TIME SPACEWARP NGAYON DIN!

116 0 0
                                    

(ANG time spacewarp ay ang lugar kung saan nagiging higit na makapangyarihan ang mga halimaw ni Kuuma Le-ar)

Pamilyar ang mga batang 90's dito. Kapag nagugulpe na ng Lolo ni Zaido ang mascott na kalaban biglang magsasabi si Yda (ang transgender na Babaylan) ng ala- TIME FIRST na dialogue para makasurvive ang kanyang alaga. Matinde ito kasi mula sa pagiging lobat ay biglang full charge ulet ang monster. Daig pa ang nakakain ng magic bean ni Goku. Susundan naman ito ni Alexis sakay ng Blue hawk 125cc na de clutch :) Doon na sila maglalaban and the rest is history :D

Sa paglipas ng mga taon lagi kong iniisip kung meron ba talagang Time Spacewarp. Kung mayroon ba talagang lugar kung saan kapag hinang-hina kana ay pwede ka agad lumakas. Lugar kung saan kapag gulpe sarado kana ng mga problema at pagsubok ay makakarecover ka pa din.

Nadiscover ko meron pala! Pero ito ay hindi time spacewarp ng mga kalaban ng Pulis Pangkalawakan kundi para sa mga HINIRANG.

Dito kapag hinang-hina na dahil sa mga problema ay lumalakas ang mga Hinirang ng Ama. Dito nakakamtan din ang kagalingan ng sakit ng mga lubos na sumasampalataya. Dito gumagaan ang mga mabibigat na dalahin.

Saan ito? Sa Dako at sa Panahon ng Pagsamba! Kaya panabikan natin ang ating mga pagsamba.

Kapag may pagsamba...TIME SPACEWARP NGAYON DIN!

Balik Tanaw sa Childhood.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon