5 - 01/05

430 28 5
                                    

Cousin-Leafa
+63 927 344 xxxx

Saturday, January 5

Hi, Nics! Musta? Nabasa mo pala ang pm ko sa 'yo sa messenger?
9:10 AM

No. I'm not OL for almost a week now.
10:30 AM

Pina-cut ko 'yung previous internet provider ko. Mamaya pa makakabitan ng panibago sa bahay.
10:31 AM

Ah, kaya pala. Kapag nag-ol ka later, check mo messages mo. 😊😊
11:00 AM

Why?
11:01 AM

Basta. Hehehe! 😅😅
11:02 AM

Diskumpiyado ako sa hehehe mo. 😒
11:03 AM

Haru jusko! Para ka na ring si Lexos. 😂😂
11:04 AM

Basta check mo messages mo, ha?
11:04 AM

Bahala na. Alam mo namang 'di ako active sa FB at Messenger.
11:06 AM

Buksan mo kahit saglit lang. At i-accept mo ang FR ng kaibigan ni Lexos. 😊😊
11:07 AM

Sino do'n?
11:08 PM

Check mo na lang kapag nag-ol ka. Hahaha! I'm sure, makikilala mo 'yun. 😂😂
11:09 AM

Please, accept him agad-agad para hindi ako ang maya't-mayang kinukulit kung kelan ka raw mag-ool. Jusko day! 😰😰
11:10 AM

K.
11:13 AM

Thanks, Nics. Ingat ka! Dalaw ka sa 'min ni Kuya Ark 'pag 'di ka na busy. 😊😊
11:14 AM

Subukan ko. Thanks. Ingat din.
11:30 AM

~~~

Speid Campbell

You and Speid aren't connected on Facebook

Your Gorgeous Engineer at LAC
Lives in Sa Puso Mo ❤

8:00 AM

Speid: Good morning, Senpai! 🤗

Speid: Still not online?

9:00 AM

Speid: Teka. Nasa Siargao ka pa ba?

Speid: Nakauwi ka na naman, 'di ba?

Speid: O wala lang talagang net diyan sa lugar mo ngayon? 🤔

10:00 AM

Speid: Notice me, Senpai! 😭

11:00 AM

Speid: Ayaw na 'kong pansinin ng pinsan mo. 😭

Speid: Siguro inutos ni kaibigan. 😒

Speid: Ang sama! 😡

Speid: I-accept mo na kasi ako.

Speid: Utang na loob, jusko! 😰

12:00 PM

Speid: Lunch time! 😊

Speid: Niyaya ko ang pinsan mo na lumabas for lunch. 😑

Speid: Si kaibigan ang sumagot na hindi raw puwede.

Speid: Hindi ko naman hinihingi ang permiso niya. 😒

Speid: At hindi rin naman siya ang niyayaya kong lumabas kundi si Leafa. Hays! 😥

Speid: #GrabeMambakod 😤

3:00 PM

Speid: Merienda time na!

Speid: Hulaan mo kung ano merienda ko.

Speid: Bibigyan kitang clue para 'di ka mahirapan.

Speid: 🍔+🍟+🥃

Speid: Ayan ang merienda ko.

Speid: Nahulaan mo ba? 😊

Speid:  Wow. Galing!

Speid: 👏👏👏 for you! 😊

5:00 PM

Speid: Anong tawag sa baboy na nangangarate?

Speid: Alam mo ang sagot?

Speid: Eh 'di PORK CHOP! 😂

Speid: Alam mo bang j-in-oke iyan kahapon ng pinsan mo kay Lexos?

Speid: Jusko! Tawang-tawa kami ni Leafa. 😂

Speid: Hindi natawa si kaibigan kaya ako na lang ang tumawa for him. 😂

Speid: KJ kasi. 'Di maka-appreciate ng corny jokes. Hahaha! 😂

___________________________________________

If you reply, Speid will be able to call you and see information like your Active Status and when you've read messages.

I DONT WANT TO HEAR FROM SPEID

~~~

Cousin-Leafa
+63 927 344 xxxx

Saturday, January 5

Speid Campbell? 'Yung kaibigan ng boyfriend mo?
9:28 PM

Yes! Siya nga! 😊😊
9:40 PM

Wait. Na-check mo na messages mo? You remember him, right? 😊😊
9:41 PM

No. 'Di ko siya matandaan. Sa dami ba naman ng lalaking sinamaan ko ng tingin. 😑
9:43 PM

Hahaha! Haru jusko! 😂😂
9:43 PM

Kahit 'di mo matandaan, accept mo na lang, Nics. Nang matahimik na siya. Pati na rin kami ni Lexos. Please? 😳😳
9:44 PM

Ayoko. Ang ingay niya.
9:45 PM

Hahahahard! 😂😂
9:45 PM

Tsk. Bahala siya sa buhay niya. 😑
9:46 PM

True Love HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon