"Lhiam loves my sister."
Ano???? Anong I love your sister?? Tae naman oh!
"Diba Lhiam?" Kung makatingin naman tong ate ni Ellie parang tumatagos sa buto ko. Nakakatakot naman to!
Nakatingin lang silang lahat sakin. Inaabangan ang sagot ko. Kainis! Hot seat nanaman tuloy ako dito.
"A-ahm..oo naman. Girlfriend ko nga sya diba?hehe" puteks, eto nanaman ako. Padalos-dalos nanaman. Ewan ko ba kung bakit ko iniipit ang sarili ko sa mga sitwasyon na to. =______= kaasar ka Lhiam. Bahala na.
"You heard him so get lost." Sigurado akong nathreaten sya kay Loreen. Tss. Grabe tong babaeng to eh. Ang tapang, pinagtatanggol talaga nya yung kapatid nya. Pero effective naman kasi umalis na si Kristin, napahiya na ata.
Tiningnan lang ako ni Ellie ng what-the-heck look.
=_______= yan lang ang sagot ko sa kanya.
"I'm so happy for you sis. May boyfriend ka na and ang gwapo pa." (^________^)
tapos tumingin Sya sakin.
"ingatan mo yang baby sister ko ha! Pag yan pinaiyak mo malalagot ka talaga sakin!" May halo talaga dapat na threat ano? >_____<
Katakot ang ate nya.
------
The next day...
---ELLIE's POV---
♬♪I got a tight grip on reality
♩ but I can't let go of what's
In front of me here
I know you're leaving
In the morning when you
Wake up, leave me with some
Kind of Prof it's not a dream.
Woah. ♪♩
♪♬
"Ellie bilisan mo dyan, andito na ang sundo mo." Si ate naman istorbo kita mong nagcoconcert ako sa banyo eh. Tss. Pero teka, sabi ni ate andito na daw yung sundo ko? Wala naman akong sundo ah. Mag-isa lang naman akong pumapasok ah.
nagbihis na ako at bumaba na, pagbaba ko nakita ko si....
"Goodmorning!" (^_^)/
"Anong ginagawa mo dito?" Andito lang naman kasi ang Lhiam na yun eh. Pangiti-ngiti pa.
"Sinusundo kita." Anu daw? Susunduin nya ako?
"Huh? Bakit mo naman ako susunduin eh ang lapit lang naman ng bahay namin sa school ah. Bat mo pa ako ihahatid?" Baliw talaga tong lalaking to.
"Girlfriend kita kaya dapat lang na magkasama tayo pagpasok. Kaya halika na." Tumayo na sya at pumunta na sa pinto.
"Uy, teka lang naman. Masyado ka na atang nadala sa pagpapanggap mong boyfriend ko. Di mo naman kailangan gawin yan eh. At saka bakit ba di mo na lang sabihin sa kanila na hindi naman talaga tayo." Kinuha ko na yung bag ko at nilock ko na ang pinto. Kami lang ni ate Loreen ang nandito sa bahay, nasa Cebu kasi sina mama at papa. Minsan sinasamahan kami ni kuya Kyle. tiningan ko ang relo ko, 9o'clock na kaya nakaalis na si ate.
Naglalakad na kami ngayon papunta sa school.
"Ok lang, sabi kasi ng ate mo ingatan daw kita eh. Ginagawa ko lang naman ang part ko bilang boyfriend mo." Grabe, best actor na talaga siya.
"Wala naman si ate dito kaya hindi mo kailangang sumama sakin hanggang sa school. Baka mamaya may makakita pa satin na magkasama. Mapagkamalan pang boyfriend kita."
"Aba, ayos ka ah. Ikaw pa talaga ang nahihiya na boyfriend mo ako ha. Hoy para sabihin ko sayo ang daming babaeng naghahabol sakin, halos magmakaawa na maging girlfriend ko sila pero ikaw, di mo pa ako nililigawan sinagot na kita." Tss. Di naman sya mayabang eh noh.
"Diba lalaki ang nanliligaw sa babae? Kaya bakit naman ako manliligaw sayo? Asa ka naman noh."
"Syempre, iba yung sa sitwasyon ko kaya may exemption. Gwapo ako eh kaya ako ang nililigawan ng mga babae." =_______=
"Ang yabang mo." Inunahan ko na sya maglalakad. sobrang yabang eh.<(`^')>
------
aayy.. salamat, natapos din yung last period ko ngayong umaga. (^O^) sobrang gutom na kasi ako eh. makapunta na nga sa canteen.
pagdating ko dun, pinagtinginan ako ng mga estudyante.. nakakatunaw yung mga tingin nila tas naririnig ko pa silang nagbubulungan.
"Oo, sya nga yun. and alam mo ba kapatid daw nyan si Loreen, yung beauty queen. grabe di nga ako makapaniwala nung sinabi sakin yun ni Kristin eh. tingnan mo nga oh, Loreen's a beauty queen samantalang sya freak. hahaha" tapos narinig ko pa silang nagtawanan. pwede pag magbubulungan kayo yung di ko naririnig? nakakasakit kasi eh.. di ko na lang sila pinansin at pumila na lang ako para bumili ng pagkain.
"alam nyo i did a little research on her and nalaman kong half sister lang sya ni Loreen. magkaiba sila ng mother." narinig kong sinabi nung girl na isa. pati ba yun kailangan pa nilang halungkatin? T_T
"well now we know kung kanino sya nagmana ng kalandian nya. akala mo kung sinong mabait at inosente tingnan, yun pala deep inside may itinatagong kalandian. eew." tapos nakita ko sa sulok ng mata ko na nakatingin sila sakin.
ouch. ok lang naman na insultuhin nila ako pero sana lang naman wag na nilang idamay yung mama ko. di ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko. sakto namang nabigay na ng cafeteria lady yung binili ko. pagkakuha ko nun nagmadali na akong umalis. syempre ayoko naman magdrama ng gutom kaya hinintay ko muna yung pagkain ko.>3<
tumakbo na ako at dun ako dinala ng paa ko sa music room. ito lang kasi yung bakanteng room na malapit eh. naupo ako dun tas binuksan ko na yung C2. tas tumulo nanaman yung luha ko. naalala ko nanaman kasi yung mga sinabi nila. ︶︿︶
ang sama naman nila.
kumakain ako ng burger habang umiiyak. tapos di ko namalayan tumulo na pala yung uhog ko sa kinakain ko. waaaaaaaahhh! kaasar naman tong uhog na to kitang nagdadrama ako eh. tinapon ko na lang tuloy yung burger ko.sayang! ╯﹏╰
Napansin ko yung lumang piano dun sa unahan. nilapitan ko yun at umupo ako sa harap nun. nagsimula akong tugtugin yun. pumapatak pa din yung luha ko. naalala ko si mama. wala akong masyadong alaala sakanya kasi bata pa ako nung kunin sya ni Lord. ︶︿︶
pero lagi syang kinekwento sakin ni lola.
habang tumutugtog ako, nagulat ako ng may bigla na lang may nagsalita sa likod ko.
"oh." may inabot syang panyo sakin.
tiningnan ko sya pero umiiwas sya ng tingin sakin.
"tss..kunin mo na lang kasi." tapos linapit nya pa sakin yung panyo sakin.
"di ko kailangan nyan." pinahid ko yung luha ko, eh kasi naman, ayoko ngang kunin yun, di naman kami close eh.
pero bigla na lang sya humarap sakin tapos pinahid nya yung mga luha ko!
tapos nagkatinginan kami.
O/////////O
tooogs.
tooogs.
tooogs.
parang namula ata ako dun. nag-init kasi bigla yung mukha ko. binawi ko rin agad yung tingin ko at kinuha ko na yung panyo nya tas ako na yung nagpunas ng sarili kong luha. grabe nakakahiya yun. medyo naging awkward tuloy yung ambiance saming dalawa.
tumayo na sya tapos parang di rin sya mapakali tas bigla na lang sya tumakbo palabas.
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED LOVESTORY
JugendliteraturA known playboy and a naive promdi girl. Parehong baguhan sa mundo ng pag-ibig. Magkaron kaya ng pag-asa ang lovestory nila? How far can they go to fight for what they feel? Will their love be worth the fight?