Doubts

30 0 0
                                    

Third Person's POV

***

Dumaan ang maraming araw, hanggang dumating ang Valentines Day, lahat ay may naka-assign na pairs, ma lalake o babae man ay dapat may mga partner, sa Section-1A ay naka-assign si Ice at Cherlyn na magbantay sa photo booth ng buong umaga, maraming estudyante ang nagpa-picture kasama ang mga crushes at mga GF's at BF's nila, maraming estudyante ang nasiyahan sa araw na yun, at may mga iilan ding parang na disappoint kung bakit pa may Event sa school na ganoon.

***

Romel's POV

"Oh Bat, ganyan ang mukha mo? para ka yatang nagpapasan ng isang tambak na problema." Tanong ni nicolo sa akin.

"Di naman tambak, sadyang may nakakabagabag na nakita ako eh. Napansin mo ba yung booth ng section natin? Kasama ni Cherlyn yung new student, at sa pakiramdam ko ay may namamgitan yata kay Cherlyn at sa Newbie na yun, pero yung Newbie ay mukhang walang paki-alam sa buhay, at mukhang pinagmumukang loko-loko si Cherlyn, dahil kahit anoong gawin ni Cherlyn para magsalita si Ice, ay di tlga niya pinapansin si Cherlyn, NAKAKASELOS at NAKAKAINIS!" Inis na tugon ko.

"Alam mo tama ka, kung kailan patapos na ang school year dun pa lumipat dito ang Ice na yan. pero tol, di pa nga kayo ni Cherlyn eh nag seselos ka na, subukan mo kayang kausapin si Cherlyn tungkol sa New Student na yan, baka swertehin ka at baka sagutin ka na ni Cherlyn." Sabi ni nicolo na nang-aasar pa.

"Wag muna ngayon, inis na inis na ako sa baguhan na yun eh, baka sa ibang araw na lang, ayaw ko naman guluhin si Cherlyn."

"Kung yan ang desisyon mo, gusto mo pumunta sa cafeteria? Kumain na tayo para mapawi na yang galit mo,sagot ko na ang gasto." Wow first time atang malibre ng loko ah. Sige na nga.

At sumama na ako kay nicolo sa cafeteria, kahit gustong-gusto ko na kausapin si Cherlyn ay di ko magawa

may napapansin na akong kakaiba sa new student na yun, kung makatitig mukhang may nagawa akong ikinagalit niya, pero naiintindihan ko naman siya, nag-aadjust lang yun sa kanyang bagong kapaligiran dito.

***
Third person's POV

Habang naghihintay si Marie sa kanyang nobyo ay wala siya kaide-ideyang may nag mamasid na pala sa kaniya ng matyempuhan siya nito ay agad siyang tinakpan ng panyo sa kanyang bibig na may nakahalong pamapatulog na kemikal.

***
Marie's POV

salamat naman at tapos na rin ang practice. Nakakainis yung music teacher namin. Kung makaturo akala mo kung sinong magaling.

Nandito na ako sa gate ng school, wala rito ang guard, baka nag CR lang. Si Vincent rin wala pa. Hay nako. Pagod na ako gusto ko ng umuwi. Mahigit 10mins. narin akong naghihintay rito.

"Brzz. Brzz."
[A/N: Pagpasensyahan! Kapos sa sound effects! Hahaha!]

1 text message
From: Aa.Vincent<3
"Babe, pinauwi ako agad nila mommy. di muna kita mahahatid. May importante kaming lalakarin. Im sorry. Take care. I love you."

To: Aa. Vincent<3
"K" nakakainis na. Uuwi na sana ako ng may tumakip ng isang panyo sa aking bibig at biglang dumilim ang lahat.

***

END OF CHAPTER 9 ^_^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret IntentionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon