Chapter 2- Ms.Sungit and Mr.Presko

42 2 1
                                    

       A/N: natagalan na naman sa pagu-update:P sorry guys!^^  Anyways, thanks sa mga reads at mga nagvote:* naapreciate ko po yun! Actually di ko talaga ineexpect na may magbabasa pa eh HAHAHAHA! HOPE YOU ENJOY THIS GUYS!:D

        Special mention lang kay Gem Carla Rosario(CarlaRosario4) na classmate ko!  yun lang!XD

_______________

        "Kriiinnngg!!!"

        "Ay kalabaw!" nagulat na lang ako sa alarm clock ko na biglang tumunog! I know that the purpose of it is to wake you up pero sinong matutuwa kung sa tapat mismo ng tenga mo tumunog yun?!

        Agad kong  pinatay ang alarm clock at nadatnan si kuya Bryan na maluha-luha na sa may sulok dahil sa katatawa.

        Tiningnan ko siya ng masama.

        "Sana napicturan ko yung reaksyon mo nung nagulat ka! HAHAHA!" sabi ni kuya habang patuloy parin sa pagtawa.

        "Kuyyyaaaa!" pagalit kong sigaw tsaka dinampot ang unan at binato sa kanya.

        "Humanda ka kuya! Ang aga-aga nangiinis ka ah!" sabi ko sabay padabog na tumayo.

        Agad na tumakbo si kuya pababa sa sala, papunta kay papa na noon ay nagkakape sa may dining table.

        Agad siyang yumakap dito sabay sabing,"Pa oh! Si Mich, binubully ako!"

        "Anong binubully? Wag kang storymaker!" ines na sagot ko sa kanya.

        Tinawanan lang kami ni papa. "Let me guess,nilagay mo na naman ang alarm clock ng kapatid mo malapit sa tenga niya noh? Bryan talaga."

        "Kayong dalawa, binata't dalaga na kayo pero kung kumilos kayo parang mga walong taon lang kayo." sabi naman ni mama habang inaayos ang breakfast.

        "Kasi yan si kuya eh! Lagi na lang akong pinagtritripan." sagot ko naman.

        Tinawanan lang ako ni kuya, lumapit siya sa akin tsaka ako inakbayan,"Sorry na ang cute mo kasi pag naiinis, lalo na yan! Napakainitin ng ulo mo! Naku! Pikon!" sabay kurot sa pisngi ko ng pagkadiin-diin.

        "Arayyy!"

        "Tama na yan Bryan! Mich magayos ka na muna at kakain na tayo. May pasok pa kayo!" saway samin ni mama.

         Inirapan ko lang si kuya bago umakyat upang magayos. After kjung magayos, kumain na kami at saka dumiretso papunta sa school.

               3rd year college na ako sa course na Accountancy habang si kuya naman ay graduating na sa course na Architecture.

        "Bye na bunso! Wag masyadong masungit ah! Yan tuloy mukhang mas matanda ka na sa akin!" mapangasar na sabi ni kuya bago kami maghiwalay ng way.

        "Hay naku kuya! Wag mo kong inisin ulit!" pabiro ko nmang sagot tsaka nagpaalam sa kanya.

        Palapit palng ako sa room ng biglang...

        "Miiiccchh!" salubong sa akin ni Yanna Lancaster, ang half-british kong kaibigan na 5 years na ring naninirahan sa Pilipinas kaya sanay na sanay ng managalog. Kung ang maririnig mo nga lang ay ang boses niya pag nagsasalita ng Filipino, mapagkakamalan mo siyang tunay na Pilipino.

        "wow, anong meron?"

        Hianawakan niya ako sa dalawa kong kamay.

        "Magiging classmate natin si Stephen sa first class natin! Gosh!"

Falling in Love... Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon