"PAALAM"

4.1K 12 0
                                    


"PAALAM"

Warning: very long story. It really takes time hehe. Hello, I just wanna share my story.

So hayon nga, way back December 2012, napanaginipan kita, nagkiss daw tayo sa harap ng store ng auntie mo dahil dun ako parating bumibili. Hindi ko pinansin yong panaginip ko na yon kasi inisip ko malabong magkatotoo yon, nagtaka lang ako kasi bat ka napunta sa panaginip ko ni hindi nga kita crush nun and we're both too young pa although ahead ako ng 1 yr.

Talon tayong April 2013, summer vacation natin pareho nun so nagkaroon ako ng more time sa ibang bagay bukod sa pag-aaral. Since may bisita kmi nun hindi nako nag vacation sa ibang lugar. At kayo naman ng mga kapatid mo ie nagbakasyon sa lugar namin. Kasama ko ang bestfriend kong tumatambay nun, until one day nakasama kita sa court sabay tayong nagnunuod ng mga naglalaro nun nagpapasa kapa nga ng music dati naalala ko . Until umabot ako sa point na hinahanap na kita parati hanggang sa na-fall na nga ako sayo.

Ang clingy natin nun nung nag confess ako sayo and you accept me naman. Sobrang saya ko nung panahon na yon, June 2, 2013 naging tayo, pero the next day is pasukan kaya uuwi na kayo sa bayan niyo. LDR ang tema namin , sakit sa bangs. May communication naman, phone calls and text, araw-araw tawagan pagkauwi ng school dahil nga bawal magphone dati habang nag-aaral kaya pag-uwian nalang kami nakakapag usap.

December 2013, dun kita unang nakatabi sa pag-tulog (walang ibang nangyari natulog lang talaga). Ang saya natin pareho nun ang sweet mo sakin magkayakap tayo habang natutulog. Kahit magka muscle crumps tayo pareho nun hindi tayo bumitaw.

Year 2014 maraming nangyari, kahit may naririnig akong kesho may bago ka raw, ni hindi mo daw ako mahal, pinakinggan ko lang yon, nagbingibingihan ako, nagbulaglagan kasi alam kong masakit yon sa side ko pero kumapit ako. Mas naniwala ako sa mga salita mong "mahal kita" "hindi kita iiwan" .

APRIL 2015 tuluyan tayong nabuwag. Sobrang sakit ng loob ko nun, iyak ng iyak. Halos gumuho ang mundo ko nung iniwan moko. Pero lumipas ang ilang buwan muli tayong nagkatagpo, nagkausap at naging mag-FRIENDS. Hindi na mahirap tanggapin yon kasi komportable naman kami sa isat-isa. Pero ang totoo mahal ko pa siya. Dumating sa puntong magkainuman kami kasama ang tropa, pag nalasing iiyakan ko siya. Tapos balik kami sa dating sweet dating clingy, dating magkatabi matulog, pero hindi na tulad ng dati na may label. Masakit, oo dahil sumasaya ako sa kanya ngunit hindi ko naman alam kung may lugar ba talaga ako sa puso niya. WALANG KAMI pero sweet padin siya sakin. Yong tipong ang haba ng hair ko sheeet. Pero hanggang dun nalang yon, wala kasi akong lugar sa puso niya. Ni hindi ko nga masabing nagseselos ako pag may kachat/katext/kausap siyang iba kasi nga wala namang kami. Pero thankful padin ako sa kanya dahil pinaranas niya ang mga bagay na yon sakin. Siguro nga it is the right time para kalimutan na siya.

I just want to say thank you "J" dahil pinaras mo sakin maging BABAE kahit BAKLA AKO. Kahit feeling ko sa naging relasyon natin ako lang ang nagmahal, at feeling ko fake lahat ng sweetness mo sakin, yong text message mo saking "MAY FOREVER" na naka save padin until now sa screenshots ng gallery ko kainin mo na lutong luto na siya. Hahaha pero salamat dahil natuto ako ng maraming lessons sa buhay dahil sa pagdating mo sa buhay ko.

Paalam .

Ps: not a good story teller po ako pero atleast nasabi ko ung point. Pero magulo padin haha.
Pps: bakla po talaga ako.
Ppps: no money involved at wala pang nangyaring intercourse. Kissing is okay .

GL
201*
Other

Jungkook: SPG ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon