Chapter 5:

29 0 0
                                    

Rinig na rinig ko ang bawat tunog na nalilikha ng pulang heels na suot ko habang naglalakad ako sa mahabang corridor.

Sinigurado ko munang wala na ang mga tauhan ni Jam pong bago ako lumabas ng kwarto.

"Ugh... Fck... Faster uh uh..."

"Ahhh...."

"Dahan dahan..."

Seryoso? May nakatagong microphone ata sa kama nila kaya abot dito ang ingay. Rinig ko lahat ng ungol at ang mga pagkalabog ng kama sa dingding ng ilang kwartong nadadaanan ko.

Siguro dapat medyo kumembot ako habang naglalakad? Para seksi ako tingnan.

Inayos ko muna ang haba ng bestidang suot ko bago nilagay ang aking kaliwang kamay sa bewang. Sinubukan kong  maglakad na parang kandidato sa isang beauty Contest pero bakit parang ang tigas tigas ng katawan ko?

Nagzuzumba naman ako kasama si mama noon ah?

"Pfft..." napairap ako at tumingala sa kisame kung saan may butas ng ventilator. Madilim man ay kitang kita ko pa rin ang bata na nagpipigil ng tawa niya.

Eh ano naman kung kasya siya dun tapos ako hindi!?

"Tang ina mo Pakyu." sabi ko sa kanya. Hindi na siya umimik pero narinig ko pa din ang pinipigilan niyang tawa.

TANG ina.

"Bakante yung Room 107, Pre." sa hindi kalayuan, tatlong tao ang naglalakad sa unahan ko.

Takte! Sana hindi ako mamukhaan, sana hindi ako mamukhaan.

Umismid ako.

Acting lang.

Acting lang kelangan dito.

Nagpatuloy ako sa pag lakad, taas noo, butt out, chest in and pouting lips.

"Kyaaah!!" tili ng babae nilang kasama. Kalat na ang lipstick nito sa labi at bukas na din ang zipper ng short niya. Pinagmasdan niya ako na para akong bored na langaw na nakasuot ng pulang bestida.

"Excuse me?" mataray ko siyang tinaasan ng kilay.

"Dancer niyo ba siya? Tol, ang cheap niyo nang pumili ng mga babae dito ah. Kaya pala konti na lang customer niyo." sabi nung adik na kasama nila. Eyeballs na lang yata niya ang walang earrings.

"Yeah yeah right!" pagsang-ayon din ng babae. Gusto kong ipalunok sa kanya ang suot suot niyang bracelet tang ina.

Hindi ko alam kung ano ang mas malaki, ang nguso niya o ang dibdib niya.

"Ah...wag niyo na siyang alalahanin Pre, ako na bahala jan!" pinapasok niya ang mag jowa saka hinablot ako sa kamay. Ni hindi man lang ako nakatakbo.

"Ahhh ang sakit kuya..." malanding sabi ko. "Oww it really hurts huhu" taeng tae man akong magpakalandi, wala naman akong magagawa.

"Ipaayos muna natin ang make up mo para hindi malugi si Boss!" boss? Alam niya bang dedo na boss nila? Napansin ko nga simula kanina na parang tuloy pa din ang pag ikot ng mundo dito.

Parang walang nangyari.

"Again! DJ Protekkz in the houuuse!!!"

" Eyy Eyyy eyy!!"

"Wohooo!! Tiw tiw tiwww!"

"Ah... Kuya san po tayo pupunta?" tanong ko sa lalaking mahigpit ang hawak sa kamay ko.

<Insert Nik Makino- Neneng B playing here>

BOOM! parang Neneng B ang kanyang katawan (katawan~~)

Ang sarap mong titigan (titigan~~)

Rosas ka ba?

Kasi sa spaceship isasakay kita



Ito pala ang bar ni Jampong.

Napangisi ako.

Pamilyar kasi ang lugar. Nakapunta na ako dito noong niyaya akong makipag inuman ng isa sa mga bibili ng shabu na binebenta ko.

Mukhang alam ko na kung pano makalabas dito.

Eksaktong lumabas ang bata mula sa ventilator sa gilid. Hindi siya ganoon ka layo sakin kaya agad niya akong nahanap. Buti na lang at walang may nakapansin sa paglabas niya mula doon.

*Crassshh!!*

Sandali akong ngumisi nang makakita ng lalaking may dalang drinks.

"Ano ba! Bulag ka ba ha?!" sigaw ng lalaki sa akin. Sinadya ko kasi siyang sikuhin dahilan kung bakit nabasag niya ang mga inuming hawak.

"P-Pasensya ka na sorry talagaaaaa~~" napakagat ako ng labi. Naramdaman kong bahagyang kumawala sa paghawak ang lalaking nakabantay sakin.

Ginamit ko ang aking bestida para pampunas sa nabasa niyang damit.

"Pasensya ka na talagaaa huhuhu...!!" nagkunwari akong umiiyak.

"Tanga ka ba ha!? Hindi yan matutuyo!" bulyaw ng lalaki sakin. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sakin.

Tinaas niya ang kanyang kamay para sampalin ako ngunit dahil magaling ako umilag, umatras ako para maiwasan iyon. Sa halip ay nasagi nito ang ibang customer kaya nagsimulang magkagulo.

Hahaha! Napangisi ako ulit ako.

Naramdaman kong may kamay na humawak sa kamay ko. Bago pa man ako makaangal ay tuluyan na akong hinila ng bata paalis sa loob ng Bar.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I picked up a boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon