The Diary

85 2 6
                                    

Ang tanga tanga ko noh? Alam mo yung paulit ulit na nyakong niloloko pero nagbubulag bulagan parin ako. Di ko alam kung bakit. Ang sakit sakit.

--

Ako nga pala si Star. Ang cool ng pangalan ko noh? Ang cool kasi ng parents ko hehe.May ikekwento nga pala ako sa inyo.. Story siya ng katangahan ko.. :)

--

Dear DIARY,

Nung 1st Year palang ako natipuhan ko ng mag-scout. Masaya + Madami ka pang nagiging kaibigan galing sa ibang section okaya year level.

That day, may nakilala akong lalaki. Lalaking hindi ko inaasahang magiging importante sa buhay ko.

Inalam ko ang mga bagay bagay tungkol sa kanya.

Sa naririnig at nakikita kong inaasal niya, humanga ako kasi grabi ang bait at ang talino niya. Crush ko nanga siya that time eh. Actually.. he's 2 years older than me kaya nga Kuya Moon ang tawag ko sa kanya nun.

Ilang buwan ang dumaan.. Finally naging close kami. Paano? Nakakatawa mang isipin pero dahil yun sa FB. Dahil sa lumang account ko na mali naman yung birth date na nakalagay.

Laking tuwa ang naramdaman ko nun pano ba naman nag comment siya for the first time sa isa kong post.. sabi niya "HBD" means Happy Birthday. Nung una nagtaka ako pero nung tumagal tagal naisipan kong tingnan isa isa yung mga luma kong FB at di ngako nagkakamali, birthday nung isa kong account. HAHAHA. Ang kulit lang eh noh? Chinat ko siya agad para iexplain lahat. Nagtawanan lang kami pagkatapos niyang malaman na hindi ko naman talaga birthday. Dahil dun naging close kami..

Simula nun halos araw araw ko na siyang kachat. Nagkaroon panga kami ng tawagan.. ako si 'Rikka' siya naman si 'Yuuta' characters yun sa favorite naming anime na Chuunibyou demo koi ga shitai. Parehas kasi kaming otaku kaya yun na yung naisipan kong tawagan namin.

Masaya ako tuwing ka chat ko siya at alam kong ganon din yung nararamdaman niya. Minsan nga bumabanat siya ng pick up lines na halos himatayin nako sa sobrang kilig kahit yung iba dun eh alam ko na, ganon daw kasi yun pag yung mahal mo ang nagsasabi ng mga lines na magpapakilig sayo.. Ang sarap lang sa feeling.. H E A V E N.

Minsan naman sinubukan nyakong kantahan kahit through chat lang basta isipin ko lang daw na naririnig ko yung boses niya para daw makatulog ako ng mahimbing. Ang sweet noh? Pero alam mo maniwala ka man o sa hindi, kahit kailan di ko binibigyan lahat ng meaning yung mga sweetness na pinapakita niya sakin. Ayoko kasing umasa.

Pero minsan nagtataka nako sa mga sinasabi niya tuwing nag cocomment siya sa picture ko.. "Alam mo kamuka mo yung crush ko" yan yung sinabi niya dun sa bago kong profile picture. Pinipigilan kong mag assume pero parang may something talaga eh.

Siguro hahayaan ko nalang..

Pagkatapos nun.. dalawang linggo siyang hindi nagparamdam.

**DECEMBER 25, 2012**

Pasko. Akala ko tuluyan na nyakong iniwasan pero di ko inaasahang mag paparamdam siya sa araw nayun.

Binasa ko yung message niya.. Nangangamusta lang siya at katulad ng dati nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan hanggang sa umabot yung punto na..

"Sino nga pala yung crush mo Rikka?" tanong niya.

Hindi ako umamin. Sabi ko nalang "Secret."

"Sige ganto.. Sasabihin ko din yung akin basta sabihin mo din yung sayo" sabi niya. Sa sobrang curious ko napa-oo ako ng wala sa oras pero..

"Sasabihin ko pero dapat ikaw yung unang magsasabi kung sino? Oh ano? Deal?" biro ko sa kanya.

Nakakamiss yung kulitan namin noon. Naalala ko tuloy nung sinabi niya sakin kung sino yun..

"I K A W !"

Ako daw yung babaeng gusto niya. Ako daw.

Pagkatapos nun naging mag M.U kami. Siya ang lalaking kauna unahang nagpabilib sakin. Pano ba naman kasi hihintayin daw nyako at haharap sa mga magulang ko sa tamang oras para manligaw. Ang sweet noh? Nung mga araw nayun dun ko nasabing MAY GANTO PA PALANG LALAKING NABUBUHAY. :)

Palagi nyakong pinapasaya sa mga simpleng surpresa lang. Pinapakilala ako sa mga kaibigan at mga importanteng tao sa buhay niya.

Kaso.. LAHAT NG BAGAY MAY LIMITASYON.

Nung mga panahon nayan grabi ang sayang naramdaman ko pero di ko alam mapapalitan lahat to..

Apat na beses kaming pinaghiwalay ni TADHANA. Pa ulit ulit sumasagi sa isip ko na "May plano samin si God" kaso wala talaga. Sadyang TANGA at BULAG lang talaga ako.

Palagi niyang dahilan tuwing tinatapos niya kung anong meron samin.. "Wala sayo ang problema, nasakin at sa mga taong nasa paligid ko"

Sinong taong di maghihinala. Sinong taong maniniwala sa mga reasons niya. Umiyak nako sa harap niyat lahat binawi ba niya yung rason niya? Nagpaulan nakot lahat para di makita ng mga kaibigan ko yung mga luhang pumapatak sakin nun, bumalik ba siya?

After nung LAST na chance na binigay ko sa kanya. Wala na talagang rason para ibalik pa ang dati.

**February 14, 2014**

"I Love You ANGEL!" sigaw ni Moon para sa babaeng MATAGAL NA NIYANG NILILIGAWAN, bago pa kami magkakilala.. Bago pa ko pumasok sa buhay niya.

Bago pa pala ako eh meron na. Dun palang masasabi ko ng TANGA ako.

Nagunaw ang mundo ko. Maaaring hindi niyo alam yung masasayang nangyare dahil di ko na naikwento sa diary ko pero sana alam niyo kung gaano kasakit ANG IWAN AT LOKOHIN ka ng halos Dalawang taon.

Dahil dun di nako naniniwala sa Forever o kahit sa tadhana o TRUE LOVE. Bitter na kung bitter, masisisi niyo bako?

Ang ayoko sa lahat eh yung ginagawa akong REBOUND. Pero.. Alam ko may mali din ako to the point na Apat na beses ko siyang binigyan ng chance.

Moon.. Tanong ko lang.. Minahal mo ba talaga ako?

Sige dito nalang. Naiiyak nako eh. Haha.

Nagmahal at nasaktan
Star.

--

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon