KAEL
"WHERE ARE YOU? Kanina pa 'ko text nang text sa 'yo, hindi ka nagre-reply."
Napangisi na lang si Kael sa pagtatampo ni Anika sa kabilang linya ng telepono. "Nandito na 'ko sa labas ng building niyo," sagot niya. "Baba ka na."
"N-nandyan ka na? Ba't hindi ka nagsasabi?"
"Kararating ko lang. Ite-text na dapat kita, nauhanan mo lang ako."
"Tsk, excuses! Sige na, mag-aayos na ako. Wait for me there."
"Sige," tipid niyang sagot tapos binaba na ang tawag.
Sinuksok niya ang cellphone niya sa likod ng suot na pantalon sabay naglabas ng kaha ng sigarilyo at nagsindi ng isang stick.
Magyo-yosi muna siya sa gilid ng gusali habang wala pa si Anika.
Tumupad siya sa usapan nila kagabi. Sinundo niya ito sa trabaho ngayong hapon dahil may pupuntahan daw sila at may ipapakita ito sa kanya na isa pang secret.
Napapaisip nga siya kung ano 'yon. Baka wild na naman katulad no'ng toy collection na pinakita nito sa kanya kagabi.
Paubos na ang stick niya ng yosi nang makababa si Anika. Nagmamadali ito palabas ng gusali.
Hindi niya naman muna ito nagawang batiin kasi napatitig agad siya sa suot nitong pormal na button-down blouse, palda, at blazer.
"Ayan ka na naman sa titig mong ganyan," sita nito at inikutan pa siya ng mga mata.
He just smirked. "Kagalang-galang tayo ngayon ah."
"Hindi ka sanay?"
"Hindi. 'Pag nakikita kita, 'yong mga suot mo parang maghuhubad ka na e."
Natawa ito. "Gustong-gusto mo naman 'yon. Well, this is my other side." Tapos hinatak na siya nito sa manggas ng T-shirt niya. "Tara na, baka makita pa tayo rito nila daddy."
"Nandito rin sila? Akala ko ibang negosyo inasikaso nila ngayon."
"They're here. But they're still upstairs. May ka-meeting pa, kaya nga nakatakas ako." Naglabas na ito ng susi ng kotse at naglakad na papunta sa parking.
Inubos niya lang naman muna ang natitira niyang yosi, tapos sumunod na rin ng lakad.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong niya agad sa kapatid pagkasakay sa passenger's seat ng kotse nito.
"May pupuntahan tayong bahay," sagot naman nito sabay nagkabit ng seatbelt.
"Kaninong bahay?"
"Bahay ko."
Kumunot ang noo niya. "May bahay ka? Dito sa Pilipinas?"
Natawa ito. "Ang hirap i-explain. Basta mamaya makikita mo." Binuhay na nito ang makina at pinaandar ang kotse.
• • •
MAG-A-ALAS SYETE NA ng gabi nang makarating sila sa isang subdivision sa Cavite.
"Tangina, ang layo na nito ah," reaksyon na ni Kael habang palingon-lingon sa paligid. "Kinidnap mo na yata ako."
Natawa si Anika. "'Wag ka ngang feeling. Malapit na tayo. Sa pangatlong kanto na."
"Ano ba kasi talagang meron dito? Pwede naman tayong mag-sex sa bahay, dito mo pa 'ko dinala."
"Oh shut up."
At ilang saglit pa ay huminto na rin sila sa tapat ng isang bahay. It's a tiny bungalow that can only fit two people.
BINABASA MO ANG
The Savage Boys Series #1: Kael Romano
General FictionTattoo artist Kael Romano likes it rough, wild, and dirty-no strings attached, just pure pleasure of the flesh. But his life of degeneracy takes a sudden turn when he finds out the secrets hiding behind the pretty face of the goody two-shoes adopted...
Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte