Paolinne Salvador on the multimedia.
-"Cherlyn! Halika na! Baka tayo nalang ang hinihintay dun." Sigaw ko. Mag a-outing kasi kami ngayon ng barkada. 8:00 ang usapan at 7:40 pa lang, mabuti na yung maaga.
"Opo ate. Bababa na!" Sigaw rin pabalik sa akin ni Cherlyn. Kakambal ko si Cherlyn. Mas matanda ako sa kanya ng 3 minutes. Magkasundong-magkasundo kami ng kapatid ko. Dadalawa lang kami eh.
Ako nga pala si Paolinne Salvador. Pareho kaming Volleyball player ng kakambal ko. Magaling akong kumanta at si Cherlyn naman ay pagsayaw.
May-ari ang mga magulang namin ng Malaki at tanyag na companya. Pati rin ang mga kabarkada namin.
"Nandito na tayo." sabi ni manong. Di ko namalayan na nandito na pala kami sa meeting place namin ng barkada.
"Salamat manong!" Sabi ni Cherlyn. "Tara ate! Excited na ako!" Hirit niya pa.
"Mabuti at nandito na kayo." Sabi ni Ryan. Si Ryan ang basagulero sa barkada at napaka-bully nito. Kaso kapag nakilala mo na, nako! Sobrang bait.
Sunod na dumating si Mark at Antonette. Si Mark De Guzman, stick-to-one yan at tkd player. Ganda ng katawan niyan, may abs.
"Hay nako paolinne ano bang iniisip mo may girlfriend na yan!" Sabi ko sa sarili ko. Nako nako nababaliw na ata ako. Pero joke lang
Si Antonette Marasigan ang girlfriend ni Mark, mahusay siyang gumawa ng istorya at ang mature mag-isip sa aming magba-barkada.
"Wala pa ba si Vincent?" Tanong ni marie. Kpop fan yan si Marie at magaling rin kumanta.
"Nandito na po. Eto naman si Marie, namiss ako agad" oh nandito na pala si Vincent eh, boyfriend yan ni Marie. Magaling yan mag drums at mag gitara.
"Uwi na nga ako. Nakakasuka eh!" Sabat naman ni Angela. Si Angela, ang boyish niyan. Matalino rin sa math.
"Ang bitter mo talaga." Tukso ni Dan kay Angela. Si Dan, mahilig yan mag painting. Tuwing birthday nga namin ni Cherlyn, binibigyan niya kami ng painting eh. Kaya ang raming painting sa kwarto namin ni cherlyn.
"Oy baka magkatuluyan kayo niyan Dan at Angela ah" panunukso ni Patrick. Si patrick naman, mahilig yan sa kotse kaya halos buwan-buwan, bumibili yan ng bagong kotse.
"Nandito na ang Villanueva Brothers." Sabi ni cherlyn. Si Romel at Nicolo ang tinutukoy nya. Crush na crush ko yan si Nicolo at crush na crush rin ni cherlyn si Romel at lihim lang namin iyon ni cherlyn. Si Romel, model yan ng mga magazine. Si nicolo naman, DJ yan. May collections nga siya ng mga headphones eh.
"Tara na sa paradise?" Sabi ko.
"Teka, wala pa si Jasper." Sabi ni Angela.
"Eh sino yan?" Tinuro ko yung nasa likuran niya.
"Ang tanga mo." Sabi ni Jasper. Nagtawanan kami. Si Jasper, isa rin to'ng bully eh. Mapanakot. Mahilig sa horror movies.
"Oh tara na." -Patrick
BINABASA MO ANG
Secret Intentions
Mystery / ThrillerPerpektong barkada. Yan ang tingin ng mga kaklase, kakilala, mga magulang at nakakasalamuha nila. Perpekto nga ba? Paano kung mabunyag ang lihim? Subaybayan natin ang storya ng magbabarkadang nililinlang.