Weird daw ako?

26 0 0
                                    

May mga nagsasabi na weird daw ako. Ahahaha sa totoo lang mas civilized na ako ngayon kesa noong kabataan ko. Gusto nyo ng ebidens? Yung mga laro ko noong kabataan ko ay milya-milya ang layo sa mga laro ng mga bata ngayon. Ang mga laro ngayon ay nakadepende sa buhay ng baterya samantalang noon nakadepende ang laro sa buhay ng mismong laruan mo. Ahaha

SALAGUBANG- eto ang isa sa madaling makuha. Maghintay ka lang matapos ang ulan at yugyugin mo ang puno ng manga may salagubang kana. May bonus ka pang instant shower.hehehe Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapaniwalaan na may number sa ilalim ng pakpak ang mga salagubang. Eto daw ang nagsasabi kung masipag o tamad lumipad. Astig no. Parang plate number lang.ahaha Kapag may salagubang kana ready kana maglaro. Kung loner ka o yung tipo ng kabataan na bisyo magpalobo ng sipon talian mo lng ito sa mga paa at pwede mo na itong paliparin as Guardian Beetle mo :p Kung competitive ka at trip mo mang-asar ng kalaro. Beetle Wrestling ang laro mo. Dito malaki ang papel na ginagampanan ng Bazooka Bubble gum.ahahaha Pagdidikitin nyo lang ang likod ng mga salagubang at itatayo sila. Kung kaninong salagubang ang mabubuhat ay siya ang talo.

GAGAMBA- eto ang laro na medyo marahas. Survival of the fittest ang tema. Kailangan mo ng gagamba at walis tingting. Kung tamad ka manghuli, makakabili ka ng gagamba sa mga batang may dala-dalang patong-patong na kaha ng posporo. Paglalabanin lang ninyo ang 2 gagamba. Masaputan at maging mummy ang gagamba ang talo. Kung sino ang mapalo ng nanay dahil sa pag-aaksaya ng walis tingting ang champion.ahahaha :p

SISIW/ITIK- eto ang talagang weird lalo yung COLORED SISIW. Makakakuha ka nito sa palabunutan. Maliliit na piraso ng papel na mababasa mo ang nakasulat kapag nabasa ang papel. Bubunot ka at ipapahid mo sa basang foam o ilulubog sa maliit na baso ang papel. Kapag lumabas ang salitang WIN may sisiw kana. Kaso napansin ko na puro LOSS ang nabubunot ko. Ahahaha alam na.

TUTUBI/DRAGONFLY- dito ako hirap manghuli dati. Kailangan mong magpunta sa medyo madamong lugar. Dapat lakad magnanakaw ka lang para wag lumipad yung tutubi. Mas mahirap hulihin yung tutubing karayom. Swerte ka kapag nakahuli ka ng kamukha ni Mask Rider black at maganda ang color. Jackpot ka kapag nakatapak ka ng tae sa damuhan.ahahaha

BANGAW- eto ang pinakaWeird at kadiri pa.ahahaha :p Paglabas ko dati ng bahay sa umaga. Ay malimit akong makakita ng bangaw na naka-park sa ere. Parang helicopter lang.ahahaha :p Kapag nakakuha ako ng isa ay pipisain ko lang ng bahagya ang pwet para lumabas ang puti. Dito ko ikakabit ang sinulid. Presto may alagang bangaw na ako.ahahaha

Weird ba ako o sadyang kakaiba lang ang mundo na ginalawan ko dati?  Dahil noon mas gumagana ang isip at katawan ng bata kaysa ngayon na mas gumagana ang bulsa.. masakit pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Balik Tanaw sa Childhood.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon