Nagsimula ng bumagsak ang mga tubig mula sa aking mga mata. Mag-lilimang minuto na kasi akong nandito at nagtatangkang tumayo, halos nagkapasa na ang mga tuhod ko dahil bumagsak lang ako.
"Huh?" Tanong ko sa may naglagay ng panyo sa palad ko.
------------------------------------------------------------------------------------------------------
//Louise's P.O.V.//
Tinignan ko siya at isang mala-SUPER HERO ang bumungad sa aking mata. Ang mata nyang kulay itim na nakakapanghina, ang magandang hugis ng kanyang ilong, ang labi nyang kulay rosas.
"S--. Waaahh. San mo ko dadalin? Waaaah. Ibaba mo ko. Kidnap! Kinikidnap po ako. Waaaaahhh." Sigaw ko ng bigla nya akong buhatin.
"Sa Clinic" munti nyang tugon sa pagwawala ko.
"S-salamat." mahina kong sinabi. Nakakahiya ka talaga Tracy! Sabi ng utak ko sa sarili ko. Tinutulungan ka na nga ng tao, nakuha mo pang magwala.
Napansin kong tulad ng pagbuhat ng pangbagong kasal ang paraan nya ng pagbuhat sa akin. Naramdaman ko tuloy na nag-init yung mukha ko at tila may mga paro-parong lumilipad sa loob ng akin tyan.
"Wait here" mahina nyang salita. Doon ko lang napansin na nakahiga na ako sa kama ng Clinic.
Sinundan ko ng tingin ang kanyang mga kilos. Mukhang may hinahanap siya.
//Travis P.O.V.//
"Meron ka bang happy moments?" Tanong ko sa kanya habang umupo ako sa may gilid ng kamang hinihigaan nya.
"Oo naman. Nung bata ako dinadala ako ng parents ko sa park tapos doon kami nagpipicnic. Tapos bibilan ako ng lobo ni daddy. Hindi lang isa, kundi madaming-madami." Pagkukwento nya habang ginagamot ko ang mga sugat at pasa nya.
"Done. Just don't move for a while and you'll be able to walk later." Bilin ko sa kanya.
"Ha?" Nagtataka nyang sinabi. Agad naman nyang nakita ang binti nyang may mga band-aid na.
"Ay! Oo nga no. Hindi ko kasi aramdaman yung sakit nung ginagamot mo. Salamat ha?" Pagpapasalamag nya habang nakangiti at manghang-mangha sa ginawa ko.
//Louise's P.O.V.//
Pinahiga nya ako at binigyan nya ng blanket mula sa bag nya. Boyscout ang peg? HAHAHAHA
Ang cute ng blanket. Kulay blue at may design na panda na iba't-ibang size. ANG CUTEEE ^__^
Nakita kong tumayo siya at ibinalik ang mga ginamit nyang pang gamot sa aking mga sugat.
"Super hero ka ba?" Pag-uusisa ko. Lumingon lang siya sa akin at binigyan ako ng "What-Do-You-Mean-Look"
"Kasi ginamot mo yung mga sugat ko ng hindi ko namamalayan at hindi ako nasasaktan e" pagpapaliwanag ko. (A/N: Hindi po ito pick-up line. Hahaha)
"Someone told me that if you are hurt or in pain, think of happy thoughts.It might not erase all the pain but at least it can ease a bit of it. Then you'll realize that it does't hurt a lot as it used to before and eventually all the pain will fade away." Tugon nya.
Nosebleed naman ako dito kay kuya!
"Ah. Kaya pala tinanong mo ko kung ano yung happy moments ko. At habang nagkukuwento ako ay sumasaya ang mood ko kasi naalala ko yung moments na yon dahilan para makalimutan ko yung sakit na idinudulot ng sugat. Tama ba?" Tanong ko sa sa kanya.
Hindi siya sumagot at nagpatuloy na lang sa pagbabalik ng mga gamit. Nang matapos na ay naglakad siya at umupo sa may kabilang bed ng hinihigaan ko at nagbasa ng libro.
"Wala ka bang klase?" Pag-uusisa ko.
Binaba nya ng bahagya ang librong binabasa dahilan upang makita ko ang kanyang mala-anghel nyang mukha at binigyan ako ng "Wag-Kang-Madaldal-At-Magpahinga-Kana-Lang-Dyan Look" at nagbasa na ulit ng makita nyang nagtago ako sa ilalim ng blaket nya.
//ETHAN P.O.V.//
Kanina pa natapos ang klase at nasa bar ako ngayon na pagmamay-ari ng katropa ko, si Lance. Ayoko pang umuwi sa bahay dahil ngayon dadating ang bwisit sa buhay ko. Ang bwisit na dahilan kung bakit ako naging cold hearted pag dating sa parents ko. Kaclose ko naman yung kakambal ko pero pag dating sa magulang ko ay ibang usapan na. Pati sa school, cold hearted din ako dahilan para katakutan nila ako.
"Sayang hindi na bumalik yung magandang babae kanina sa room." Sabi ni Clyde.
"Babae?" Tanong naman ni Lance.
"Ay hindi pre. Bakla pre! Bakla." Sarkastikong sinabi ni Dylan dahilan upang magtawanan ang mga mokong.
"Kanina kasi bago pa kayo dumating, e may magandang babaeng pumasok sa room." Pagpapaliwanag ni Clyde.
"Baka siya yung bagong transfer na sinasabi ni Sir Tamaga?" Tanong ni Dylan.
"Ewan ko. Hindi na siya bumalik nung pinagtripan namin siya nila Yesha. Naniwala ata na hindi yun yung klase ni sir Tamaga."Tugon ni Clyde habang may bakas ng ngiti sa kanyang mga labi.
"Bakit di ko nakita yung kakambal mo kanina sa room?" Tanong ni Lance habang inabutan ako ng isang glass ng tequila.
Nagkibit balikat lang ako.
//Travis P.O.V.//
"WAAAAAAAA. Anong oras na?" Sigaw nya. Bigla siyang bumangon at ....
Louise's POV
"Are you alright?" Agad nyang tinanong pagkasalo niya sa akin.
Buti na lang at nasalo nya ako kung hindi ay madadapa na naman ulit ako.
"Oo. Salamat ulit." Mahina kong sinabi.
Nagkatinginan kami sa mata. Dun ko lang narealize na nakahawak pala ang mga kamay nya sa likod ko at nakabent pa pala ako ng 45 degrees. Yung parang sa hawak ng mga nagsasayaw after umikot nung girl, kung minsan pa nga ay nakataas ang isang paa. Pero ako nakababa ang mga paa ko. Ganitong posisyon nya kasi ako nasalo.
"S-sorry." Tumalikod siya bigla at naglakad papunta sa may higaan at nilagay sa bag nya ang kanyang blanket.
Natuon naman ang oras ko sa suot kong relo at 3:30 PM na. Naalala kong may pupuntahan pa pala ako at 30 minutes na lang ay malelate na ako.
"Salamat ng marami ha? Pero kailangan ko ng umalis e. May pupuntahan pa kasi ako. 1 pm sa canteen bukas. Ililibre kita ng kahit ano. Bye!" Atsaka nagmadali akong tumakbo palabas.
BINABASA MO ANG
Falling in love with a Twist
Ficção AdolescenteIt all started when her father's best friend adopt her. Since then her life becomes a ROLLER COASTER.