---LHIAM's POV---
naglalakad ako sa hallway kanina. kakatapos lang ng klase namin, uuwi na dapat ako pero may narinig akong nagpapiano sa music room. walang gumagamit ng room na yun kasi medyo sira na yung mga kisame. meron ding iba-ibang kwento tungkol sa room na yan ang mga estudyante dito. kesyo daw may white lady, may nagpaparamdam, may umiiyak, may tumutugtog ng piano. basta kung anu-ano pang mga panakot na kwento. pagdaan ko dun nagulat ako ng may marinig akong nagpapiano. medyo kinabahan ako pero di ko na lang pinansin. nung malapit na ako sa pintuan, pvcha may narinig akong umiiyak. syete naman oh! kinabahan talaga ako, yung puso ko sobrang bilis na ng tibok. hanep nakakabakla naman ang mga ganto. syete lang eh. kahit medyo natatakot na ako nun, sumilip ako sa bintana, pagtingin ko may tumutugtog nga ng piano. yun ata ang sinasabi nilang white lady eh. pero kakaiba yung white lady. nakahinga ako ng maluwag nung makita ko yung white lady na umiiyak at tumutugtog ng piano eh nakasalamin, nakapig tail ang buhok at nakasuot ng damit na inarbor ata sa lola nya.
nilapitan ko sya. inabot ko yung panyo ko sakanya.
"oh." nagulat ata sya nung inabot ko yung panyo ko sa kanya.
tiningnan nya lang ako.
"tss..kunin mo na lang kasi." linapit ko pa yung panyo ko sa kanya.
"di ko kailangan nyan." pinahid nya yung luha nya. tss. ang arte naman nitong babaeng to. psh. lumapit ako sakanya tapos pinahid ko yung luha nya. medyo naawa kasi ako sa kanya. tas tumingin sya sakin. kaya nagkatinginan kami. bigla syang namula kaya nailang din tuloy ako sa kanya.
awkward.
ang lakas ng tibok ng puso ko.
nadadala ako sa lungkot ng mata nya.
ang lakas pa din ng tibok ng puso ko.
di ko maintindihan ang nararamdaman ko.
kinuha nya yung panyo sakin. tas umiwas sya ng tingin.
ang lakas pa din ng tibok ng puso ko.
di ko namalayan, bigla na lang ako tumakbo palabas.
(ˍ ˍ")
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED LOVESTORY
Teen FictionA known playboy and a naive promdi girl. Parehong baguhan sa mundo ng pag-ibig. Magkaron kaya ng pag-asa ang lovestory nila? How far can they go to fight for what they feel? Will their love be worth the fight?