa lang siyang host kaya ganoon na lang kahirap sa kaniya ang magpalipat lipat.
Iniabot niya sa akin ang extra microphone.
"How are you feel?" Tanong nito.
"Happy, yet nervous. But, I can handle this feeling of mine po." Sabi ko pa rito.
BINABASA MO ANG
𝗙𝗜𝗥𝗦𝗧 𝗧𝗜𝗠𝗘 ✔️
Ficção AdolescenteNote: This is already the edited version. Arizona Bartolome isang probinsyana girl na napadpad sa lungsod ng Maynila at pinalad makapasok sa isang sikat at kilalang paaralan na Milled Stone Academy paano at bakit nangyari 'yon syempre isa siyang sc...