33. The Truth pt. 1

245 15 1
                                    


Ella

Kanina ko pa tinatawagan si Arthur pero hindi niya sinasagot. Nandito ako sa labas ng bahay ngayon at naghihintay sa kanya.Tumunog ang cellphone ko..Nagmadali akong pumunta sa kanya.

From: Jagiya<3

"here in the park"

Nadatnan ko siya sa slide na nakaupo. Lumapit ako sa kanya..

"Hmmm...ok ka lang?" tanong ko.

"Why did she do this?" sabi niya.

"Hindi mo lang maintindihan",

"Well, make me understand this. All this was a lie, even you, you lied to me",

"Hindi ako nagsinungaling sayo, hindi ako yung dapat magsabi sayo ng totoo, tanungin mo ang mama mo",

"Para ano, magsisinungaling na naman siya sa amin kay Dad",

"Yung mga sinabi ko noon sayo tungkol sa mama mo ay totoo, yung lalaking involved sa kanya iyun ay si Aron, yung bata kanina",

"So anak niya iyun sa lalaki niya",

Hindi ako makapagsalita sa kanya. Wala naman ako sa posisyon para sabihin sa kanya.

"It's true?' tumayo na ito sa kanyang kinauupuan.

"Makipag-usap ka muna sa kanila para malaman mo ang totoo",

"Bakit hindi mo sabihin ngayon sakin? You are here, Ano yung alam mo na hindi ko alam?" nakikita ko sa kanyang mga mata ang sakit na kanyang nararamdaman. Pero hindi ako dapat yung magsabi sa kanya ng totoo.

"WHAT?" sigaw niya sakin..

"I'm sorry, pero hindi ako part ng family mo, wala ako sa posisyon na makialam sa inyo",

"You're my girlfriend, hindi pa ba sapat iyun para masabi mo sakin ang totoo?"

"Pero..I'm sorry",gusto kong sabihin sa kanya, pero hindi dapat ako makialam sa problema ng pamilya nila. Nakita ko sa kanya ang disappointed face niya. "Pero ito lang ang sasabihin ko sayo Arthur, sana hindi mo hayaan ang puso mong magpatawad, bigyan mo sana ng chance na pakinggan ang sasabihin ng mama mo", sabi ko. Iniwan ko na siya para bigyan siya ng space para makapag-isip.






Umuwi na ako, nadatnan ko naman si Mam Ariane sa labas ng gate..

"Ella, nasaan siya?" salubong niyang tanong sakin.

"Nasa park po siya, ah, mam hayaan mo muna siyang mapag-isa",pigil ko ng makita kong pupuntahan niya ito. "Sa tingin ko po, panahon na po para malaman niya ang totoo",

"Natatakot ako na baka umalis siya ulit at gawin niya yung mga nagawa niya noon para makapaghihanti samin",sabi niya.

"Sa tingin ko, baka maiintindihan na niya po ngayon, malaki na siya",sabi ko.

"Salamat Ella, for being with him",

Niyakap niya ako....

Nagising ako na sobrang tahimik ang bahay. Sabi ng lola na walang pang bumaba sa kanila para kumain. Kahit si Arthur daw hindi pa bumaba. Wala rin akong text na natanggap sa kanya.

'Lola, didiretso po ako sa burgos mamaya pagkatapos ng klase namin, at saka hindi rin po ako makakauwi ngayon ng madalas kasi busy na kami', paalam ko sa Lola ko.

"Mag-iingat ka palagi doon at pagbutihan mo",sabi niya.

"opo, para naman sa inyo ang ginagawa ko",niyakap ko ang Lola ko.






Bago ako pumasok sa klase ko, dumaan muna ako sa gym baka sakaling nandoon si Arthur. Nadatnan kong nag-eensayo na sila pero hindi ko mahagilap si Arthur. Napansin ak ni Ace at linaptan ako,

"Ella, hinahanap mo si Arthur?" tanong niya.

"Nandito ba siya?"

"Wala eh, pero sabi naman niya na makakarating siya, mahuhuli lang siya",

"Ah, ganun ba?"

"Nag-away na naman ba kayo?"

"Ah, hindi, sige, pasok na ako", sabi ko...

Buong araw na wala akong natanggap na tawag o text mula sa kanya. Mukhang kailangan na niya ng space muna ngayon. Pero kailangan kong malaman kong ok lang ba siya?

To: Jagiya<3

Arthur, ok ka lang ba? Nasaan ka? Tawag ka kung kailangan mo ng kausap. Don't forget, nandito ako para sayo.

Pabalik na kami sa burgos kasama si Kate.

"Baka mahuli tayo sa last trip", sabi ko kay Kate.

"Ano ka ba? May susundo satin",

"Sino naman? Hoy, huwag mong sabihin na may jowa ka na",

"Hindi..oh ayan na pala..", nakita ko ang kotse na parating. "Wala akong jowa, pero ikaw meron", si Arthur pala yung sinasabi niya.

"Hi",bati niya sakin. Hindi ko alam kung ok na ba siya o hindi.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"You didn't tell me na babalik ka agad sa burgos",

"Akala ko kasi, gusto mong mapag-isa, ok ka na ba?",

Niyakap niya ako ng mahigpit. Sinasabing ok na nag lahat..

"Thank you so much",

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Sobra saya ng nararamdaman ko..

"Sana all, niyayakap", kung makabasag ng moment si Kate, eh wagas..

"Ihahatid namin kayo sa burgos",sabi ni Arthur.

"Namin? Sino ang kasama mo?"tanong ko.

"Hindi rin ang may lovelife ah, kasama rin si Oppa Ace and Oppa Erik",sabi ni Kate.

Napatawa ako...

"Doon na ako makikisakay sa kanila, baka kasi langgamin ako sa sobrang sweet niyong dalawa",dagdag pa niya.

Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa kanila pero hihintayin kung magkwento siya..

My Divine InterventionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon