CHAPTER XXIV

351 33 0
                                    

(Play Paalam by Moira Dela Torre x Ben and Ben while reading this part.)

Thank you for reading this story, konting kembot na lang matatapos mo na siya. Congrats!

MAY binigay na sign sa akin si Lord kaya naman tinext ko si Kyle na magkita kami sa may Parking Lot. Kakatapos lang ng second day ng exam namin ito na rin ang last day ng exam dahil 2 days lang ang exam.

"Haist, tagal naman ng lalaking 'to." Sabi ko sa sarili ko.

Naghintay lang ako ng ilang minuto at ilang sandali natatanaw ko na si Kyle kaya naman umayos na ako at huminga ng malalim.

"Sorry pinaghintay kita luv. Ayaw mo ba sa Coffe Shop o sa Restaurant tayo mag usap?" Sabi niya saka ako hinalikan sa noo.

"Hindi na luv, okay na ako rito sa wala masyadong tao." Sabi ko pa rito.

"Ayos ka lang ba? Namumutla ka." Sabi niya habang kinakapa ang noo ko.

"I'm fine, it just pagod lang talaga ako sa exam na drain lang 'tong utak ko. Pero I'm fine." Sabi ko pa rito kaya naman nakita ko na ngumiti siya at naging kalmado.

"Let's end this game. Ayoko na Kyle." Sabi ko kaya ganoon na lang ang pagkagulat niya.

"Why? Ayaw mo na ba? Sawa ka na ba? Just tell me why?" Malungkot na sabi niya.

"Babalik na si Anjanette any moment, kukunin niya na yung sa kaniya in the first place. Ayoko humantong sa point na imbes na magkasundo kami ay maging magkaaway kami. Ayoko Kyle! Kaya please... hangga't maaga pa itigil na natin 'to. May masasaktan na nga tayo, nasasaktan pa ako." Sabi ko pa rito.

Kahit anong pigil ko sa pag iyak ko hindi ko maiwasan dahil nasasaktan talaga ako.

"Kainis Kyle, nasasaktan na talaga 'ko. Akala ko okay lang kasi nung una naman ayos lang sumasabay ako sa agos ng relasyon natin kasi nung una wala talagang involve na feeling pero heto ako ngayon nasasaktan kasi gusto na kita kasi may involve na feelings. Kyle, hindi ko hinihingi na mahalin mo ako pabalik ang akin lang pumayag ka na tapusin na natin 'to para hangga't maaga maiwasan ko na yung feelings ko sa'yo na lumala." Sabi ko pa rito.

Hinawakan niya ang kamay ko kaya tiningnan ko siya sa mata niya.

"I'm sorry...." Sabi nito sa akin.

"Wag hindi mo kailan humingi ng sorry. Naiintindihan kita, nauunawaan kita. Alam ko kasi na in the first place may hinihintay ka na may babalik, naging extra lang talaga ako sa love story. Plese... pabayaan mo na ako isipin mo na lang na panaginip 'to kaya nagising tayo sa katotohanan isang panaginip lang lahat ng 'to. Please... mamuhay ka ng normal, yung mga natutunan mo sa 'kin wag mo kakalimutan kahit yun na lang luv. Salamat sa lahat, mahal kita pero hindi tayo puwede." Sabi ko pa sa kaniya.

Niyakap niya ako ng mahigpit habang nakapatong ang ulo niya sa ulo ko.

"Pasensiya ka na luv hindi ko masuklian yung pagmamahal mo, may pinanghawakan kasi ako na pangako eh. Tbh, madali ka mahalin, magaling ka makisama at marunong ka makisama. Siguro hindi lang talaga tayo ang tinadhana ng Panginoon, siguro pinagtagpo tayo para magbigay ng aral sa bawat isa. Ang dami ko aral na babaunin galing sa'yo. You are my lesson that I need to treasure. Thank you, goodbye." Sabi nito sa akin sabay halik sa noo ko.

"Mag iingat ka, wag mo papabayaan ang sarili mo. Mag aral ka ng mabuti." Sabi ko rito.

Nung oras na yun naglakad na ako palayo sa taong tinuruan ako magmahal, tinuruan ako masaktan at lalong tinuruan ako paano magparaya. We are destined to be the lesson of the fake love story. Hindi ko alam pero ganoon talaga ang love, mamimili ka between ikaw ang masaktan o makasakit.

𝗙𝗜𝗥𝗦𝗧 𝗧𝗜𝗠𝗘 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon