"Dude, hanep yung eksena nyo kahapon sa mall ahh. Hahaha " syete, umagang-umaga naman oh yan agad yung bungad ni Emman sakin. Barkada ko si emman.
"Teka, pano mo nalaman? Nandun ka rin ba?" Nandito kami ngayon sa room. Naghihintay ng prof.
"Wala, pero naupload na sa YouTube yun, dun ko nakita. Haha. Pare sobrang sikat ka na talaga,p pa-authograph naman oh!" Binigay pa nya sakin yung ballpen nya tapos nilapit nya sakin yung noo nya. "Dito mo i-sign pre! Hahaha!"
Pinukpok ko yung noo nya. Ayos kasi mang-asar ehh. Kaibigan ko ba talaga to? Tss.
"Aray naman pare joke lang. Ikaw naman kasi ehh magloloko ka na lang nagpahuli ka pa. Dapat ginalingan mo yung pagtago haha. Yan tuloy nagwala yung tatlo, naku baka bukas masama kayo sa kwento nI mark logan. Hahaha" binatukan ko nga. Kaasar ehh, wAla ng sinabing matino.
"Ewan ko sayo, maghanap ka ng kausap mo."
Tinaas ko yung paa ko dun sa nasa unahan kong upuan at gusto kong matulog. Nakacross arms Lang ako at pumikit NA pero humirit nanaman tong mokong NA katabi ko.
"Pero teka pare sino pala yung Babae na pinakilala mong girlfriend mo?" Sinagot ko sya ng nakapikit pa rin yung mga mata ko.
"Ewan, binunggo lang ako nun eh, tapos bigla ko na lang sya hinila at pinakilalang girlfriend. Di ko naman kilala yun."
"Ano? Di mo talaga kilala yun?hahaha ayos ah. Alam mo bang kalat sa campus na girlfriend mo talaga yun?haha pare naman, pipili ka na lang magpepretend na girlfriend mo yung mukha pang ewan. Hahaha."
Nagmulat ako bigla. Naalala ko kasi yung mukha nung babae kahapon. Di ko ma-explain yung porma nya. Nakaglasses sya and nakaponytail na dalawa yung buhok nya. Nakapalda syang hanggang tuhod tas yung damit nya parang hiniram pa nya sa lola nya. Ewan, ang baduy nya manamit. Tss. Kahit sa panaginip di ko gugustuhin na magkaron ng ganung girlfriend kaso no choice talaga kahapon ehh. Kumalat pa tuloy sa campus na girlfriend ko yun.
"Tss. Makakalimutan din nila yun, di ko na rin naman makikita yung baduy na yun ehh." Pinikit ko na ulit yung mata ko para matulog.
Tapos pumasok na yung prof. Natutulog pa din tas narinig ko sya nagsabi may transferee daw. Di ko na sya pinakinggan kasi inaantok talaga ako. Tapos naman etong epal kong barkada ginigising ako.
"Pare gumising ka nga dyan!" Kinakalabit pa nya ako.
"Badtrip ka naman emman oh, bakit ba?"medyo iritado pa ako pero gumising na din ako, tas tinuro nya yung nguso nya sa unahan, sinundan ko naman yung tingin nya. Pagtingin ko dun....
"Pare destiny ata ang tawag dyan. Hahaha" tumawa ng malakas si emman kaya pinagtinginan nila kami.
holy cow! Yung babae sa unahan, sya yung babae kahapon sa mall! (O_o)
"Hi, a-ako si E-Ellie Hamilton. Transferee ako dito." Halatang kinakabahan sya kasi she's stuttering.
Tas bigla syang tumingin sakin and nagtama yung mga mata namin. Pareho kaming nabigla nung magtama yung mga mata namin. Tapos pinagtinginan kami ng mga kaklase namin.
"Uy, diba sya yung girlfriend ni Lhiam na pinakilala nya dun sa mall? Yung nakita natin sa video?"
Ayh pvcha naman ooh! Namukhaan pa talaga nila yun? Hanep naman oh. Nakita ko naman tong katabi ko na tawang-tawa na sa nangyayari. Asar! Putulin ko dila nung kung sino mang nagsalita nun eh.
"Ayy, oo nga noh sya nga yun." Leshe, may nagsecond the motion pa.
"Is that so? May lovers pala tayo dito sa room. Well then, you can sit beside mr.Heimdall then. Wag Lang kayo magPDA dyan ha. Go on, take your seat." Hanep, nakijoin pa tong si sir. At anung PDA pinagsasasabi nya dyan. NI ayoko ngang lapitan yan eh!
"Ahh, sir nagkakamali ho kayo, hindi po kami mag------" syete naman sir, patapusin mo muna sya. Di naman talaga kami magbf/gf ehh.
"Wag ka na mahiya Ellie, di mo dapat kinakahiya ang boyfriend mo. Ipinagsigawan na pala nya sa mall na boyfriend mo sya ehh, kaya wag ka na mahiya. Maupo ka na dun."
"Pero sir-----" magsasalita nanaman sana sya pero binara nanaman sya ni sir.
"I said take your seat! Maglelesson pa tayo." Natakot na siguro sya kay sir kaya naglakad na sya palapit sakin. Nakayuko lang sya tas yung mga classmate namin pinagtitinginan sya at pinagtatawanan.
Weird naman kasi ng babaeng to. Yung shirt nya may design na malaking pakwan na parang embroidery BA ang tawag nun? Para syang bata, nakathick framed glasses pa. Tss.
umupo sya sa tabi ko pero di sya tumitingin sakin. Ayoko rin naman syang tingnan ehh.
eto namang si emman namumula na kakapigil sa tawa.
"Dude, sinasabi ko sayo destiny na ang gumawa ng paraan para pagtagpuin kayo ng girlfriend mo. Hahaha" loko talaga to kahit kelan.
"Destiny mong mukha mo, manahimik ka nga dyan."
Tapos nagstart ng maglesson si sir.
ano kayang course nito at magkaklase kami? Drafting kasi ang subject na to, at usually engineering at architecture classes lang ang mga kaklase ko dito.
Ay pvcha bakit ko ba iniisip kung anong course nya? Paki ko ba sa babaeng watermelon na to. Tss.
--_____--
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED LOVESTORY
Roman pour AdolescentsA known playboy and a naive promdi girl. Parehong baguhan sa mundo ng pag-ibig. Magkaron kaya ng pag-asa ang lovestory nila? How far can they go to fight for what they feel? Will their love be worth the fight?