Shot pa? (spg)
.
Ako si JM, 20 years old at ito ang aking kwento.
Mayroon akong tropang walwal na anytime pwede mong lapitan basta tawag ng alak yan haha. So bali anim kami sa grupo, Ako, si Ringo, Raf, Paul, Vin at Reggie. Normal lang sa amin ang mag iinuman sa bahay ng bawat-isa lalo na kung may okasyon. Pero that time, nainvite kami ng pinsan ni Paul na taga kabilang barangay dahil may fiesta daw 'don.
Mga around 7pm na siguro kami nakarating, mejo may kalayuan pala sa kabihasnan yung bahay ng pinsan ni Paul (lugar kung saan malayo ang pag-ibig hahaha). Dalawa lang sila ng Lola niya na nakatira doon, at konti lang ang kapit-bahay at mga halos 30m pa ang pagitan. Maraming puno sa paligid kaya sobrang dilim at wala kang makikitang kahit ano kapag tumingin ka sa malayo.
.
Yung bahay nila ay pangkaraniwan lang, may dalawang kwarto pero may kaliitan yung sala kaya sa harap ng bahay nalang namin napagpasyahang mag-inuman. Pero bago kami nagsimula, pinakain muna kami ni Lola ng mga handa nila.
.
Mga halos isang oras palang siguro kaming nag iinuman, nakakaisang litro palang kami ng alak na nauubos pero mejo nahihilo na 'ko na parang lumalaki yung ulo ko at ramdam ko yung pintig ng ugat sa aking sintido, (normally kasi 3L bago ako tamaan) kaya tumayo muna ako para umihi at naghilamos ng konte sa may gilid ng bahay dahil nandoon yung poso.
.
Pagbalik ko, may babae ng nakaupo sa kanang banda ng aking upuan, kung idedescribe ko sya (maputi, naka t-shirt siya ng hapit at maikling shorts na maong, hindi gaanong matangkad, ang amo ng mukha kahit nakatagilid ko lang siyang nakikita). Dali-dali na akong bumalik sa pwesto ko kaya nakatabi ko na siya, hinihintay kong ipakilala siya sakin pero wala manlang ni isa ang gumawa, inisip ko baka kapitbahay nila na napadaan.
.
Iaabot ko na sana ang kamay ko sa kanya para magpakilala ng itaas niya din yung kamay niya, akala ko makikipag shakehands yun pala iaabot nya lang yung baso "Oh, shot mo na". After non, parang lalo akong nahilo, nakalimutan ko nang magpakilala sa kanya, panay lang ang titig ko sa kanya at pagnahuhuli niya akong nakatingin ay ngingiti siya na parang may ibig sabihin. Dahil talagang nahihilo na ako, nadulas yung kamay ko sa lamesa kaya mejo nahawan ko yung left leg niya (pramis nadulas lang talaga) "ay sorry!" sabi ko, tapos ngumiti lang siya, hindi ko napigilan si Manoy(hindi tunay na pangalan) ramdam ko, unti-unti siyang nagagalit mula sa pagkakakulong sa likod ng aking pundilyo haha.
.
Sabi ko sa kanila, "mga 'tol, di ko na talaga kaya, pede bang makihiga muna?" , tapos hinatid ako ng pinsan ni Paul sa kwarto nya. Mga ilang minuto palang siguro akong nakapikit ng may narinig akong parang may nagsara ng pinto, pagtingin ko do'n "sh*t yung babae!". Dahan-dahan siyang lumakad palapit sakin, ng nasa may paanan ko na siya, bigla siyang lumuhod tapos gumapang paibabaw sa akin. Sh*t ang ganda talaga niya, hindi ko na napigilan sarili ko, dahil nahihilo na talaga ako hinayaan kong gawin niya lahat ng gusto niya sa mala adonis kong katawan. Panay ang halik niya sa leeg ko, sinibasib niya yung labi ko na halos magkapalitan na kami ng mukha sa sobrang gigil niya sakin.
.
Ramdam ko yung kamay niya na unti-unting binababa yung zipper ng suot kong pantalon, kaya malaya ng nakagalaw si Manoy na tila isang sundalong handang sumugod sa giyera. Tinakpan niya yung mata ko ng isa niyang kamay saka niya isa-isa ring hubarin ang kanyang kasuotan. Dama ko ang init ng kanyang balat sa hita na naka angkla sa aking tiyan, ng marahil ay maubos na niyang matanggal ang kanyang saplot ay muli niyang sinibasib ang aking bibig. Naroon padin ang kanyang kamay na nakapiring sa akong mga mata at ang isa'y malayang naglalakbay sa aking kabuuan, ng ito'y unti-unting gumapang paakyat sa aking leeg, panay ang haplos ng biglang bahagya itong sumikip kaya mahirapan akong huminga. Dahil sa kakapusan ng hangin ay tatanggalin ko na sana ang isa niyang kamay sa aking mga mata ng bigla niya rin itong inilipat sa aking leeg at tuluyan na akong sinasakal. Lalo pa akong nahirapang huminga dahil ang dating kanyang maamong mukha ay unti-unting napalitan ng isang matandang kulubot na may pares ng dalawang naglalakihan, maugat at pulang mga mata at ang dating makikipot niyang mga labi ay tila na isang gripong puno ng laway habang ang kanyang dila na may haba na hindi pangkaraniwan ay nakalaylay at panay ang hagod sa aking mga pisngi. Ang kanyang mga balat ay tila inaagnas at amoy galis ng aso at ang bawat sugat ay may mga maliit na uod na pumipitik-pitik na ang ilan pa nga ay napunta sa aking pisngi.
Lalo akong nahirapang hunginga habang hinang-hina naman ang aking katawan na parang may sumisipsip sa aking lakas habang siya ay patuloy na umiindayog sa aking ibabaw, damang-dama ko ang kulubot niyang balat na may mamasa-masang sugat at ang mabuto niyang katawan na tumutusok sa akin.
.
Gusto kong sumigaw, pero walang lumalabas na boses sa akin, hindi ko rin maikilos ang aking katawan sa sobrang panghihina hanggang sa hindi ko na maramdaman ang aking sarili.
.
Nagising nalang ako na maliwanag na ang paligid, agad akong tumayo at dumiretso sa labas, nandoon silang lahat nakatingin sa akin habang kumakain ng umagahan. "Uy gising kana pala, tara kain." aya sakin ni Paul. Kinakabahan padin ako sa nangyari sa akin kagabi na hindi ko malaman kung panaginip dala ng kalasingan o totoong nangyari.
.
Habang kumakain kami ay tatanungin ko sana yung pinsan ni Paul kung sino yung babaeng nakainuman namin kagabi ng biglang mag-salita si Ringgo, "Tol, ang lakas pala mag inom ni Lola ano?"
.
Jay
201*
Others
BINABASA MO ANG
Jungkook: SPG Confessions
RomanceIsang gabing madilim, nadama ko ang romansa ni JungKook unti unti naglapat ang aming mga dila at naramdaman ko ang init ng kanyang katawan? At bigla akong nagising sa katotohanan. Anong SPG confessions mo JungKook? Warning: Some scenes are RATED S...