Chapter 4: Camus' Sister

3 0 0
                                    


Continuation...

MADISEN'S P.O.V.


Kakalabas lang namin ni Avery sa classroom. Papunta kami ngayon sa canteen. Medyo nagutom kasi kami.

" Math wizard ka talaga Maddie!" Sabi ni Avery

"Ikaw nga eh, Princess Byukugan talaga. Grabe! Ikaw lang yata ang may alam ng technique na pag di mo na alam ang answer pipiliin mo ang pinakamahabang choice kasi according to you mahaba ang explanation nun at madalas yun ang tama."

"Meron pa. Pag may nakita ka sa choices na lahat ay tama o all of the above, yun na ang piliin mo. isipin mo ha, nilagay lang ba nila yun pang lito sa tin? Edi sana every choices nilagay na nila yun. At kung susuriing mabuti lahat ng question na may all of the above na choice palagi yun ang sagot."

Napatawa ako ng mahinasa sinabi ni Avery. Grabe talaga sya kaya pala madali syang natatatpos kasi yun pala ang ginagawa nya pag di nya na alam ang sagot.

"Oo na! Princess Byukugan ka na!" Sabi ko

Pagpasok namin ay bumili agad kami. Nang matapos ay umupo kami sa pinakadulong table for four, sa gilid ng glass wall. Dito ay masisislayan ang wide field at kitang kita ang baseball team na nagpa practice.

Naalala ko bigla ang first day ko dito. Ang araw na natamaan ako ng baseball sa ulo. Nalaman na kung sino talaga ang nakatama sa kin ng baseball.

Kaso lang mas pinili ko na lang na di sya makita pa sa discipline's room. Wala akong gana na kitain yun. Baka kung ano pa ang magawa ko dun dahil sa galit. Baka maging si Kushina ako't lalabas ang kyuubi ko.

"Alam mo Maddie, classmate din pala na tin ang pinsan ni Camus." Sabi ni Avery

"May pinsan pala yun. Anyway, wala naman akong pake kay Camus. Wala akong pake kung buhay o patay yun."

"Hoy! Wag mo ngang idamay si Aomine. Ang bait kaya nun. Di sya katulad ni Camus. Mabait at friendly si Aomine. Sya pa nga ang unang nag approach sa kin." 

"Aomine? Pangalan nya?"

"Oo. Khirst Aomine Alstroemeria."Sagot nya

"Ang cool ng ga pangalan nila no? Camus Lynce Alstroemeria at Khirst Aomine Alstroemeria. Grabe! ang cool ng pangalan nila." Dugtong nya

Ilang sandali ay may isang lalaking lumapit sa min. Natitiyak kong baseball player sya dahil sa suot nya. At ano naman ang ginagawa nya? Manghihingi ba sya ng pagkain sa min>

"Hi.. Madisen, right?" sabi nya

"Yeah.." tipid kong sagot

"Can I sit beside you?..

Tumingin ako sa bakanteng upuan sa gilid ko. Ano kaya ang pinaplano nya? Ni hindi ko man lang to kaklase kaya ang weird ba't sya nakikipagusap sa kin.

"Di pwede..." Sagot ko

Napatingin ako sa kanya. Halatang nagulat sya sa sagot ko. Ano? Expected nya ba na papayag ako? Asa sya. Unti unti syang ngumiti. Dinampot ko ang bag ko na nasa sahig at pinatong ko sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Ok..." Sagot nya

Naramdaman ko ang pag sipa ni Avery sa paa ko. aptingin ako sa kanya. Pinalakihan ko sya ng mata. Pinalaki nya rin ang mga mata nya sa kin. Muli kaming tumingin sa lalaki.

"Dito ka na lang." Sabi ni Avery

"Thanks..." Sabi ng lalaki

Agad syang umupo sa tabi ni Avery. Aish! Type ba ng Princess Byukugan na to ang lalaking yan? Ano ang binabalak ng taong yan? Di ako comfortable sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Let me say 'I Love You'Where stories live. Discover now