40: Graduation!

148 8 3
                                    






(After 2 years)

Ella

Graduation!!!

Gagraduate na ako kahit na nahuli na. 2 years ng nakapagtapos ang mga kaibigan ko. Nakabalik na rin ako dito sa pinas. Well, naiwan si Arthur sa Australia kasi nakapag-enroll na siya doon.

Sinabi niya sakin na uuwi siya sa graduation ko. Kaya super excited ako kasi isang taon narin nung huli kaming nagkita. Nakauwi siya noong birthday ko last year pero ngayon year ay hindi. Kaya nangako siya na uuwi siya sa graduation ko.

Malapit ng magsimula ang program, wala pa siya.

"Dadating yun, maghintay lang tayo",sabi ni Kate.

"Seah, congrats",sabi ng mommy ko.

"Finally", sabi naman ni kuya.

"Si Arthur, dumating na ba?"tanong ng Daddy ko.

"Wala pa po",sagot ko.

"Professors, Deans, Parents, Friends and Students. Please settle down, the graduation ceremony will start in 2 minutes", announce ng Emcee.

"I'm sure he'll make it", sabi ni daddy.

Nagstart na ang program, panay ang lingon ko sa likod at sa cellphone ko. Wala pa rin siyang text sakin.

Hanggang sa natapos na ang program. Picture taking na...

"Welcome to the real world, beshie", yakap ni Kate sakin.

"Congratz Ella",sabay na sabi nina Erik at Ace.

"Walang chat sa inyo ni Arthur",tanong ko.

"Wala",

"Baka nandyan lang. Mahilig mang-surprise yun diba",dagdag ni Kate.

"Tama! Baka nasa paligid lang yan",pang-cheer up ni Erik.

Pumunta kami sa reception ng graduation party ko. Hindi ko alam pero I have this feeling na parang kinakabahan.

"Bakit wala pa po sina Tita Ariane?"

"May nangyari daw na emergency kaya baka mahuli sila",sabi ni Daddy.

"Baka sinudo nila si Arthur",

"Baka, lets start the party. Its your graduation", sabi ni kuya.

Pinipilit kong magsaya pero hindi ko kaya. Parang nanginginig ako na hindi ko maintindihan.

"Seah, may pupuntahan tayo",sabi ni Kuya.

"Saan?"

"You will know",

Sumakay kaming lahat. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero bakit malungkot ang mga mukha nila. Umiiyak pa si Kate kanina.

"Bakit ganyan ang mg mukha niyo? Pakana na naman ni Arturo nito noh",sabi ko.

Hindi sila nagsasalita...

Bumungad sakin ang ang station ng NBI..Kinakabahan na ako...

"Bakit tayo nandito?"taka kong tanong. Maraming tao na nag-iiyakan at nagsisdatingan. Marami ring mga reporter.

"May nangyari kay Arthur",

"Anong nangyari?",bumaba na ako at dumiterso sa loob. Nadatnan kong umiiyak si Tita Ariane habang pinapaypayan ng isang babae. "tito, si Arthur po?"

My Divine InterventionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon