Prologue

14 0 0
                                    

MADISEN'S P.O.V.


"Avery!!!" 

Kanina pa ako nandito sa labas ng bahay ng legendary kong bestfriend pero di parin nya ako sinisipot. Gusto nya bang makatikim ng flying kick mula sa kin?

"Avery!!!"

Aish!!! Ang tagal nya!!! Kailan pa ba yun lalabas? Naghihintay pa ba yun ng Bagong taon para lumabas?

"Avery!!!"

Ilang sandali ay lumabas na nga sya. Aish! Buti naman! Grabe! Ang tagal tagal ko ring tumayo at nagsisigaw dito. Agad nya akong nilapitan.

"Ba't ang tagal tgal mo? Kanina pa ako dito." Naiiritang sabi ko

"Tagal? Sus! Eh five minutes ka pa nga lang na nandito sa labas ang tagal na agad? Naku! Wag mo akong maano dyan!" Sabi nya

"Eh sakin matagal na yun! May pake ka ba?"

"Wala na nga! Eto na nga! Nandito na! Aalis na tayo madam." 

Agad nya akong hinawakan sa braso at nagabang kami ng taxi. Nang may pumara ay agad kaming sumakay.

*FAST FORWARD*

Sa wakas nandito na nga kami ni Avery sa bago naming school. Pareho kaming newbie dito ngayong school year.

Mababait din kaya ang mga students dito? Sana nga ay mababait. Actually 99.9% palaban kami ni Avery. Pareho kaming naka black belt sa taekwondo kaya, kaya naming maidepensa ang mga sarili namin.

Kaya naming maipatumba sino man yan. Mapababae, lalaki, tomboy, o bakla man yan. Di namin yan uurungan... Ganun kami katapang....

Nandito kami ngayon ni Avery sa garden bridge sa itaas ng fishpond. Tinitignan namin ang mga isdang naghahabulan. Kami lang dalawa ni Avery ang nandito sa bridge, pati na rin ang lalaking di ko kilala... medyo malapit sya sakin.

"Ang la-laki ng isda no?" Sabi ni Avery

"Wag mong sasabihin na pupunta ka dito mamayang gabi at nanakawin mo ang isa dyan." Sabi ko

"Baliw! ano akala mo sa kin? Magnanakaw?" Sabi nya

"Actually Av... Parang ganun na nga..."

Tumawa ako ng mahina at nagroll eyes sya sa kin. Muli kong itinuon ang attention ko sa mga isda. 

Ilang sandali ay parang matutumba ako ng naramdaman ko ang pagtama ng kung ano sa ulo ko pero feel ko bola iyon.

Napahawak ako sa lalaking nasa tabi ko at pareho kaming nawalan ng balanse. At sa dahilan na yun ay kapwa kaming nahulog sa fishpond...

Nang nasa ilalim na kami ng tubig ay agad nya akong tinulak papalayo. nabitawan ko sya at sabay kaming umahon sa tubig. Napansin kong hanggang bewang ko lang ang tubig.

Napatingin ako sa lalaki. Hingal na hingal sya at parang nanginginig sya na nakatingin sa kin na animo'y takot na takot sa kin. Lahat ng tao sa paligid namin ay nakatingin sa min.

Humakbang ako papalapit sa kanya...

"Wag kang lumapit sa kin kung ayaw mong mamatay ng maaga.." Huminto naman ako. Grabe naman sya makabanta...

"I'm sorry... Di ko sinasadya."Sabi ko. Humakbang sya ng tatlo paatras

"I'm really really sorry..."

Nagroll eyes sya sa kin bago nya ako tinalikuran. Nafe feel ko ang pagiging cold at suplado nya. Agad syang umakyat sa hagdan sa gilid ng bridge... 

Let me say 'I Love You'Where stories live. Discover now