A/N: Hello! First time ko magpublish ng story. Gusto ko lang ishare yung mga nasa isip ko at sana may ma-inspire din ako. :) Enjoy reading! :) <3
// Ethan P.O.V. //
"Ako na ang tatawag pero ikaw na ang makikipag-usap"
"Ha? Ako na lang ang tatawag at ikaw ang kumausap kay sir. Parang awa mo na Chaneng."
Narinig kong pag-uusap ng mga maid namin sa labas ng pintuan ko. Aba! Teka nga.
"Ano ba! Ang iingay nyo! Ano ba yung gusto nyong sabihin?" Pasigaw kong bungad sa kanila ng binuksan ko ang pintuan.
"Ahhh. Ehh. Ihhh. O---." Sabay nilang sinasabi habang nanginginig sa kaba.
"ANO!!" Sigaw ko. Nakaka-irita kasi. Ang tatagal!
"Kasi sir sabi po ni Madame ay umuwi daw po kayo mamaya ng maaga. Dadating po kas----"
"Sabihin nyo may gagawin ako kaya wag na nila akong hintayin! Maliwanag?" Pagrereklamo ko sa kanila.
"Pero si---"
Tinakpan ko na ang tenga ko saka lumabas ng bahay. Baka mapuno lang ako sa mga maid na yon.
"Good morning sir" bati sa akin ni Mang pepito habang pinagbubuksan ako ng pintuan ng sasakyan namin.
"Sir di po ba late na kayo? Hindi naman po sa nangingielam ako sir per---"
Hindi ko na narinig ang mga sumunod nyang sinasabi dahil nag lagay na ako ng earphones.
"Sir gising na po."
"Inaantok pa ako." Reklamo ko.
"Sir nandito na po tayo sa school nyo" Tugon nya sa pagrereklamo ko habang kinakalabit ako.
"Inaantok pa nga ako."
"Sir gusto nyo pa po bang tawagan ko s---"
"Eto na. Gising na nga e." Bumaba na ako ng sasakyan at naglakad na papunta sa tambayan ko.
Yang si manong Peps ay matagal na naming driver. Simula 4 years old pa lang ako ay nagtatrabaho na siya sa amin. At dahil nga matagal na siyang nagtatrabaho sa amin ay alam nya ang kahinaan ko. Oo kahinaan. Kung si Superman nga may kahinaan, ako pa kaya na tao lang?
*ARAY/ARAY*
// Louise Montrel's P.O.V. //
"Hello! Eto po ba yung baking class ni sir Tamaga?" Tanong ko sa mga taong nandito sa loob ng room.
"Sorry miss hindi e." Sagot nung lalaking may blonde na streaks ang buhok. Kung titignan mo siyang maigi para siyang model.
"Miss?" Kinaway-kaway nya ang kamay nya sa mukha ko at dun ko lang na realize na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya.
"Ay. S-sorrry" Nagmamadali akong lumabas ng room at narinig kong nagtawanan sila.
WAAAHHHHHH. Nakakahiya ka talaga Louise!
"5 minutes. 5 minutes na lang at male-late na ako." Bulong ko sa sarili ko habang tumatakbo paikot-ikot sa school na to.
Kanina pa ako naghahanap ng room pero hindi ko makita kung saan nga ba yon. Baka dito yun sa may pgliko ng hall way.
WAAHHHHH. Kailangan ko ng dalian. WAHHHHHH. Binilisan ko pa ang takbo ko at...
*BOOOOOGSSSSSSSSSSSSSSSHHHHHHHHHH*
*ARAY/ARAY* Sabay pa kaming nagsalita.
"Wala ka bang balak magsorry? Hindi mo ba ko kilala ha?" Pagrereklamo ng lalaking nabangga ko.
Teka. Aray ang sakit ng tuhod ko. Ayyy! May sugat. Huhuhuhu. :(
Hindi ako iiyak.
Hindi ako iiyak.
Hindi ako ----.
*sob* *sob* *sob*
"Hoy! Kinaka-usap kita. Huwag ka ngang yumuko lang dyan!" Sigaw nya ulit.
Tignan mo tong lalaking to. Nakita na nga nyang nasaktan yung tao may gana pa siyang sigawan ako. Napakawalang modo!
Nagpunas ako ng mga luha ko at tsaka ako dahang-dahang tumingin sa kanya.
O-EM-GEE. Tao ba to? O anghel? Dahan-dahan kong pinagmasdan ang mga mata nyang malakape ang kulay, ang mga labi nyang kulay hinog na sili, ang matangos nyang ilong, ang matitipuno nyang braso.
Andaming butterflies na lumilipad sa paligid nya. Para siyang isang anghel. Heart heart.
"Hoy babae!"
*Basag Heart Effects*
Anak ng tinapa naman oh! Okay na sana e. Anghel na sana, e nagsalita pa. Ayon! SI Lucifer tuloy siya.
"Hoy! Yung laway mo tumutulo na!", agad ko namang pinunasan ang bibig ko.
"Wala naman eh!" Reklamo ko sa kanya.
"Uto-uto" Tugon nya habang naglalakad siya.
Teka! Papunta ba sya sa akin? Eto na ba yung mga katulad sa mga movies o kaya sa mga romantic drama na napapanood ko? Ipapasan ng lalaking bida yung babaeng bida dahil na-injured. Eto na ba yon?
O - MMMM - GEEEE.
Medyo malapit na siya so iaabot ko na yung kamay ko sa kanya ...
"Et-"
*Basag Puso Effect For The Second Time*
Tignan mo nga naman oh! Nilampasan ako ng mokong.
"WAAAAAAAAAAAAAAH. Walang modo! Napaka-ungentleman mo! Akala mo ang pogi mo? Muka kang monkey! Monkey! Monkey! Monkeeeey!" Sigaw ko.
Nakaka-asar talaga. Hindi na nga nag-sorry, pinagtripan na nga ako, at hindi pa din ako tinulungan.
Nagsimula ng bumagsak ang mga tubig mula sa aking mga mata. Mag-lilimang minuto na kasi akong nandito at nagtatangkang tumayo, halos nagkapasa na ang mga tuhod ko dahil bumagsak lang ako. Napilayan ata ako. :(
"Huh?" Tanong ko sa may naglagay ng panyo sa palad ko.
BINABASA MO ANG
Falling in love with a Twist
Fiksi RemajaIt all started when her father's best friend adopt her. Since then her life becomes a ROLLER COASTER.