4 - 01/04

452 23 7
                                    

Message Requests

Speid Campbell

6:00 AM

Speid: Hi, Miss! 🤗

Speid: Yes! TGIF! 😍

Speid: Ang palaging hinihintay ng lahat ng empleyado. Bwahaha!

Speid: May small celebration pala ang team nina Leafa para sa kanilang relasyon ni kaibigan after office hours.

Speid: Jusko! Ang agang magpa-celebrate ng monthsary 😂

Speid: On second thought, puwede rin palang mag-celebrate na.

Speid: Baka hindi rin naman pala umabot ng first monthsary ang relasyon nila bwahaha 😂

Speid: #AdvancedSilaMagIsip

Speid: #ISupport 😂

Speid: Ako pala'y bumabati sa 'yo ng isang magandang umaga. 😊

Speid: At nagpapaalala na 'Please accept my friend request, senpai!' 😉

9:20 AM

Speid: Jusko si kaibigan! 😥

Speid: Umaga pa lang, mukhang excited na! 😰

Speid: Kinakabahan tuloy ako para mamaya

Speid: Baka mag-strip dance 'to sa buong madla! 😱😰

Speid: Ay

Speid: Malabo palang mangyari

Speid: Kasi bago pa 'to makapaghubad, naunahan na siya ng mga kamay ni Leafa 😂

Speid: Lakas pa namang mangapa ni Leafa lalo na kapag lasing

Speid: Gising ang lahat nang dapat magising kay kaibigan 😳

Speid: Jusko! 😰

Speid: Baka makapanood ako ng live show! 😨😱

Speid: My virgin eyes! 🙈🙈

Speid: Pigilan mo ang pinsan mo habang maaga pa! 😭

12:00 PM

Speid: Magandang tanghali, binibini! 😊

Speid: Just dropping by to say eat your lunch na.

Speid: And please accept my friend request. 😊

Speid: No pressure naman. 😊

Speid: Basta kapag nag-online ka, paki-accept agad-agad. Bwahaha! 😂

8:20 PM

Speid: Good evening, Miss! 🤗

Speid: Dito na kami Helios Bar.

Speid: Alam kong 'di mo tinatanong 😅

Speid: Pero, ina-update na kita 😄

Speid: On behalf of your cousin 😂

Speid: Bantay-sarado nga si kaibigan kay Leafa

Speid: Feeling siguro kasi, malingat lang 'to ng tingin kay Leafa, baka gawing tubig ng girlfriend ang mga alak bwahaha 😂

Speid: Tapos tumayo at mangmolestiya ng ibang lalaki 😂

Speid: Sigurado ako bago pa mangyari 'yon, nag-volunteer na si kaibigang Lexos 😏

Speid: Sarili niya na ang iaalay kay Leafa, jusko! 😂

Speid: #SanaAllKatuladNiKaibigan 😭

Speid: Sige na, Miss.

Speid: Chat you again later.

Speid: And one more thing. 😅

Speid: Please accept my friend request na 😚

Speid: Ay tangina

Speid: Wrong emoticon 'yan!

Speid: Ganito dapat: 😉

Speid: Mata dapat, hindi nguso 😂

Speid: Pasensiya na sa aking pagkakamali 😩

Speid: Guwapo lang kaya nagkakamali rin bwahaha 😅

Speid: GTG na talaga

Speid: Babantayan ko pa 'tong si kaibigan eh

Speid: Kapag pa naman may alak, may masamang balak. 😏

Speid: Baka kung ano pang gawin sa pinsan mo 😂

Speid: Ay mali pala

Speid: Baka si Leafa ang may gawin sa kaibigan ko 🤣

True Love HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon