14. Fling from Australia

288 23 18
                                    


Ella

Masaya ako kapag kasama ko si Arthur. And I think ganun din siya sakin. Sa tingin ko nga parang kami na. Iyun ang tingin ng ibang tao samin. Pero hindi ko pa siya sinasagot. Although napapansin ko sa kanya na parang balewala lang itong panliligaw niya sakin.

Nandito ako hinihintay siyang matapos ang practice nila. May mga ibang estudyante na nanonood din. Pero may nagsasalita sa likod na akala Hindi naririnig ang pinag-uusapan nila.

"Sila ba ni Arthur?",

"I heard nanliligaw pa lang si Arthur sa kanya",

"Halah, Hindi na nahiya, mas matanda siya",

"At pansin Kong parang si Ate Ella pa ang nanliligaw sa kanya, tignan mo nandito siya para sunduin siya",

"Diba, ganun din si Jaron noon sa kanya,, mahilig siya sa mga bata",

Tumayo ako at hinarap sila.
"Mga iha, kapag magchismis kayo, siguraduhin niyong hindi ko naririnig",

"Ate, sinadya talaga naming iparinig sayo ang mga iyun para magising ka sa katotohanan", sabi ng isa.

Hindi dapat ako pumatol sa mga immaturitu nila. Hindi ko sila pinansin at iniwan ko na lang sila. Honestly, nanliit ako sa sinabi nila sakin. Kung tutuusin ako ang pinakamatanda sa barkada ko ngayon.

Lumabas na ako ng gym at dumiretso sa parking lot. Alam kong hindi ko dapat pansinin ang mga sinabi nila pero hindi ko alam kung may assurance ba na liniligawan ba talaga ako ni Arthur. Nadatnan ko si Ahjussi dito.

"Iha, si Young master?",tanong niya.

"Nahuli po siya ahjussi, maghihintay na lang po ako sa loob", sabi ko at sumakay alo sa passenger seat. 15 minutes siguro ang lumipas bago dumating si Arthur. Pinagmamasdan ko lang ang mga kilos nila mula sa bintana. Nakita kong tinuro ni Ahjussi ang bintana ko kaya agad kong linagay yung earphone ko at kunwaring nakikinig ng music.

Sumakay na si Arthur at narinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Dedma lang ako kunwaring hindi ko narinig..nagulat ako ng tinanggal niya ang.earphone ko.

"Hey, Why did you left me?".,

"Hindi naman ah, nandito ako oh",

"I mean kanina, sa gym",

"Ah, nakakabagot kasi sa loob, at saka maraming chismax",

"What?',

"Nevermind",sabi ko at linagay ulit ang earphone.







Isang buwan na ang nakalipas mula ng sinabihan ako ni Arthur na liligawan ako. Pero parang nakalimutan na niya iyun. Ayaw ko naman ipaalala na liniligawan pa niya ako.

Inimbitahan kami ni Ace ngayon dito sa bahay nila. Dumating daw kasi yung mommy niya at kapatid.

"Galing Australia rin yung kapatid ko, medyo pariwara rin dito kaya doon siya inilagay....oh hayan na pala siya", tumingin ako sa tinuro niya. Sobrang ganda na babae at maputi.

"OMG", biglang sambit niya."Arty, what a great surprise?", at biglang niyakap si Arthur.

"Aira, what a coincidence", yumakap din pabalik si Arthur.

"More like destiny",kumalas na ito sa pagkakayakap.

"Magkakilala kayo?", takang tanong ni Ace.

"Yeah, we are classmates in Australia and you know we are more than friends there", sabi nito. So ibig sabihin, girlfriend siya ni Arthur sa Australia.

"This is Aira,my twin sister",,pakilala ni Ace.

"Hi, guys",

"This is Eric, Mike and Ella", pakilala niya sa amin. Isa-isa kaming kumaway sa kanya.

"So, how are you?", tanong nito kay Arthur.

Medyo lumayo na kami para magkausap sila. Pero kahit malayo sila nakatutok parin ang mga mata ko sa kanila. Nakikita kong nag-eenjoy si Arthur sa pakikipagkwentuhan kay Aira.

"Ok ka lang?", tanong ni Eric sakin.

"Ex ba niya si Aira?", tanong ko naman.

"Hmm..more like fling lang siya ni Arthur..",

"Sure ka?".

"Oo, ito naman..selos ka agad",

"Hindi ah",

"Hindi daw, eh kung makatitig ka parang pinapatay mo sila",

"Hindi", sabi ko at iniwan ko siya.

Mag-isa ako ngayon dito sa sala. Hindi ko alam kung tapos ng mag-usap sina Aira at Arthur.

"Hi", sabi ng boses. Si Aira na galing sa kusina.."Ate Ella", nagulat ako. Nakiki-ate ito hindi naman kami close. "Hinahanap ka ni Arty",

Pupunatahan ko na sana siya pero nagsalita siya ulit.
"Ate, sana kapag pumunta ako sa school niyo ikaw din ang maging kaibigan ko just like what you did to Arthur, sabi niya kanina, you are like his sister..diba magkababata naman kayo",,

"Oo",

"So pwede kitang maging unang girl friend sa school",

"Oo",

"Thank you",

Hindi ko man narinig mula Kay Arthur iyun pero more like totoo na sinabi niya lahat ng iyun sakin.



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ano pong say ninyo? 😊😊









My Divine InterventionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon