Di ko alam sa magulang ko kung bakit ako nalang lagi nila nakikita,palibhasa bastos akong bata eh HAHA .Ako tapunan ng sermon kasi sarado din lagi ang isip ko sa eksplanasyon ng iba lalo na kung ako yung nasabihan.
Di ko alam pero habang tumatanda ako,nagbabago ang pananaw ko sa buhay. Habang tumatanda ako natututunan kong ipaglaban ang sa tingin ko ay tama. Tumatapang ako sumagot. Na dimunyo na ata ako.
Lumalawak din naman isip ko,mas nakakaintindi na ako ng mga sitwasyon, fair na din ako magisip at pantay na rin ang tingin ko sa mga tao,pero isang ugali ang hindi maalis saakin simula pagkabata,ang pagiging sutil at iyakin. Sana naman sa susunod magkaroon ako ng hiya na sagutin mga magulang ko at mapreno ko yung bibig ko.
BINABASA MO ANG
#JustSaying
Non-FictionSo hi beautiful/handsome,this is my compilation of rants and opinions. I'm sure anyone can relate to these, because we're all sharing the same struggles/problems here in Earth :p