"Ang Tito Kong manyakis" (SPG)

215 2 0
                                    


"Ang Tito Kong manyakis" (SPG)

Hi I'm 19 years old, sisimulan ko na yung kwento ko. May isa akong Tito na asawa ng Tita ko na kapatid ng Tatay ko. Isang araw habang nagbibihis ako nahuli ko yung Tito ko na yon na sinisilipan ako. Nanginig ako non at natakot di muna ako nagreact at sinabi ko sa mama ko yung nangyari sa sobrang galit ko lumabas ako at dumeretso sa barangay hall na malapit samin eh kaso sakto holiday non kaya sarado yung barangay hall. Edi bumalik nako sa amin at dun nako nagreact ng todo yung tipong nagwawala nako sa sobrang galit ko sa Tito ko na yon at dun ko sinabi sa lahat ng tao samin na isa syang manyakis at sinilipan nya ko. At syempre di sya aamin ng ginawa nya, nagpalusot sya sabi nya kunwari eh inaayos nya lang yung antenna nung TV nila. Bali yung bahay kasi namin iisa lang yun plywood lang yung pagitan at dun sa may kwarto namin may malaking siwang sa may pader na malapit sa bubong. Nung araw na yon pumunta ako ng ibang barangay hall at pina-blotter ko sya pinagsulat ako ng letter na kung anong ginawa sakin at sabi nung sa barangay tatawagan nalang daw nila ako para pagharapin kami nung Tito ko pero ilang weeks na lumipas wala parin silang ginagawang aksyon. After nangyari nung insidenteng yon di na muna ko nagstay samin pinalayo muna ako ng nanay ko at yung tatay ko walang ka alam alam sa nangyari sakin dahil hindi ko pwedeng sabihin sakanya kase magagalit yung nanay ko pag nalaman ng tatay ko yung nangyari baka mapatay nya yung Tito ko na yon. Bali yon di ko na muna sinabi sa tatay ko. Actually eto pa yung ibang revelation ko hindi lang yon ang ginawa nyang kabastusan saken. Nung 12 years old palang ako una nyang ginawa sakin yung inalok nyako ng pera at kapalit ay tabihan ko daw syang matulog wala kasing tao sa bahay namin non ako lang at yung ate ko saka asawa nya. Tapos yung asawa ng Tito ko at mga anak nya wala sya lang naiwan sakanila. Then nung time na yon lumabas yung ate ko at asawa nya para bumili bali ako nalang naiwan non at yung tito ko. While I'm watching TV biglang akong pinuntahan ng tito ko tapos bigla nyang sinabi saken ""bibigyan kita ng 350 tabihan mokong matulog"" sabi nya. Syempre natakot ako bigla akong lumabas at iniwan kong bukas yung tv at electricfan namen. Nung gabing yon di muna ako natulog samin, natulog nalang ako sa church namin. And the second time na ginawa nya saken, habang natutulog ako sa sala namin kasama ko yung bestfriend Kong bakla, biglang lumabas yung Tito ko sa kwarto nila at lumapit sakin at nakita ko sya na inaalis nya kumot ko sa may bandang baba. Nagkunwari akong natutulog non, tapos kunwari gumalaw ako at dun sya umalis. Sinubukan kong sabihin sa nanay at mga tita ko yung nangyari pati sa lola ko pero di sila naniniwala lahat sakin. Lahat nalang may palusot yung tito ko. At yung nangyari ngayon di ko pa pinapalampas, ngayon pinalayas ako ng nanay ko samin dahil sa nagkasagutan kami kase ayaw nilang maniwala sakin. Ang sakit sobra pilit nilang pinapaniwalaan yung manyakis na yon lahat sila pati mga tita ko galit sakin. Ako pa masama ngayon! Di nako nakapag timpi at inamin ko sa tatay ko yung ginawa ng manyakis nayon pero pilit nilang binibilog yung utak ng tatay ko para di sya maniwala sakin. Anong klasing pamilya sila? Kung sino pa yung kadugo ko sila pa yung kumakampi sa manyakis na yon. Bat di ko nalang daw hayaan, nakakahiya daw kasi sa mga tao. Syempre talagang nakakahiya yon, yung tinuring mong tito mamanyakin ka. Di ko na po alam gagawin ko lahat sila galit sakin dahil lang sa pinaglalaban ko yung karapatan ko. Masama po bang lumaban? Kung ikaw na yung binabastos ok lang sana kung isang beses lang eh pero tatlong beses nya ginawa. Sa totoo lang gusto ko nalang magpakamatay, tutal wala naman nagmamahal sakin. Di na nila ako tinuturing na pamilya kaya ganun nalang din ako sakanila. BAKIT SOBRANG UNFAIR NG MUNDO?! Bat kailangan pa ng ebidensya para lang mapakulong yung may kasalanan?! Sobrang sakit ng loob ko sa pamilya ko ngayon lalu na sa mga magulang at kapatid ko. Yung tatay ko na nga lang yung may pake sakin di pa sya naniniwala. Sobrang sakit. Ano pong dapat kong gawin?

2017
Pampanga

Jungkook: SPG ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon