(Chapter 3) Nakakainis

3 0 0
                                    

*Yamot ang mga katropa ni Star dahil sa pagkatalo nila, kaya naisipan nalang ni Star na magpunta sa canteen kasama ang mga kaibigan nya.

Iñigo's P.O.V

*Habang nasa canteen

"Ano ba yan! Di niyo kasi inayos e." yamot na pagkasabi ko.

"Ok lang yan, bawi nalang tayo guys!" Sagot sa akin ni Star.

"Okay? Ha? Okay? May magagawa ba ba yang okay mo?" Ewan ko ba pero naiinis talaga ako dahil dun sa pagkatalo namin.

"Oy ano ba Iñigo, easy ka lang, at least diba ginawa natin yung best natin?" mahinahong sagot sa akin ni Star.

"Oo nalang." Sagot ko.

-Ako nga pala si Iñigo Perez, graduating highschool student din ng FEU. Kabarkada ko pala si Star, ewan ko ba kung bakit pinayagan sya ng mga katropa ko na sumama sa barkada namin kahit babae siya. Medyo awkward pero close naman kami ngunit hindi ko parin mapigilan na siya yung madalas kong pagbuntungan ng galit tuwing natatalo kami ewan ko ba kung bakit pero tuwing nakikita ko siya inis na inis talaga ako.

Star's P.O.V

*Habang nakaupo kami ng tropa dito sa canteen walang tigil parin yung pagsisi sa akin ni Iñigo dahil sa pagkatalo namin pero sanay na ako dahil matagal na siyang ganun. Ewan ko ba dun minsan mabait pero madalas talaga siyang MASUNGIT, bipolar ata yun.

"Oy guys! Mauna na ako." Nagpaalam na ako sa tropa ko dahil gusto ko ng umalis para hindi na ako pag-initan ni Iñigo.

"Oh sige, ingat ka Star!" Sagot nila.

*Bago ako umalis naisipan ko munang bumili ng pagkain dahil nagutom rin ako kanina. Lumakad na ako papalabas ng canteen ng biglang..

BOOGSH!

 "AYYYY! ANO BA YAN!" -_-

"Oh bakit?" Sagot sa akin ni kuya.

"BAKIT? HA? BAKIT? HOY KUYA! USO TUMINGIN SA DINADAANAN ALAM MO BA YON? Di mo ba naramdamang tumapon na tong Iced tea dito sa uniform ko -_-" Galit na galit kong sabi.

"Sorry na, di ko naman sinasadya. Kasalanan mo din naman kasi e, masyado kang busy sa pagkain mo!" Sagot ni kuyang masungit.

"ABA! AKO PA TALAGA HA? -_- TAMA BA YON? EXCUSE ME HA! KUNG GINAMIT MO YANG MATA MO EDI SANA DI NATAPUNAN TONG UNIFORM KO." Naiinis parin ako kasi nasigawan na nga ako ni Iñigo tapos eto pa yung nangyari sa akin.

"Eh, Sorry na nga diba? Ah. Teka parang naaalala ko yang mukha mo!" Sagot nya.

"Kuya! Wala kong pake! Nakakainis ka! Anlayo pa ng uuwian ko pano yan?" kONTI NALANG MAIIYAK NA AKO PERO WAG! KAYA MO TO STAR!

"Hindi ako nagbibiro, parang pamilyar yang mukha mo! Ikaw yung nakalaban namin sa DOTA kanina, traxex pa nga ata yung ginamit mo. Ang *weak* mo namang maglaro" Pabirong sabi nya sa akin.

"Oo na naaalala ko, Ikaw yung mayabang dun sa Computer Shop! Hanggang dito ba naman? Ano ba yan. Nakakainis ka." Sagot ko.

*Oo hindi ako ganun kalakas maglaro ng DOTA tulad nung mga prof. pero hindi tama na tawagin nya akong *weak* -_____-

(Nakauwi ako ng bahay na badtrip na badtrip dahil sa mga nangyari sa akin sa araw na ito, di ko talaga makakalimutan yung mga nangyari sa akin ngayon. Dumeretso na ako sa kwarto at nagbihis at pagkatapos nun ay deretso higa na ako sa kama)

~Habang nakahiga

"Sino kaya siya?"

"Star, sino kaya yun?"

"Ang gwapo nya ha!"

"Oy! Hindi rin ah"

"Pogi nun"

"Ang sungit naman"

"Bahala ka nga!"

"Ayy ewan ko sayo"

~Patuloy kaming nagaaway ng kosensya ko sa sobrang kakaisip dun kay kuyang masungit. Hindi ko nalang namalayan na bigla na pala akong nakatulog.

Zzzz.. zZZ. zzzz..

Ang himbing na sana ng tulog ko ng biglang.

.

.

.

.

*Kring  kring*

"Hello? Sino to?"

"Haha, sorry nagising ba kita" Sagot niya.

"Oo, anong oras na 11:30 na ng gabi. Teka, teka sino ka ba?" Sabi ko.

"I'm Kevin yung nakalaro niyo ng DOTA tsaka yung nakabangga sayo sa canteen."

"Ahh, ikaw pala. Teka, saan mo nakuha yung number ko? Tsaka bakit ka pala tumawag?" Sagot ko sa kanya sa sobrang kong pagtataka.

"Hindi na mahalaga yun Star, gusto ko lang talaga magsorry. Good night." Mahinanahong pagkasabi niya sa akin.

Magsasalita pa sana ako, nang biglang mag call-ended. Nakakainis naman! :(

Di manlang ako nagkaroon ng chance para magsorry din sa kanya.

Nakakainis. Nakakainis ngayong araw na to.

Million StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon