Sa bawat araw maraming pagkakataon ang ating nasayang. Maraming biyaya ang nakakapanghinayang ngunit dumampi na ba sa ating mga isipan na ang bawat nangyayari sa atin ay may akmang dahilan. Oo, ako'y wala pa sa wastong gulang para sa iba upang magsulat. Ngunit aking laging pinagdidi-inan na wala sa edad nakabase ang kakayahan ng isang inbididwal upang makabuo ng isang pangungusap na makabuluhan at magbibigay inspirasyon sa iba... Naininiwala akong nasa sariling karanasan ang kakayahan mong malayang makapagpahayag ng emosyon sa pamamagitan pagsusulat.
Ako'y bata pa lamang sinanay na ako ng lola ko na humawak ng lapis at papel. Noong una ako'y pasaway at tila hindi makikitaan ng interes sa pagsusulat at laking gulat ko lamang na habang nadadagdagan ang aking edad ay nagkakaroon na rin ako ng interes sa pagsulat. Sinubukan kong gumawa ng isang tula na kong saan ang mga araw na iyon ako'y lugmok at nahihirapan at laking gulat ko na hindi ko napansin na ako'y nakabuo ng isang tula na sumisigaw ng aking tunay na nararamdaman. Simula noon natutunan ko na ang pagsusulat ay aking libangan. Sa katunanyan ay ito ang dahilan kung bakit minsan ako'y nawawala sa mundo dahil sa likot ng aking guni-guni at ang aking pagkahilig sa paglalaro ng mga salita na alam ko sa aking sarili na balang araw sa pamamagitan ng papel at lapis ang pangarap kong maging isang makata ay aking makamtan. Sa aking mga karanasan ako'y nasaktan ngunit dahil dito ako'y natuto. Laking pasalamat ko sa aking karansan (mabuti man o di kaayaaya) sapagkat ito ang nagtulak sa akin upang magsulat. Magsulat ng mga pangyayaring nagbigay apoy sa aking bawat araw. Sa pagsusulat mas natutunan kong mahaln ang aking buhay dahil kung minsan aminin man natin o hindi na takot tayo na makipagsabayan sa agos ng modernisasyon at sa hagupit ng temtasyon kung kaya't ang pagsusulat ay maituturing kong biyaya. Ito'y sa kadahilanang na sa tuwing lalapat ang tinta sa aking sinusulatan pahina ay malaya kong naipapahayag ang alab ng aking emosyon-ang mga bagay-bagay na nais kong isigaw. Wala na man sa batas ng mundo ang mangarap basta dala mo ang iyong magandang prinsipyo at determinasyon sa buhay.
Ikaw? Nasimulan mo na bang paghimayhimayin ang hibla ng iyong mga pangarap at itala sa isang malinis na papel dala ang hilig sa pagsususlat o uhaw man kayong magpahayag ng sariling karanasan. Alam kong tayong mga Pilipino ay kilala sa yaman ng ating kaisipan at kakayahan sa pagsusulat. Tootoong 'di ko namalayan na ang dating walang interes sa pagsusulat ay binago ng mga karanasan na kung saan ako'y natuto at nabigo man ay muling bumangon at lumaban bitbit ang lapis at papel na aking sandata sa bawat hinagpis ng kahapon at maaring kakaharapin kong pagsubok sa mga oras ngayon. Hindi ko sukat akalain na ako'y marunong sumulat- ako'y marunong magpahayag nga aking nadarama sa iba sa pamamagitan ng pagsama-sama ng mga titik, salita at iba't ibang bantasna angkop sa paksang aking bibigyang kulay at lasa.
BINABASA MO ANG
Ang Karanasan ang Nagtulak
Cerita PendekIto'y hango sa aking mga karanasan na nagtulak sa'kin upang tumayo sa aking sariling paa. Ang sumulat ng na ayon sa aking ekspresyon at nagmistulang lundayan ng karana san