Second Encounter Part 1

22 3 0
                                    

Unedited

6 years ago

Di ko napansin na natulala ako sa harap ng computer screen ko nang biglang may nag lapag ng kape sa desk ko. Agad ako napa tingin sa nag patong at napangiti nang nakita ko siya. Naramdaman ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko at pag iinit ng mukha ko nang nakita ko ang boyfriend ko.

Yes, i have a boyfriend. Mag 2 years na kami next week and hanggang ngayon every time na mag kikita kami ay kinikilig parin ako. Parang teenagers lang pero i knew i was very inlove and happy with him.

"Hey babe, tulala ka nanaman dyan. Sabi ko naman sayo na wag mo ko isipin masyado. Imaginin mo nasa meeting ako kanina with the investors pero bigla ako nakaramdam ng kakaiba" he said while smirking at me.

I rolled my eyes at him at tumawa bago humigop sa dinala niyang kape.

"Ano nanaman naramdaman mo ha?"

He smiled at me syaka kinuha ang upuan sa gilid ko at umupp doon bago nag salita.

"Naramdaman ko na iniisip mo nanaman ako. At sobrang miss na miss ako. Kaya ayun tinapos ko agad ang meeting para di mo na ako mamiss masyado" sabay kindat sa akin at nag finger heart

Natawa ako sa ginawa niya at di ko napigilan na maluha sa kakatawa. Napaka loko talaga netong boyfriend ko. Nakisabay siya ng tawa bago ako hinalikan sa noo. Napa pikit ako ng mata at agad ako nakaramdam ng kilig sa ginawa niya.

Nag kwekwentuhan kami ng mga nangyari sa office ngayon at maya maya lang ay dumating na ang secretary niya dahil may meeting nanaman siya. Kahit sa labag sa kalooban niya ay umalis siya pero bago yun ay nag promise siya na ilalabas niya ako mamaya at mag didinner kami.

Pag ka alis niya ay inubos ko ang natitirang kape ko at syaka inaalala ang unang beses na nag ka kilala kami.

Bryan was very well respected sa company. Ang daddy kasi ni Bryan at ng daddy ko ay mag bestfriend. Pero dahil inatake ang kaniyang daddy 2 years ago ay pinayuhan sila ng doktor na hindi na pwede mag trabaho ang kanilang Daddy. Kaya nag pasya sila na si Bryan na ang papalit as Vice Chairman sa company.

Sobrang sungit niya sa simula at hindi pala ngiti. Naalala ko pa na nasigawan niya ang isa mga staffs nang mag kamali ng pasa ng report sakaniya. Pero lahat yun ay nag bago nang isang araw ay noong nag oovertime siya sa kumpanya at ako naman ay busy din sa pag aasikaso ng mga papeles sa lamesa ni Daddy. Nag bakasyon kasi si Daddy at Mommy sa ibang bansa kaya naki usap siya kung pwede ako muna ang mag asikaso ng mga kailangang ipasa na documents.

Di ko naman inaasahan na gagabihin ako sa pag aayos kaya laking gulat ko nang pag tingin ko sa orasan ko ay mag 10 na ng gabi. Dali dali kong inayos ang damit ko at ang mga papeles at syaka nag simula mag palakad papuntang elevator.

Habang nag aantay sa elevator nag cecellphone nalang muna ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Ms. Miracle?"

"Ay palakang bakla!"

sa sobrang gulat ko nalaglag ang cellphone ko. Kakabili ko palang naman nito!!! Juskoooo. Napa hawak nalang ako sa noo ko at dali daling kinuha ang cellphone ko. Nang masiguro ko na walang basag ay nilagay ko na sa bag ko at tumingin sa tumawag ng pangalan ko.

Napalunok ako nang makita ko ang lalaking nasa harap ko. Naka slacks na grey siya atputing polo shirt na naka bukas ang 3 buttones sa taas at naka tupi ang sleeves.

'C-christian grey ba to?' Bulong ko sa sarili ko. I would be lying pag sinabi kong di ako na apektuhan sa lalaking naka harap sa akin ngayon dahil napaka gwapong tao talaga ang nasa harap ko.

"Sir Bryan. Late na ah. Bakit nandito pa kayo?" Sabi ko nang maka siguro ako na kalmado na ang puso ko.

Tinaas niya ang kilay niya at napahawak sa chin niya. Oh no ang hot ng gesture na yun.

Mama help!!!

"Di ba dapat sayo ko sinasabi yun Miracle? Why are you still here? Di maganda sa babae na dis oras na nauwi" Sabi niya. Napatingin lang ako sakaniya na parang bata na nahuli ng magulang na kumakain ng candy ng gabi.

*ping* napatingin kaming dalawa sa tunog at nakitang naka bukas na ang elevator. Kaya dali dali akong pumasok at inaantay siyang pumasok. Buti nalang ay siya na pumindot at na awkwardan na talaga ako sa presensya niya. Sa totoo lang gwapo siya at yummy pero nakaka intimidate kasi talaga siya kaya di ko alam sasabihin ko.

Nag dasal nalang ako ng palihim na sana bumilis ang pag baba ng elevator para maka alis na ako sa awkwardness na to nang biglang huminto ito at nawalan ng kuryente.

"H-hala ano nangyari?! Bakit biglang nawalan ng kuryente!!! Di pwede! Sa palabas lang nangyayari to diba? Jusko naman!!" Pag papanic na sabi ko. Nag papatuloy lang ako sa pag sasalita nang bigla ako hawakan ni Bryan sa mag ka bilang balikat.

"Miracle. Kumalma ka. Ganitong oras lagi nawawalan ng kuryente ang elevator. Mga 15 to 30 mins lang yun pagkatapos ay babalik din agad ang kuryente."

Di ko makita kung ano ang itsura niya pero for some reason nakaka kalma ang pag sasalita niya.

Feeling abit shaken na napansin siguro niya ay niyaya niya ako mag laro ng 20 questions. Pang batang laro pero pinatos na din namin para pang pa lipas oras.

Di ko inakala na pag katapos nang mangyari sa elevator ay lagi na niya akong pinupuntahan sa office at niyaya kumain at mag hang out. Hanggang sa isang araw i found myself falling for him. And it scared me so much.

Kaya imagine my surprise nang pumunta siya sa bahay one night and asked my parents a permission to court me. Sinabi ko sakaniya yung tungkol kay David kaya nang sabihin niyang sisiguraduhin niyang di niya ako sasaktan tulad ng ginawa ni David sa akin it made me fall for him more.

Everything was finally getting better in my life. And i couldn't ask for more. I felt the happiest woman in the world when im with Bryan. And i thought nothing could make my day or world worse.

Di dapat ako nag salita ng tapos.

A few days after our 2nd anniversary nabili ako ng grocery para mag lagay ng stocks sa condo nang may kumalabit sa akin. Nag tataka akong tumingin sa nangalbit sa akin and that was the day i felt my world crumbling down.

"David?"

!!!!!!!!!!!!!

Hi! Omg i just want to say thank you for taking a chance on this not so short story of mine!!! I just want to say the next following chapters will be for sure long. So ayun. Hahaha thank you so much for reading this!!!

Encounter Where stories live. Discover now