Chapter 2: Heliophobia

3 0 0
                                    

MADISEN'S P.O.V

Pagpasok ko ng bahay ay hinanada ko agad ang binili kong siomai. Tumungo agad ako sa kwarto ng kambal kong si Maudisel. Agad akong kumatok.

"Sino yan?" Rinig kong sabi nya

"Si Madisen to!"

"Sige! Pasok ka"

Pagbukas ko ng pinto ay pumasok agad ako at sinara agad iyon para di nya makita ang ilaw sa labas. Nadatnan ko syang nakahiga sa kama nya at nakapulot sa buong katawan nya ang kumot.

Napakadilim ng kwarto ni Maudisel at napakalamig. Patay lahat ng ilaw at tanging araw lang ang nagbibigay ng liwanag ng tumatagos sa sliding window nya ngumit natatakpan naman iyon ng kulay maroon na kurtina.. so in short, madilim pa rin.

Eleven years na syang ganyan. At sa loob ng eleven years na yun di man lang nya naexperience na lumabas sa kwarto nya. Nagpapanic attack sya pag nakakakita sya ng bagay na nagbibigay ng liwanag, mapagadgets man yun o appliances.

Itong madilim na kwarto na to ang naging tahanan nya sa mahabang panahon. Mas pinili nyang magtago sa dilim kesa harapin ang kinatatakutan nyang liwanang.... Si Cyn Maudisel Kurstville na kamabal ko ay may heliophobia... Fear of Sunlight...

Nagsimula ang lahat ng yun ng five years old kami. Nagouting kami at pumunta kami sa beach. Nagkaroon sya ng matinding sunburn at yun ang puno't dulo ng pagkakaroon nya ng heliophobia.

Nakakalungkot lang kasi di nya naeexperience ang mga naeexperience ko sa labas. Gustong gusto nyang lumabas pero di pa nya kayang ikontrol ang phobia nya. Nagpa panic attack sya pag nakakita sya ng liwanag.

Sikat ang family namin sa buong Pilipinas  dahil ang pharmaceutical company namin ang pinakamalaki sa buong Pilipinas. Eight years old ako ng ipakilala ako sa public.Pero si Maudisel di naintroduce in public.

Ayaw ni Maudisel na makita in public at according kay dad kahihiyan daw para sa company ang tungkol kay Maudisel. May pharmaceutical company tapos wala man lang kaming magawang gamot para gumaling si Maudisel.

Ilang sandali ay umupo sya sa kama nya at tumingin sa kin.

"May dala kang siomai?" Napangiti ako sa tanong nya

"Meron syempre..."

Lumapit ako sa kanya at umupo sa kama nya. Nilapag ko agad ang plato kung saan nakalagay ang mga siomai sa kama nya. Nauna na syang kumain.

Ako ang nagpakilala sa kanya ng pagkaing to. Dahil favorite ko topinatikim ko na rin sa kanya. Nagustuhan nya at naging favorite nya. Parehong favorite namin tong siomai.

Kaya araw araw akong bumibili nito at sabay kaming kumakain nito.

"Kamusta ang first day mo?" Tanong nya

"Hah! nakakainis!"

"Bakit?!" Tanong nya

Agad kong kinwento sa kanya ang buong pangayayari. Parang naha- high blood ako sa tuwing naalala ko ang mga nangyari.

Ba't pa ba kasi kailangan naming magkita? Aish! Ang suplado, cold- hearted at nakakainis na yun... Sana sa susunod na bagyong darating sa Pilipinas tangayin na sana sya!!!

"Nakakatawa, cute at unique ang first meet nyo." Nakangiting sabi ni Maudisel

"Kung ikaw siguro ang nasa situation ko I'm sure maiinis ka rin dun." Sabi ko

Biglang may kumatok sa pinto. Sino naman ang kakatok? Wala naman sina Hannah(kabit ni dad) at dad dito.... baka si manang lang siguro.

"Sino yan?" Tanong ko

Let me say 'I Love You'Where stories live. Discover now