P3: Bro#2

109 2 0
                                    

" Hm.. Kuya anong sasabihin mo? " takang tanong ko.

" Ahhhh— ano nga ulit yung sikretong sinasabi mo? " homayji! Heto na nagtatanong na siya.

Anong sasabihin ko?

" Ah kuya wala yon, bata pa tayo non. Akala ko lang naaalala mo. " sana maalala mo, sana.

Bigla siyang natahimik at ilang minuto pa e bigla nalang niya akong niyakap.

Kuya tama na sa ganito, umaasa lang ako.

" Ganito tayo kalapit noon diba? Magkatabi sa kama. Walang nangyare pero parang ganon na. May saplot o wala MAHAL KITA " Wait wait wait! Tama ba narinig ko? Naaalala ba niya?

" Ku-Kuya anong sabi mo? "

" Yon ang tinatanong mo diba? Kung naaalala ko pa? Oo naaalala ko pa. Kase hanggang ngayon mahal pa din kita " naaalala niya? OHMY NAAALALA NIYA! AT ANO RAW? MAHAL NIYA DAW AKO? MAHAL NIYA AKO?!

" Kuya hindi tayo pwedeng ganito. Hindi tayo pwede dito. Baka may makakita sa atin. Dapat mag usap tayo sa walang tao. " oh diba? Nakaisip din ako.

" Wala namang tao ah? May nakikita kaba na diko nakikita? " sabay biro niya habang tumatawa.

" Hindi naman sa ganon. Paano kung may dumaan? Baka anong isipin nila. "

B R OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon