MGB

16 0 0
                                    

Yung malaking tv sa gilid ni kabayan Noli ang dahilan kung bakit ako nanonood dati ng Tv Patrol. Gustong-gusto ko kasi magkaroon ng ganun kalaking tv. Astig yun dahil mas nakakatakot manood dun ng Oct 31 Episode ng Magandang Gabi Bayan. Basta ang natatandaan ko MGB ang Nakakatakot magpalabas noon ng balitang katatakutan. May pagkakataon na nakinood ako sa bahay ng kaibigan ko at patakbo akong umuwi sa amin ng walang lingon-lingon dahil sa takot sa hindi ko alam kung saan o sa ano. Ahaha :D Inaabangan kong tumayo ang mga buhok ni Kabayan noon dahil sa kilabot pero bigo ako. Mas malakas pala ang kapangyarihan ng pomada vs kapangyarihan ng kadiliman :p :)

Speaking of Takot. Ang malimit ipangtakot sa amin noon ay ang mga pulis at gwardya. Na kukunin daw ang makukulit na bata at ikukulong. Nakakatakot talaga un ha lalo at wala ka pang alam sa warrant of arrest.ahahaha :p Kaya siguro medyo suplado ako ngayon sa mga sekyu at lespu :p

Sa ibabaw ng lahat ng ito. Mayroon pa pa lang higit na nakakatakot. Mayroon pa pa lang higit na kakilakilabot. Ito ang Araw ng Paghuhukom! Sa araw na yun ay higit pa sa sunburn ang makukuha ng tao dahil ang kahit ang mismong sun ay mabuburn!

Mga tol, Ingatan natin ang ating pagka-Iglesia Ni Cristo. Ito ang passes natin para sa kaligtasan at sa tunay na buhay. Doon sa Bayang Banal.

Balik Tanaw sa Childhood.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon