8

816 5 0
                                    

Ngiti

Ngiti sa labi na ginagawad sa marami, sa kaibigan, pamilya o kahit ninoman

Simbolo ng kasiyahan at pagpapasalamat,
kabutihan o kasamaan naman para sa lahat

Gilid ng labi ay aangat tuwing natutuwa, ngiting tagumpay para sa mga bisita

Ngiti sa salo-salong pampamilya,  minsan ngiti upang maitago ang sakit at lungkot na nadarama

Ngiti na para bang tunay ang pinapakita sa iba,
sa kaloob-looban ay nag uumapaw ang kalungkutan at nangingilid ang luha

Ngiting napakabilis ibahagi,
ating ngiti ay iisa sa natatangi

Ngiti na ginagawad sa isa't isa,
  ang nagiging sandalan ng iba

Ngiting nagpapahiwatig sa kaayusan ng bawat isa, ngiting malayang nagbibigay pag asa


|Language: Filipino|

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon