Pantasya

12 1 0
                                    

Ako ay isang simpleng babae lamang na kabilang sa mga babaeng humahanga sayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ako ay isang simpleng babae lamang na kabilang sa mga babaeng humahanga sayo.
Positibo, masiyahin na
Kahit na sa loob-loob ko'y nadudurog na ang puso.

Ang babaeng kahit di mo kilala ay nariyanparin lagi para sa iyo. Ang babaeng kahit di mo napapansin, na kahit masilayan ka lang sa malayo ay sapat na para mabulabog ang damdaming humihimbing.

Ako nga pala ang babaeng nandiyan sa tabi mo. Tamang sa tabi mo lang na kapag nadadaanan mo't nalalampasan ng paningin mo.

Pero.. Ibahin naman natin. Nakakasawa na kasing isipin na lagi na lang walang pag-asa.
Lagi na lang 'wala' sa ' tayo'.
Ibahin naman natin ang pag-irog ng mundo, ang oras--
Kung saan masasabi kong akin ka at ako'y sayo.
Kung saan, sa isang kwento'y mayroon namang ikaw at ako.

Sa pagpikit ng aking mata, namulat na sa lugar kung saan ay hinihintay mo ako. Na sa bawat hakbang ko papalapit sayo ay sinasalubong mo rin ako ng mga ngiti mo. Ngiti na paulit-ulit sa aki'y nag papahulog sa balong parang wala na atang katapusan. Kahit siguro'y maubusan ka ng ngipin o mabungal ay hindi parin nakakasawang titigan.

Tapos, ang mta mata mo na minsa'y natatabunan ng iyong buhok na sinasayaw ng hangin, yung tipong para akong si Rose at ikaw si Jack na naghihintay sa akin pababa ng hagdan sa movie na titanic.

Sandali, sandali! Yung puso ko naghuhuramintado. Ikaw naman kasi! Paki-inform naman ang puso ko na h'wag masyadong hyper pag ikaw ang katabi ko. At tska please lang, wag mo akong pakatitigan, baka pag natunaw ako'y hindi kana makakahanap ng totoo at seryosong gaya ko.
Nebe! Kinikilig ako,
Ang sarap sa ears kapag sinasabi mo ang mga katagang 'babe, I love you.'

Kaso..

Sa love story nating ito, ako nga pala si Cinderella.

Sumapit na ang takdang oras na kailangan ko nang lisanin ang matayog mong mundo, oras na para gumising ako sa reyalidad.

Reyalidad na pilit kong tinatakasan. Pero natatakot ako, natatakot akong dito na magwawakas ang storyang ito. Na sa pagmulat ko ay wala ka na sa tabi ko at hindi ko na mahahawakan pang muli ang mga kamay mo dahil di na kita maabot..
Bakit ba napakatayog mo?
Bakit ba ikaw pa ang naging araw ko na nagbibigay sigla, ngunit nagbibigay lungkot kapag ang dapit-hapo'y sasapit na?
Bakit ikaw pa ang naging bituin ko sa dilim at mawawalan ng kinang sa t'wing masamang panahon ay darating?

Bakit ikaw pa ang naging masarap na bunga ngunit mahirap abutin?

Bakit? Bakit sa dinami ng tao sa mundo,
Ikaw pa ang napiling mahalin?

Napakasakit na reyalidad na para kang mga karakter sa libro na sa panatsya ko lang makakatagpo. Na kahit na sa sukdulan na ay ako lang ang luluha. Luha na katumbas ay puro sana.

Sana ako nalang.

Sana kaya mo ring suklian kung ano ang nararamdaman ko.

Sana 'di nalang pantasya ito at sana'y totoo!

Subalit ang sana ay kailan man ay hindi na magiging dapat.

Kung dapat sa simula palang nagising na ako. Dapat tinigil ko na ang nararamdaman ko. Kasalanan bang ipag-konekta ang dalawang asimptotang kailan man ay di magtatagpo?

Itutulo'y ko pa ba ang kwento ito? Na pilit kong pinapaganda kahit na ang konsepto'y magulo. O tatanggapin ko na lang ang katotohanang magkaiba ang ating mundo? Langit ka,
At lupa ako.

Kung sana ay dumating ang panahong maglalandas ang tadhana nating dalawa.

Magawa mo sana akong tignan..

At magawa mo rin sana akong mahalin na mas higit pa sa kwentong nabuo sa mapaglaro kong pantasya.

Pinagtugma pero 'di tinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon