(Chapter 1) Star's P.O.V

9 0 0
                                    

Ako nga pala si Adeline Star Alvarez pero mas kilala ako sa tawag na "Star".

Graduating Highschool student ng FEU. 16 years old.

"Always one of the boys" nga sabi nila, halos puro lalake kasi yung kasama ko.

Oy! Yung mga iniisip nyo ha! Hindi ako ganun mga baliw. Close lang talaga ako sa mga boys dahil isa akong DOTA player.

Taga Meycauyan, Bulacan ako. Ang layo ng school ko no? Haha.

Matagal ko ng dream school ang FEU, sa sobrang atat ko dun na ako naghighschool. Kaya ayun! Araw araw commute pero masaya. Sanay nadin ako, halos 1 hour and 30 minutes din yung travel time.

Ano? Wala kong masabi. HAHAHAHA, Nakakatawa kaya, kasi 4 years na akong commuter and so far buhay pa ako. Akala ko di ko kakayanin yung uwian tapos halos gabi na yung uwi ko.

Kakatapos lang ng sembreak, excited na akong pumasok. Makakapaglaro na ulit ako! HAHAHA.

*Sa School*
Dahil nga kakatapos lang ng sembreak konti palang kami dito sa room, Antahimik.. Waaaah
Napatulala nalang ako sa isang tabi dahil napakaboring dito.

Booogsh!
"Aray ko!" Sigaw ko sa pagkakahampas
sa akin ni Mei.

Si Mei nga pala ang "beast-monster" bestfriend ko. Topakin, Maharot pero mahal na mahal ko. Magkabaliktad yung pagaayos namin sa sarili, apaka kikay ng mga outfit nya mahilig mag dress at kung ano-ano basta updated sya sa latest trend ng fashion hindi tulad ko, T-shirt, shorts or pants at sneakers lang, okay na. Pero sa isang bagay kami nagkakasundo yung pagiging "KALOG" Siguro kaya din kami naging magbestfriend dahil parehas kaming adventurous, mahilig sa foodtrip, galaan at kung ano-ano pa.

"Oy! Bes namiss kita ha! Bat ka nakatulala dyan?" Tanong sa akin ni Mei.

"Haha, wala to bes. Nakakatamad kasi halos wala atang may gustong pumasok" sagot ko habang patuloy sa pagtingin sa isang gilid.

"Bakit ka ba nakatulala dyan ha? Mukhang ang lalim ng iniisip mo." Makulit na pagtatanong nya sa akin.

"Wala to bes, inaantok lang siguro ako. antagal ni ma'am. Sige na, umupo ka na dun pabayaan mo muna ako."

(Ewan ko ba kung bakit napatahimik nalang ako bigla, naaalala ko lang yung sembreak... Sembreak na di ko na-enjoy... Sembreak na bumago sa takbo ng buhay ko..)

*Flashback*
(Sembreak days)
Halos di ko talaga naenjoy ang sembreak ko, nakakainis hindi man lang ako nagkaroon ng chance para sulitin to! Bwisit kasi e, almost one week na kasing di tumitigil tong ubo ko. Hindi ako makahinga ng maayos, EWAN KO BA KUNG ANONG NANGYAYARI SA AKIN. Kaiyak haha! :(

(Wala na kaming choice ni papa kundi magpacheck-up para makakuha na kami ng reseta ng gamot)

Nakakainis ang sembreak, inis na inis ako kasi hindi ako nakapaglaro ng DOTA. Namiss ko yung mga chance na makalaro yung mga kabarkada ko, NAKAKAINIS ANG SEMBREAK KO.

Million StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon